THIRTY SEVEN

737 16 9
                                    

ESTELLE~

Pinadaan ko muna ang taxi sa isang flower shop kasi papagawa ako ng bouquet, sobrang special ng araw na to kaya as much as possible gusto ko maging perfect ang lahat.

Nang makarating ay bumayad na ako sa taxi at bumaba na. Napahinto ako sa paglalakad at pinagmasdan ang puntod nya, inialis ko ang mga iilang dahon na tinatabunan pangalan nya. Sobrang tagal na pero parang nahihiya pa rin akong kausapin sya.

"Hello Ate Marisse. Kamusta na po kayo?" Sabi ko habang inilagay ang isang bouquet na pinagawa ko.

"Alam mo ate, sobrang swerte mo po at naramdaman mo  kung paano magmahal si Kuya Tanda. Sana po masaya ka para sa amin. I promise po na mamahalin ko sya unconditionally."

Napalingon ako and I saw him, sobrang gwapo nya pa rin. That smile I have fallen in love with is still there, it never seems to fade. Lumapit ako sa kanya.

"Hello sweetypie." Sabi ko habang pinupunasan ang picture nya. Inalis ko din ang iilang dahong tinatabunan ang puntod nya. Inilagay ko ang isa pang bouquet at napa upo sa harap nya, "It's been 4 years ang nakalipas nung mawala ka pero hanggang ngayon sobrang gwapo mo pa rin. Alam mo, miss na miss na miss na miss na kita sweetypie. For the past four years wala akong ibang hiniling kundi ang makasama ka kahit sandali man lang. I know it's impossible pero ikaw si Spartan diba? Nakakaya mo lahat diba?" At napaiyak na ako.

"You were gone before I knew it at si God lang ang may alam kung bakit. My heart still aches in sadness, without you here is one thing that makes my life incomplete. Hindi ko alam kung bakit kailangan mong mawala. Every night, before I go to sleep, I pray to God na sana andyan ka sa panaginip ko, kahit doon man lang kita makasama, masaya na ako." Parang ayaw tumigil ng mga luha ko, "Miss na miss na talaga kita Kuya Tanda ko... Miss ka na ni bata. At hanggang ngayon, there's a part of me na umaasa pa ring makakasama kita kahit alam kong imposible yun." Napahagulgol na ako.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin and right at that moment, I know he's there. Parang kahapon lang nung kakulitan ko sya pero it's been 4 years na pala ang nakalipas. I realized I really love him nung nawala sya. Sana nasabi ko man lang sa kanya kung gaano ko sya kamahal but I guess you'll never know how that person means to you unless he's gone at hanggang ngayon hindi ko pa rin napapatawad sarili ko. Hindi man lang kami nabigyan ng chance magkaroon ng maraming memories. He was given to me but taken away bigla bigla. I always hear someone whisper his name, but when I turned around para tingnan kung sino, I notice I was alone, at doon ko napagtanto na puso ko pala yun, sinisigaw pangalan nya, umaasa na sasagot sya.

*Flashback*

"Ben!!! Painom ng tubig! Nauuhaw ako eh!" Sigaw ko habang papunta sa kusina nila.

Andito ako sa bahay nila ngayon at gumagawa kami ng project, "Oh ito." Sabi nya sabay abot ng tubig sa baso. Bumalik na ako sa living room para tapusin ang mga paperworks.

"Isang kotse nahulog sa bangin malapit sa isang dagat nang iwasan ang truck na nagpagewang gewang sa daan." Sabi ng isang reporter.

Napatingin naman ako sa TV. At nabasa ko na ang lugar kung saan nangyari ang aksidente at ito ay sa Batangas. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Tinignan ko ng mabuti ang kotse, "Ayon sa mga pulis, nagkaroon ng leakage ang kotse dahilan para sumabog ito. Napag alaman na ang driver pala ng truck ay lasing. Nakita ang bangkay bandang labas ng kotse, ayon sa imbestigasyon aalis na sana ang sugatang biktima pero biglang sumabog ang kotse. Pinaiimbestigahan pa lalo ang nasabing aksidente. Talaga ngang kalunos lunos ang sinapit ng biktima sa aksidente, halos mahati sa gitna ang sasakyan. Habang sinusuri ang kotse ay may nakita silang wallet at ang pangalan ng sinasabing may ari ng kotse ay isang businessman na nagngangalang Danny Mitsuñiga."

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon