ESTELLE~
"Anak, andyan ka na pala, halika at magmeryenda tayo." Sabi ni mama.
"Okay lang ma, kakagaling ko lang kela Apollo, nagmeryenda kami." Sagot ko, "Ang dami naman ata neto ma, anong meron?"
"Pupunta dito mga kaibigan ng kuya mo kaya pinaghandaan ko." Sabi ni mama.
"Ah okay po. Pasok muna ako sa kwarto ko ma, papahinga muna sandali." Sabi ko.
"Sige nak." Sagot ni mama.
Pumasok na ako sa kwarto at humiga. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari kanina. Aaminin ko, kinilig ako dun pero tama bang maramdaman yun? He's my bestfriend! Gusto ko lang syang titigan ng mga oras na yun pero hindi ko magawa kasi tinititigan nya ako.
*Flashback*
"You're not going anywhere!" Sabi nya sabay hila sa akin.
We both fell down from the sofa and he's on top of me. Ang awkward ng position namin!
"Ang ganda mo." Bigla nyang sabi. Kinilig naman ako.
"Ha? Okay ka lang Polski? HAHAHAHAHAHAHAHA. Alam kong maganda ako ano!" Pagbibiro ko at bigla ko syang tinulak at tumayo, "ang sama mo naman, ngayon mo lang naapreciate kagandahan ko."
Sana hindi nya napansin na nagbublush ako. Wala syang imik, he just smiled. And he is so cute, nawawala mata nya. Well, always naman.
"Hoy! Parang ewan ang itsura mo ngayon alam mo! Sige, uuwi na ako. Salamat sa meryenda bestfriend ha! By the way, inumin mo na gamot mo kaya ka nagkakaganyan. HAHAHAHAHAHA. Bye! Love you lots! Mwa!" Sabi ko sabay flying kiss.
"I love you too." Mahina nyang sabi.
*End of flashback*
Tama ba yung narinig ko? He loves me daw? Naah, syempre as a bestfriend lang. Nako Estelle Marie, nagiging ilusyonada ka nanaman. Sinampal-sampal ko ang aking sarili. Pero bakit ganon makakatitig ang mokong na yun? And his smile, iba ang smile na yun eh. Minsan ko lang nakikita ang ganong smile nya. Pero ugh! Erase erase!!!
"Estelle Marie! Bata! Labas ka dyan at magmeryenda na tayo!" Sigaw ni kuya.
Bigla akong nawala sa iniisip ko. Andyan na pala sila kuya. Tinatamad akong lumabas. Hate ko pa naman ang madaming tao.
"Opo kuya, sandali." Matamlay kong sagot.
Paglabas ng kwarto, hinanap ko sila. Wala sa sala, wala din sa kusina. Saan na kaya ang mga yun?
"Bata! Dito kami sa may garden, halika!" Rinig kong sigaw ni Kuya Ford.
Pagpunta ko ng garden, may dalawa syang kasama. Ang isa babae at ang isa lalake. Lumapit na ako sa kanila, "guys, kapatid ko pala, si Estelle." Pakilala ni kuya.
Paglingon nila, ang babae kilala ko na, Kathleen ang pangalan nya. Ang lalake naman, first time ko pang makita, pero.. ang gwapo nya!!!
Dugdug dugdug dugdug dugdug dugdug.
He stood up, lumapit sa akin. What's happening? Why is everything going slow-mo? I can't hear anything, only my heart beating so fast. Everything went to a blur, everything except him. He seems to be older than me, but I don't care.
Natulala ako sa kanya. Ang gwapo nya. Matangkad, matipuno ang pangangatawan, paano sya manamit, ang kanyang ngiti. Total package kumbaga.
"Ang gwapo mo..." walang malay kong sabi.
"Ha?" Sabi nilang tatlo.
"Ha? Uh I mean. Ang gwapo mo po. Ang gwapo din ni kuya. Ang ganda naman ni Ate Kathleen." Palusot ko. How embarassing Estelle. Ang galing mo din ano?
BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
CasualeLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...