THIRTY ONE

612 13 1
                                    

ESTELLE~

Umupo ako sa bench bandang Building II, nag aantay sa susunod naming klase. Biglang may tumabi sa akin.

"Mag isa ka nanaman. Loner ka na pala ngayon?" Sabi ni Ben.

"Che! Nang aasar ka nanaman!" Sungit kong sabi.

"Hahahaha joke lang. Hindi pa rin kasi ako makamoveon nung ball na bigla ka nalang umalis kahit na umuulan." Sabi nya, "Maniwala ka man o hindi Stel, I know it's because of Apollo."

Nabigla ako sa sinabi nya kaya tinignan ko sya, "Oh why are you looking at me like that? Ang gwapo ko diba?" Sabi nya at kinindatan ako.

"Kapal mo po ano. Kasing kapal ng kilay mo!" Natatawa kong sabi.

"Hoy! Below the belt na yang hirit mo emo girl ha!" Sabay kurot ng ilong ko, "Halika nga, libre nalang kita so that you'll shut up."

Syempre, payag agad ako. Nang makarating kami sa cafeteria ay nakita ko si Apollo at Tricia na magkasamang pumipila para bumili ng foods. Pumila na rin kami.

"Girl, bagay si Apollo at Tricia ano? No wonder sila ang naging King and Queen of MedDept." Narinig kong sabi ng babae sa may likuran namin.

"Oo nga girl, hinalikan nga ni Apollo si Tricia sa cheeks nun. Kilig much!" Hirit pa ng isa.

"Excuse me girls, instead of gossiping about other people, why don't you open your books nalang? Baka sakaling makatulong pa sa pag aaral nyo." Biglang sabi ni Ben at ningitian sila.

Para namang himatayin ang mga babae sa kilig. Hay jusko, wala na silang inisip kundi mga gwapong boys at makipag chismisan. Nang makabili na kami ni Ben ng kakainin namin ay umupo kami malapit kela Apollo at Tricia. I looked at them, sakto namang napatingin si Apollo, ngumiti sya. Ngumiti nalang din ako.

"Mahal mo talaga sya ano?" Biglang singit ni Ben.

"Ha? Ano?"

"It's obvious. The way you look at him." Sabi nya habang sumusubo ng pagkain.

Tinignan ko lang sila. Oo nga, mahal ko talaga sya. Hindi ko nga magawang mag moveon. Ito problema natin eh, hindi pa nga natin sila jowa, nagmomoveon na tayo. Kahit na nasasaktan na ako, ngumingiti pa rin.

"Manunuod ka ng graduation rites ni Kuya this Saturday?" Bigla kong tanong kay Ben. Change topic ehem.

"Hmmmm, I'll try. May family meeting kasi akong pupuntahan nyan eh. Kilala mo naman si Ate, dragon. Hahahaha."

"Loko ka talaga. Oh sige, pass ka muna." Natatawa kong sabi.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa next class. Naupo na kami at nag antay na dumating ang professor. Maya maya ay dumating si Apollo. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Ginantihan ko rin sya ng ngiti. Naupo sya sa likuran ko, sakto namang dumating ang professor namin.

"Good afternoon guys. Ito na ang second to the last meeting natin, so naisipan ko na maglalaro lang muna tayo ngayon, as a sort of review. So I'm gonna pair you up."

Isa isa nya na kaming pinagpares, "Ms. Gacal, you go with Mr. Pentecosa."

A-W-K-W-A-R-D. Lumapit naman si Apollo sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Grabe, ang laki talaga ng pinagbago. Dati kung magkakagrupo kami, magsisigaw agad. Sobrang iba na ngayon. Naiilang na ako, siguro sila na ni Tricia kaya maingat sya.

"Galingan natin!" Bigla nyang sabi.

At naglaro na kami. Kami ang 4th to the last na natanggal. Bawat may ma out ay may kalakip na question na dapat naming masagutan. Buti nalang nakasagot kami. Umupo muna kami habang pinapanood silang maglaro. Tingin naman ng tingin sa amin si Ben, smile sya ng smile na para bang nanunukso. Arrrrgggh. Asar!

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon