FORTY THREE

453 15 6
                                        

DANNY~

"Wow pa!!! Ang sarap ng niluto mong sinigang!! The best ka talaga!" Sigaw ni Liza.

"Lahat naman ng niluluto ko anak eh masarap para sayo!" Pagbibiro ni Mang Toning.

"Papa talaga! Ito po yung pinakapaborito ko! Ang sarap!" Sabi nya.

I just looked at them, ang saya saya nila tignan, an example of a very happy family. They were laughing and talking and having fun. They've been my family the moment I stepped this island, sila na ang kumupkop sa akin. Yung mga panahong wala akong maalala kahit hanggang ngayon, sila naging karamay ko. And Liza, she's like a little sister to me, for a whole day sya lagi kasa kasama ko, partner in crime ikanga. I don't know what would happen to me if hindi nila ako nakita, maybe I was really dead na talaga gaya ng sinabi ni Estelle. But God, thankful talaga ako. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila.

*Flashback*

"Brazilian-Japanese ka, and you stayed here in the Philippines for many years. Taga Manila ka, you have a restaurant. Papunta ka sana nang Batangas nun nung maaksidente ka. May natagpuang bangkay ang mga pulis and we thought it was you. Nung nangyari kanina, sobrang nagulat ako kasi after so many years na akala ko wala ka na, bigla nalang kitang makikita na okay." Sabi nya.

Nabigla ako sa sinabi nya, "Where are my parents? May kapatid ba ako? Sino kasama ko dito sa Philippines?" Curious kong tanong.

"Nasa Brazil ang parents mo, meron kang kapatid na babae at ang pangalan nya Valeen."

*End of flashback*

"Aray!!!" Bigla kong sigaw. Napahawak ako sa aking ulo. Sobrang sakit neto, parang binabarena, ang sakit! Shit! Biglaan lang naman.

"Apollo!?" Dali daling tumakbo si Aling Berna papunta sa akin, "Ayos ka lang ba?" Tanong nya, "Liza! Kunin mo yung mga gamot sa itaas ng cabinet natin! Madali ka!" Sigaw nya.

Tumakbo agad si Liza papunta sa amin pagkakuha ng mga gamot, sobrang sakit pa rin. Bakit ba biglang sumakit ng ganito, "Oh ito iho." Sabi ni Aling Berna sabay abot ng gamot at isang baso ng tubig.

Pagkatapos uminom ay medyo bumuti na ang pakiramdam ko, pinikit ko mga mata ko, "bumuti na ba pakiramdam mo Tisoy?" Tanong ni Mang Toning.

Nilingon ko sya, "O-opo ayos na ako."

Maya maya ay tumayo na ako para makapaglakad lakad sa labas, baka sakaling mas bumuti pakiramdam ko, "Tisoy, wag ka munang tumayo. Magpahinga ka." Sabi ni Mang Toning.

"Okay na po ako wag kayong mag alala, magpapahangin lang po ako sa labas." Sabi ko at lumabas na ng bahay.

Naglalakad ako sa tabing dagat nang may mapansin akong may nagtatapon ng bato sa dagat, lumapit ako and it's the guy from the medical mission, "Hindi makatulog?" Tanong ko sa kanya.

Napalingon sya sa akin, "Masyadong maganda ang lugar na to para matulog." Nakangiti nyang sabi.

"Photographer's point of view, I see." Natatawa kong sabi.

Napatawa din sya, "You can say that."

Naupo ako sa buhangin, tinitignan kung saan babagsak ang batong tinatapon nya. Nights like this shouldn't be missed, napakalma ng paligid. Sarap pagmasdan ang dagat at ang presko ng hangin.

"Wala ka ba talagang maalala tungkol sa kanya?" Bigla nyang tanong.

Napatingala ako sa kanya, "Apollo right?" Tumango sya, "Wala talaga pare eh. Pilitin ko man pero I can't really remember." Lungkot kong sabi.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon