ESTELLE~
"Danny!!!!!!!" Niyakap ng napakahigpit ng babae si Kuya Tanda.
Hinalik halikan nya pa ito sa magkabilaang pisngi. Nanlaki mata ko. Una una, bigla akong niyakap at ngayon si Kuya Tanda nanaman. Baliw ba to? Pero bakit tuwang tuwa si Kuya Tanda? Nagtawanan pa silang dalawa. Nagkunwari akong umuubo.
"Ay bata! Come here!" Masaya nyang sabi.
Lumapit ako, "This is Valeen, my sister." Sabi nya at inakbayan ito, "Why are you here? And when did you arrive?" Sabi nya sa kapatid nya.
"Yesterday afternoon. I was planning to suprise you but then I found out you're out of town. So I decided that I'll be the one to pick you up." Sabi nya at humarap sya sa akin, "Dan, why is Marisse so thin? And she's much smaller than before. Oh well, it's different when it's personal." Nagtatakang tanong nya habang hinahawakan balikat ko.
Umiba ang expression sa mukha ni Kuya Tanda. Hindi nya pa pala nakikita si Ate Marisse sa personal. And hindi nya pa alam na wala na ito. At dahil nga kamukha ko si Ate Marisse, akala nya ako siya. Kaya pala ganon nya akong kahigpit yakapin kanina. Ang ganda nya. Parang model ang dating. Ang sexy tsaka ang tangkad. Wala epek ang heels ko.
"There's someone I want you to see. I'm sure she'll be happy to see you too." Nakangiting sabi ni Kuya Tanda.
Lumapit sa akin si Kuya Tanda, "Gusto mong sumama?" Pabulong nyang sabi.
Nag excuse muna ako sa kanilang dalawa at pinuntahan sila mama sa labas. Pagdating ko ay nakita kong nagkukulitan si Apollo at Tricia, ngayon may rason na ako para sumama kay Kuya Tanda.
"Ma! Pa! Gusto po akong isama ni Kuya Danny sa lakad nila ng kapatid nya. Okay lang po ba?" Tanong ko.
"Ah oo sige. Pero uwi ka bago gumabi ha? Pahatid ka nalang sa kanya, mag iingat kayo." Sabi ni papa.
Nagpaalam na ako sa kanila. Paalis na sana ako nang may humawak sa balikat ko.
"Aalis kayo?" Tanong ni Apollo.
"Narinig mo naman kanina nung nagpaalam ako kela mama diba? So baka nga aalis kami. Bakit?" Pagsusungit ko pero deep inside gusto kong pigilan nya ako.
"Ah ganon ba. Sige mag iingat ka. Text mo lang ako if you need anything. Bye Stelski." Sabi nya habang nakangiti.
Ay ano ba yan. Hopia nanaman Estelle. Padabog akong umalis. Nang makarating ako, inakay ako ni Kuya Tanda palayo kay Ate Valeen.
"Don't tell Valeen muna ha? Ako lang bahala. Basta sakyan mo muna sya."
Tumango lang ako. Pumunta na kami sa labas ng airport at inantay na dumating ang sundo. Maya maya ay dumating na ito. Umupo si Kuya Tanda sa front seat at kami naman ni Ate Valeen sa likod.
"Marisse, it's so good to finally see you!! After a long long wait, we're together now! Don't forget the plans we made okay?" Nakangiti nya sabi at niyakap ako ulit.
Tiningnan ko si Kuya Tanda at nakita kong parang tumitingin sya sa akin. Niyakap ko nalang din siya. Napaka awkward. Pero ang ganda ganda talaga ng kapatid nya. Nakakatomboy!
Punong puno ang isip ko ng iba't ibang bagay kaya late ko nang napansin na nasa sementeryo kami. Tinignan ko si Ate Valeen at halatang nagtataka sya.
"Dan, what are we doing here?" Tanong nya, confused pa rin.
Hindi sumagot si Kuya Tanda. Huminto na ang kotse at bumaba kami. Halata pa rin sa mukha ni Ate Valeen ang pagtataka. Naglakad kami. Sobrang tahimik si Kuya Tanda. Nakayuko lang sya at napansin ko sa mukha nya ang lungkot. Nahinto kami.

BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
De TodoLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...