APOLLO~
"Good morning sweetie!" Bati sa akin ni Auntie Min the moment I get out from my room. Haaay, it's been a very very long day for me. Twenty four hours ata akong tulog.
I wearily smiled, "Good morning too Auntie." At naupo sa sofa.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari nung isang araw. Grabe, para talaga akong multo sa paningin ni Estelle. Hindi nya man lang ako pinansin nang makarating sa hospital. In fact, she even left me. Do I even deserve this? Maybe yes. Napabuntong hininga ako. Raping the remote control of the TV, flipping channels like there's no tomorrow.
"Are you okay partner?" Biglang sulpot ni Daddy, umayos naman ako, "Yes dad." Sagot ko.
"Look at you son. Ang gulo ng buhok mo, ang laki ng eyebags mo, and I'm not even sure kung alam mo ang ginagawa mo sa remote control. Yan ba ang okay?" Sabi nya at tumabi sa akin.
Napatingin ako sa kanya, not utterring a single word, masyadong preoccupied ang utak ko para magsalita, "Apollo anak, what's the problem?" Sabi ulit ng dad ko.
Huminga ako ng malalim, "Dad, mahal nyo pa rin po ba si mommy hanggang ngayon? Kahit andyan na si Auntie Min?" Bigla kong tanong, looking at a blank space.
Parang nabigla ata sya sa tanong ko hindi agad nakasagot, "O-oo naman anak, hindi mawawala yun." Nakangiti nyang sabi, "Minsan kasi, kahit gaano pa kalaki ang nagbago sa buhay mo, may mga bagay pa rin na hinding hindi mawawala sa puso mo."
"Gaya ng pagmamahal mo kay mommy?" Tanong ko.
Tumango sya, "Yes partner. Dati sabi ko, I will let her go na because I know she's in a safe place now and that she won't let me be alone. Pero the moment I met Min, hindi ko maiwasang hindi mamiss ang mommy mo. Out of nowhere, hahanap hanapin ko sya, sometimes nga nakikita ko mommy mo kay Min." Napatingin sya sa akin, "Bakit mo natanong partner?" Taka nyang tanong.
Nanlaki naman mata ko, "W-wala lang po. S-sometimes kasi napapaisip ako why love is very complicated."
Napatawa sya ng malakas, nagtaka naman ako, "Kasi partner, ang love mahirap mahanap at mahirap makita. So if you found it, don't ever take advantage. Treasure it."
Napabuntong hininga ako, at napatayo bigla, "Thanks a lot dad." Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.Bago pa man makasagot ang dad ko ay tumakbo na ako sa kwarto. I don't wanna waste time and I don't want to regret. Dali dali akong naligo at nag ayos. I texted her.
Stelski:
Andito ako sa hospital Polski. Why?
Me:
Ha?! Okay ka lang!? Anong nangyari!? Puntahan kita! Nasaan ka!?
Stelski:
Relax ka lang pangit! Okay lang ako. Sinamahan ko lang si Kuya Tanda magpacheckup. Halika para sabay tayong tatlo.What? Magkasama nanaman sila? Haaay nako, pero okay lang. Hindi na talaga ako magpapatalo. After I fixed myself ay dumiretso na ako sa garahe. Paalis na sana ako nang makita ko si Auntie Min, I rolled down my car window.
"I'm glad you realized. Go for it. Don't let her go." Bigla nyang sabi sabay sabi ng aja! I smiled at her and waved goodbye.
After an hour, kasi nga sobrang traffic, salamat at nakarating na ako sa hospital. Hinanap ko sila and I saw Ben, "Pare! What are you doing here!?" Tanong ko sa kanya, "Oh ikaw pala Pol! Pinuntahan ko si Estelle, may sinabi kasi ako sa kanya." Sagot naman nya.
"Ganon ba. Oh sige pare, you take care." Sabi ko sabay tap ng shoulders nya at nagpatuloy sa paglalakad.
Bigla nya akong tinawag, nilingon ko sya, "Alam mo bang sasali sya sa isang singing songwriting contest?" Tumango naman ako, "Yes. Why?" Sagot ko. Lumapit nanaman sya sa akin.

BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
CasualeLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...