APOLLO~
*RING! RING! RING!*
I open my left eye, I looked at my alarm clock. Its only 5am, sino ba ang tatawag sa ganitong oras?! Ugh!
*RING! RING! RING!*
God! Ayaw talaga tumigil eh. Kinuha ko phone ko at sinagot ang tawag.
"Hello?" Antok kong sabi.
"Hoy mr. Pentecosa! You wake up na! You should be early at school! Magpapapirma pa tayo ng clearance! Dapat 7:00am sharp nasa school ka na ha. Bye!!!" Sigaw nya and then she hung up.
Grabe talaga ang babaeng to. Parang may microphone na nakalagay sa lalamunan. Ang ingay-ingay. I got up, baka ano pa gawin sa akin ng babaeng yun. Pag sinabi nyang ganong oras andoon na talaga sya. We're opposite. Ako pag sabing ganung oras dadating ako 30mins after.
Bumaba na ako sa kwarto ko at ang dilim pa ng paligid. Tulog pa si dad at si Aling Tinay malamang namalengke pa which means matatagalan pa sya. So ako pa ang gagawa ng lahat. Pag naman ganoon, siguradong malelate ako sa usapan namin ni Estelle. So hindi na muna ako kakain, mamaya nalang. Nagmadali na akong naligo at nagbihis. Bumaba na ako and wrote a note to dad, "Have to go early at school. Ingat dad." pagkatapos umalis na ako ng bahay. Buti at di masyadong traffic kundi deads na talaga ako neto. I arrived at school exactly 6:43am, may time pa akong magpahinga. Sobrang inaantok pa ako. I go to the field para hintayin si Estelle. Umupo ako sa bench na may table at pinikit muna sandali mata ko. Naalimpungatan ako nang may gumugulo ng buhok ko, inangat ko ulo ko,
"Good morning Polski! Himala at nauna ka ah!! Isn't it a great day?!" Sigaw ng napakaingay kong bestfriend.
"Great day nga." Matamlay kong sabi at ngumiti.
Matutulog sana ako ulit ng sumigaw nanaman sya. Magpapapirma na daw kami. Ayaw ko pa sana nang akayin nya ako. Nako talaga. Parang may malalaking bato ang mata ko. Im so sleepy. Pumunta na kami sa Building II ng school para magpapirma sa academic head namin. We were falling in line. Sobrang inaantok talaga ako. Buti pa tong babaeng to, masarap at mahimbing siguro ang tulog kaya ganito ka hyper.
"Mr. Quezon's wife daw is namatay. We have to go to his wife's burial this Wednesday. Sino sasama?"
Narinig naming nag uusap ang mga estudyante. Wait what? Wife ni Sir Arvin namatay? Kailan? Nagtinginan kami ni Estelle. Hindi kami makapaniwala. Sir Arvin is our Chemistry 1 teacher. Kaya pala this past few days di ko na sya nakikita. Tsk. Nagpatuloy pa rin kami linya, natahimik kaming dalawa ni Estelle. This Wednesday na pala ang libing. I told her that we should go. Medyo close kasi kami kay Sir. He was a smart and cool guy. Im sure napakahirap to sa kanya kasi bagong kasal pa lang sila.
"Ummm excuse me, ano po ikinamatay ng wife si Sir Arvin?" Tanong ni Estelle.
"Naaksidente daw. Pauwi na daw sa bahay nila nang hindi gumana ang break ng sinasakyan nya at nabangga sa isang ten wheeler truck." Sabi ng isang student.
"Okay miss. Salamat." Sagot ni Estelle.
Napagplanuhan namin ni Estelle na makikilibing kami this Wednesday. Iseset aside muna namin ang signing of clearance para maki simpatya kay Sir Arvin.
Nang matapos na kaming magpapirma, papunta na sana kami ng basketball court para hanapin ang PE teacher namin ng tumunog tyan ko.
"Ano yun?" Tanong ni Estelle.
"Ang alin?" Sabi ko.
"Yung tumunog. Teka, tyan mo ba yun Polski?"
"Ah eh di ako nakapag breakfast?"
BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
RandomLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...