THIRTY FIVE

735 25 6
                                    

ESTELLE~

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang narinig ko sa pag uusap ni Ate Vina sa kabilang linya kagabi. Si Kuya Tanda ba kasama nya paalis? Pero ang tanong na matagal na akong curious is sila ba? Haaay nako, ano naman kung sila Estelle? Bakit naiisip ko pa ang mga ganitong bagay? Eh gusto ko naman na hindi nya na ako mahalin. Hay ewan ko talaga! Ang labo. Bigla ko namang napansin si Ben na nakangising tumitingin sa akin.

"Ano?!" Sungit kong sabi.

"Wala naman. Kanina ko pang napapansin na nagsasalita kang magisa at parang galit sa mundo. Okay ka lang ba?"

"Oo okay lang ako. Kaya pwede ba tigil tigilan mo ako." Sabi ko sabay irap sa kanya.

Nagkibit balikat lang sya at nagpatuloy sa pagtutugtog ng gitara. Nakakainis talaga kapag free time, ang dami kong naiisip, ang daming naaalala.

"That should be me holding your hands. That should be me making you laugh. That should be me this is so sad. That should be me. That should be me." Biglang kanta ni Ben habang gumigitara.

Ang lalake tong talaga. Asar! Napatingin naman ako sa kanya at bigla kong hinampas, "Aray! Ano ba Estelle! What did I do?!" Sigaw nya.

"Iniinis mo talaga ako ano? Bakit sa dami ng kanta sa mundo ay yan pa?" Naiinis kong sabi.

"What? Eh ano kung ito kantahin ko? May law ba dito sa Philippines na nagsasabi na bawal kantahin mga kanta ni Justin Bieber? What is wrong with you!?" Kunot noo nyang sabi.

Napatigil naman ako. Maybe ako ang malisyosa. Ano bang nangyayari sa akin? Help me God, bakit ba parang iba ang dating sa akin ng kantang yun? Umiwas nalang ako sa kanya at kunwaring kinuha ang isang textbook ko sabay aral kunwari.

"Oh my God, don't tell me you're affected?" Masigla nyang sabi sabay lapit sa akin.

Parang lamunin naman ako ng lupa sa narinig ko, naramdaman ko ang sarili ko na namumula, "T-teka! Ano p-pinagsasabi mo?! Affected s-saan?" Nauutal kong sabi.

Tumingin lang sya sa akin habang nakangiti, that smile. I hate that smile!! Alam ko kung ano ang gusto nyang marinig. Nakakainis naman ang lalakeng to. Ano akala nya na may gusto ako kay Kuya Tanda? Napahinto ako sa naisip ko, meron nga ba? Urrrggghh! Estelle Marie! Ano ba? Klaro naman diba kung sino mahal mo? Pero bakit affected ka nung dumating si Vina sa buhay ni Danny? Rinig kong sabi ng utak ko. Syempre, magkaibigan kami so dapat malaman ko pero hindi nya sinabi. Bakit nya din sasabihin? Pagkatapos mo syang sabihan ng masasakit na salita? Pagkatapos mo sya ibasted? Nakakainis na utak to! Ginawa ko lang naman yun kasi ayaw ko syang masaktan at paasahin. Eh kung ganon bakit sobrang apektado ka kapag nakikita mo silang magkasama? Diba dapat masaya ka kasi may nahanap syang iba? Yun naman gusto mo diba? Pwede ba, for once sana kampihan mo naman ako utak ko! Pero at some point parang tama naman sya. Ano nga ba talaga Estelle? Ang labo labo mo!!!

Inilapit ni Ben mukha nya sa akin dahilan para magulat ko, "Hmmmmm, okay kung hindi mo sya gusto, I respect that. Sayang bet ko pa naman kayong dalawa. I can see that Kuya Danny is happy whenever Vina is around."

"Hindi! Mabait lang talaga si Kuya Tanda kaya sinasabayan nya nalang si Ate Vina!" Bigla kong sigaw at nagulat naman sya, pati nga rin ako, "A-ah eh i-ibig kong sabihin is alam naman natin na hindi kayang maging rude ni K-kuya Tanda sa i-ibang tao d-diba?" Nauutal kong sabi.

And again, nakatingin lang sya sa akin, may ngiti pa rin sa mga labi. Tinignan ko sya pilit ngumiti, "Tara punta tayo canteen!" Bigla kong sabi.

"Siguro nga, mukhang gutom ka eh. Kailangan mong kumain para magkalaman ang utak mong lutaw." Sabi nya habang tumatawa.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon