TWENTY THREE

461 16 3
                                    

APOLLO~

You were my bestfriend pero alam mo ngayon? It's like I don't know you anymore..

You were my bestfriend pero alam mo ngayon? It's like I don't know you anymore..

You were my bestfriend pero alam mo ngayon? It's like I don't know you anymore..

Shit. Hindi talaga maalis sa isip ko ang mga katagang yun. Parang sirang plakang paulit ulit. It was 2am pero hindi pa rin ako makatulog. Almost 4hours na akong nagmumokmok sa kwartong to pero sya pa rin naiisip ko. Ganon na ba talaga akala nya sa akin? Hindi ko lang naman magawang maging bestfriend sa kanya kasi nasasaktan ako, tuwing magkasama sila ni Danny kumikirot dibdib ko. I chose to stay away para maging masaya sya and namimisunderstood nya lang pala?

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Sa sobra atang pag iisip ay nagutom ako. I went to the kitchen para maghanap ng makakain. Dire diretso lang ako papuntang fridge at binuksan ko ito. Wow, daming foods ah. Ibang klase talaga si Lola Conching! The best! Kumuha ako ng isang slice ng cake, dalawang piraso ng cookies at isang baso ng fresh milk. Pag sirado ko nang fridge,

"Midnight snack?" Sabi ng isang pamilyar na boses.

Nagulat ako na halos mabitawan ko na ang mga dala ko. In-on ko phone ko para makita kung sino yun. It was Tricia.

"What are you doing here?" I whispered.

"Ano din ginagawa mo dito? Kung magmimidnight snack ka, mang invite ka naman! Napaka selfish talaga ng taong to." Sabi nya sabay siko sa akin.

"Seriously, ba't gising ka pa? At bakit ka nandito? Are you following me?" Naiinis kong sabi.

"Hala, wag kang assuming Mr. Sungit. Galing ako ng kwarto, nagbabasa ng libro. Hindi kasi ako makakatulog kapag hindi ko to natapos. Eh ginutom ako so pumunta ako dito para po kumuha ng pagkain at hindi para sundan ka. Hmmmp." Sabi nya sabay tulak sa akin at binuksan ang fridge.

Umiling iling ako. Pahiya ka Apollo. Umupo ako sa dining table at kumain. Maya maya ay tumabi sya sa akin. Tahimik lang kaming dalawa.

"Alam mo mas masarap ang cookies kapag ididip mo sya sa milk." Bigla nyang sabi sabay kindat.

"Uh no thanks." I said coldly.

"Hmmmp! Mr. Sungit talaga." Kinuha nya ang isang cookie at dinip sa milk.

"Hey! Ano ka ba! Kuha ka ng sayo doon! Asar ang babaeng to!" Galit kong sabi.

Sinubo nya sa akin ang cookie, "Ayan! Try mo. Dami mo pang satsat. Ipapatikim ko lang naman sayo. Hindi ako kakain nyan.."

Asar talaga! Pero totoo ngang mas masarap kapag ididip mo to sa gatas.

"Bata pa kasi kami ay palagi na kaming kumakain ng cookies ni lola. Ang sarap tumira dito, alagang alaga kami." Sabi nya habang kumakain ng chips.

Mukhang mabait tong si Tricia. Medyo may saltik lang talaga ang utak at medyo flirty ang dating nya. But I guess that's who she is and no one can change that.

"Since wala tayong proper na pagkakakilala, gusto kong magsimula tayo sa maayos na way. Hindi yung nanghaharot agad. Okay Ms. Pinchy girl? I'm Apollo Pentecosa. And you are?" Sabi ko habang nakangiti sabay abot ng kamay ko para makipag shake hands

"Tricia. Tricia Hernandez. Nice to meet you too." Sabi nya at nakipag shake hands din.

Nagkwentuhan kami tungkol sa kanya kanyang buhay. Like Estelle, makulit din si Tricia. Marami silang pagkakapareha actually. Gaya ng napatakaw pagdating sa pagkain, mahilig sa music, makulit at family oriented. Kaya siguro mabilis na gumaan loob ko sa kanya.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon