APOLLO~
Finally, andito na rin ako. Wow! I missed this place a lot! The moment I entered, lahat ng memories bumalik. Pumasok na ako ng gym and as usual, sobrang ganda ng pagkakasetup. I looked for the faces I knew. Nakita ko ang iilan sa mga blockmates ko dati.
"Apollo. Long time no see."
"How's the king of MedDept?"
"You look different. It's been a long time."
Iba-ibang batchmates, professors at staffs na ang nakausap ko pero hindi ko pa sya nakikita. Andito kaya sya? Will she come?
"Hindi mo pa rin sya nakikita? Ako nga rin eh. Kanina ko pa sya hinahanap para naman maging masaya ka na." Biglang sulpot ni Giro.
Napabuntong hininga ako, "Sige dude, hanapin ko muna iba pang blockmates natin. See you around. Don't worry, you'll find her." Sabi niya.
Tumango nalang ako kahit alam kong maliit na chance lang ang meron para makita ko sya. Haaay. I grabbed some drink, kinuha ko na camera ko and started to take pictures, kinausap ako ng aming program head na kung pwede ba raw akong maging isa sa mga photographer ng event, nalaman nya kasi na ito na ang hilig ko ngayon. Habang nagpipicture hindi ko maiwasang hindi maging masaya, I can see all the faces of my collegues happy. Mukhang namiss talaga ang isa't-isa. Everyone is trying to reminisce. But somehow I felt sad kasi hindi ko pa rin sya nahahanap. Lumabas na muna ako ng gym. Napatingala at tinignan ang moon, Nasaan ka na kasi, sana makita na kita.
♪♬ Araw araw ay naghihintay sayo
Dala dala ang pangarap na hindi nabuo
Bawat alaala mo'y bumabalik
Hindi pa rin malimot ang mga sandali ♪♬That voice, the voice I had fallen in love with. Totoo ba ang naririnig ko? After so many years, narinig ko na ulit ang boses nya. It seems to be more angelic. The time I heard her sing, doon ko lang narealize kung gaano ko sya namiss. Kahit hindi man sabihin, kilala ko na kung sino. Pumasok ako sa gym and I saw her, singing on the stage. As I watched her, I can't help but smile.
♪♬ Nagbabasakali na hindi pa huli
Sana nama'y iyong marinig
At kung sakali lubusang mawala
Wag naman sana ♪♬At last, nakita ko na sya. Sobrang ganda nya pa rin. She looks happy. Her eyes shines the brightest. Time makes her forget me, but for me it makes me love her even more. Nawala man ako sa tabi nya pero ang puso ko, nasa kanya pa rin. Hindi ko man sya nakikita palagi, hindi ko man sya nakakausap, but I know deep in my heart, no matter what happened for the past years, I still love her. And I always will.
ESTELLE~
I signalled Ben, nagsimula na syang tumugtog ng gitara, kinakabahan ako konti. Before I start to sing, hinahanap ko pa rin sya. Hindi ko alam kung bakit asa pa rin ako ng asa na andyan sya. I started singing the first part, I looked at Ben's hand strumming the strings of the guitar, habang kumakanta ako, si Kuya Tanda ang nasa isip ko. This song reminds me of him and what I'm feeling right now.
♪♬ Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako sinta
Alaala... Alaala... Alaala... Alaala ♪♬Napatingin sa akin si Ben. Alam kong alam nya ang nararamdaman ko ngayon. Alam nyang si Kuya Tanda ang nasa isip ko. Kahit sobrang tagal na, sya pa rin ang laman ng puso ko. Kahit anong gawin ko, hindi sya mawala sa isip ko. Tanggap na nilang lahat na wala na sya pero ako umaasa pa rin na balang araw makikita ko sya. Masama ba ang isipin yun? Pwedeng masaktan lang ako sa ginagawa ko pero ganon talaga siguro kapag totoong nagmamahal ka, kahit wala nang kasiguraduhan, naghihintay ka pa rin.

BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
SonstigesLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...