FORTY SIX

304 12 2
                                        

APOLLO~

"Bro, are you okay?" Biglang sulpot ni Josh.

Tumango lang ako, "Sure ka ba?" Tanong nya ulit.

Napatingin ako sa kanya, "How can I be okay when I'm here at andun silang dalawa? Baka nga ngayon eh magkasama sila!" Inis kong sabi.

"Chill bro. Ikaw na nga nagsabi diba na dapat relax lang?"

Napabuntong hininga ako, "Pasensya na bro. Ang dami kasing bumabagabag sa isip ko eh. Alam mo yun? Parang mababaliw ka na sa kakaisip kung ano na ang nangyayari doon? Mas close na ba sila? Naalala na ba ni Danny ang lahat? Kahit anong sabihin ko sarili ko na dapat hindi ako maging competitive, hindi talaga maiiwasan lalo na't alam kong maliit lang chance ko kumpara sa kanya."

"Alam ko naman yan bro eh. Pero anong magagawa natin? You're here at nandoon sila. Ang layo. Ang hirap abutin." Sabi ni Ben.

"It sucks." Inis kong sabi.

"Really sucks." Sagot naman nya.

"Pero di bale, atleast nakakatulong tayo sa maraming tao and I think it's an enough reason." Sabi ko, trying to make myself better.

"You got it right bro." Pagsangayon naman ni Josh.

Isusubo ko na sana ang binigay sa akin na sandwich nang may kumalabit sa likod ko, "K-kuya, pwede pong akin nalang yan? Hindi pa po kasi ako kumakain eh." Matamlay na sabi ng isang bata.

Kahit na tumutunog ang tyan ko sa gutom eh naawa naman ako sa bata kaya ibinigay ko to, bigla naman syang ngumiti at nagpasalamat sya sa akin ng napakaraming beses. Nakakataba ng puso, okay lang sa akin kahit nagugutom ako atleast nakatulong ako sa iba.

"Alam mo bro, parang love lang yung ginawa mo." Biglang sabi ni Josh, napalingon naman ako sa kanya "What?" Taka kong tanong.

"Gutom ka diba? Pero binigay mo ang sandwich mo sa isang bata dahil alam mong matutuwa sya dito. Parang love lang yan, gustuhin mo man na sa iyo lang ang taong yun, darating din sa punto na kailangan mo itong ipaubaya sa iba dahil sa mas kailangan nya ito." Sabi ni Josh.

Napatingin naman ako sa bata na kumakain. Kahit papano eh may point naman ang mga sinasabi ni Josh. Huminga ako ng malalim at napatingin nalang sa buong paligid. Kapag talaga pagdating sa pag ibig napaka hina ko. Haaay! Andito kami sa kabilang baryo ng isla, ang dami palang pasyente ang hindi makakapunta doon sa kabila kasi hindi kaya ng katawan nila and there's no proper transportation to begin with. Napansin kong may isang matandang babae ang sinusubukang makatayo, agad naman akong lumapit at tinulungan sya.

"Maraming salamat iho." Masayang sabi nya.

Napangiti naman ako, "Walang anuman po."

"Hindi akong magdadalawang isip na sabihin sayong magiging mabuti kang padre de pamilya. At ang magiging asawa mo eh napakaswerte sayo." Nakangiti nyang sabi, "May pamilya ka na ba?"

Umiling ako, "Wala pa po."

"Ganon ba? Wag kang mag alala iho, darating din ang taong para sayo sa tamang oras at panahon." Sabi nya.

Tumango ako, "O-opo." Sagot ko.

Tumayo ako at naglakad lakad, I really need a break. Sobrang gulo na ng isip ko. Hindi ko na malaman kung ano na ba talaga ang dapat kong gawin. Pero okay lang, isang araw lang naman kami dito eh, makakabalik ako agad at pangako, babawi ako ng todo todo.

DANNY~

What happened awhile ago is so fun! Ang saya saya namin. And somehow, I had a chance to know her better. She's really cool. Ano ba pa ang kulang sa kanya? Mukhang wala na. Ikanga sa kanta ni Daniel Padilla, Nasa iyo na ang lahat.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon