APOLLO~
Finally! Davao City, durian capital of the Philippines. Tama ba ako? Nasa lobby kami and we were waiting sa sundo nang makita ko si Danny. What is he doing here? Bakit ba bigla bigla nalang sya sumusulpot. Parang mushroom. Nababadtrip ako sa presence nya.
"Danny! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni tita Esther sa kanya.
"Ford invited me to come with you all here. I hope its okay for you maam?" Sabi nya. Epal talaga.
"Oo naman! Masaya nga ako at nakasama ka. Bakit hindi ka sumabay sa amin kanina?" Sagot ni tita.
"I was trying to surprise someone kasi." He told her at tingnan si Estelle.
"Diba bata?" Sabi nya sabay kindat.
Papogi talaga. GGSS talaga eh. Lalo akong naasar. I was giving him a dagger look. Sana makita nya nang malaman nya na may isang tao na ayaw ang presence nya. Asar talaga. He was not supposed to be here. Eepal nanaman to sa amin.
Tinanong nya kung anong nangyari kay Estelle. Nang malaman nya ito ay umiba ang expression ng mukha nya at nagpaalam sya na may pupuntahan lang sila ni Estelle. Sabi ko na sasama ako pero sabi nya wag na daw. Bwisit talaga eh!
Umalis na sila. Kinuha ko nalang ipod ko at nag soundtrip. Ang angas talaga ng lalakeng yun. Porke mas matanda sa akin? Pwe! Maya maya, bumalik na sila at napansin ko na iba na ang damit ni Stelski. Sobrang luwang neto sa kanya pero astig naman tngnan. Bumagay ito sa shorts at sneakers nya.
"Bakit ganyan itsura mo? May hiphop dance competition kang sasalihan?" Pang aasar ko.
She rolled her eyes, "Whatever Pentecosa. Kay kuya Tanda to. Sya pala nakabangga sa akin kanina. Hahahahaha." Sabi nya while laughing.
What? Tuwang tuwa pa sya ah? Kanina kung isumpa nya ang lalakeng nakabangga sa kanya tapos nang malaman na si Danny ito ay tumatawa lang sya? Oh great.
"What? Kani kanina lang you're telling that guy to die, and now okay lang sayo?"
"Joke lang yun Polski. Ano ka ba. Ayaw kong mapunta sa hell ano. Tsaka kuya Tanda explained naman. So okay na. Alam ko naman na hindi yun sinasadya."
Napa face palm ako. Okay? Suit yourself Gacal. Tinawag na kami ni tito at andyan na daw ang sundo kaya lumabas na kami. Nag uusap sila ni Estelle. Haaaay! Badtrip talaga oh. Nang papasok na ako, tatabi sana ako kay Estelle nang,
"Apollo doon ka na tabi kay Danny, tabi kami ng bata." Kuya Ford said.
Kung minamalas ka nga naman. Nang makaupo ako tiningnan ko si Danny at nakasmile ito, mukhang nagpipigil ng tawa. Ang sarap upakan eh. Asar talaga! Fun vacation nga. Haaaaay. Nilakasan ko nalang ang music ko at natulog. Malayo layo pa raw kasi ang Tagum eh, yung hometown nila.
"Apollo bro, gising, we're here na daw." I heard a voice said.
I opened my eyes and saw Danny. Asar, kakagising mo na nga lang mukha pa ng kumag na to ang nakita. Bumaba ako ng padabog sa van at pumasok na sa loob ng bahay ng lola ni Estelle.
"Lola!!!!! Namiss kita!!! Tan awa ko lola dako na kaayo ko no?" Sabi ni Estelle.
"Ano daw?" Tanong ko.
"Tingnan daw sya ng lola nya ang laki laki na daw nya." Tita told me.
Ahhhh manonosebleed naman ako dito oo. Bisaya halos lahat ng tao. Malamang, Davao eh. Natahimik lang kami dalawa ni Danny kasi hindi namin maintindihan ang mga sinasabi nila.
"Kinsa ning duha ka gwapo sa akuang atubangan?" (Sino tong dalawang gwapo na nasa harap ko?) Tanong ng lola ni Estelle.
"Nay, taga Manila po to sila at hindi nakakaintindi ng bisaya kaya kung pwede magtagalog ka. Okay?" Tita Esther said.
"Okay ah. Wala problema. Hindi ko naman alam eh."
"Lola, ito po si Apollo at kuya Danny. Friend namin ni kuya Ford." Estelle said.
"Mao ba. Ang gagwapong lalake. Lalo na itong si Mr. Macho."
Danny looked at me with paano-ba-yan-mas-pogi-ako-sayo look. Nakakainis talaga!! Ganito pala gusto mo ha?
"Lola, ako? Hindi po ba ako pogi?" Tanong and I smirked.
"Syempre pogi. Kaso bata ka pa at baka sabihin pa na corrupting minor ang lola nyo. Mas gwapo ka pa sa kanya kapag ikaw mas tumanda." Nakangiting sabi ni Lola.
Everyone laughed. Ako naman ang nagbigay ng paano-ba-yan-mas-pogi-ako-sayo look. He just shooked his head while smiling. I win this time bro, I win.
"Mga iho, ito ang mama ko. Lola ni Estelle at Ford. Tawagin nyo lang syang lola Conching." Sabi ni tita Esther.
"Hello po Lola. Saan po ba si Lolo?" Tanong ni Danny.
"He died two years ago. Hindi mo pa kilala si Kuya Ford at Estelle nun." Sabi ko and he just nodded. Two points for Apollo Pentecosa!! BoooYeeeah!
"Bukas, sama kayong tatlong mga binata sa akin. Tulungan nyo akong magpakain ng mga alaga naming manok at pabo. Dapat eh maaga kayong magising. Ang mahuhuli ay syang magpapakain sa pabo." Sabi ni Lola Conching.
"Game po!" Sabi ko sabay tingin kay Danny, nag agree naman sya.
After we ate, lumabas muna ako ng bahay para magpahangin.
"Bakit nandito ka? Nagsesenti ka nanaman Polski?"
Without looking back, kilala ko na kung sino ang nagsasalita. That sweet, cute voice.
"Hindi ah. Senti agad? Gusto ko ang hangin dito. Napaka fresh at ang cool. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
"Titingnan ko ang stars. Kasi you told me to look after it diba?"
"Look after the stars?"
"Kakasabi ko na nga lang diba? Engot talaga to. Yung sabi mo, have you forgotten na ba? Na ako yung moon at yung star na yun oh na nagstastandout sa iba, yung the one mo. At sabi mo na babantayan ko sya? And thats what Im doing."
"Everynight mo silang tinitingnan?" Tanong ko.
"Yup, mukhang napakaimportante kasi sayo eh kahit na kung iisipin eh napakachildish." Sabi nya habang tumatawa.
"Childish pala ha. Hahahahaha." Sabi ko at ginulo ko buhok nya. She just smiled. "But anyway, thank you." Sabay pinch ng cheeks nya.
Yung smile na nakakapaghulog ng puso ko. Wait what? Anong sinabi ko? Aish. Tiningnan ko sya. Ang ganda nya talaga. Lalo na kapag nakasmile sya. Eto nanaman tong puso ko, bumibilis ang tibok. Lumingon sya sa akin at binaling ko ang tingin ko.
"Polski?" Sabi nya.
"Hmmm?"
"Nahanap mo na ba ang star na yun?" Sabi nya sabay tingin sa sky.
I really cant help it, a smile was forming in my face. I also looked at the sky.
Binalik ko ang tingin ko sa kanya at sinabing, "Oo, nahanap ko na sya."

BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
RandomLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...