FORTY TWO

510 17 12
                                    

APOLLO~

"Hindi na ba mahapdi?" Tanong ko sa kanya, pero hindi sya sumasagot. Tulala lang, "Estelle!" Sigaw ko.

"B-bakit?" Tanong nya, parang wala pa rin sa sarili.

"Hindi na ba mahapdi?" Tanong ko ulit.

Tinignan nya ang kanyang sugat, "Hindi na. S-salamat."

Nakampante ako, pero habang tinitignan ko sya parang ang lalim ng iniisip nya, biglaan lang eh. Nag aalala ako. Kinausap ko sya pero parang lutang pa rin eto at wala sa ayos ang mga sagot nya.

"Guys, tara na? They are waiting for us." Biglang sulpot ni Tito Karlos.

Tumayo na ako at nang lumingon ako, nakaupo pa rin sya, "Estelle? Aalis na daw tayo." Sabi ko ulit.

"H-ha? Oh sige. Tara." Sabi nya at tumayo na.

Habang naglalakad, pansin ko pa rin ang pagiging tahimik ni Estelle, lumapit ako kay Josh, "Bro, napapansin mo ba na parang umiba ang mood nya?"

"Oo nga eh. Pagkatapos nyang mahulog ang baso ay hindi na sya umiimik. Bakit pa kasi pinulot. Magiging okay din yan sya bro, hayaan na muna natin." Sabi nya.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, bigla akong tinawag ni Tito Karlos, lumapit ako, "Apollo, kunan mo ng shots ang buong isla ha? Salamat."

"Okay po tito." Sagot ko.

I glanced at her, ganon pa rin sya. Pero tama nga si Josh, magiging okay din sya, I need to stop worrying. Humahanap ako ng timing para makakuha ng magandang shot. Luckily I found one!! Nang makakuha ng enough shots pinuntahan ko na sila. Nabaling ulit tingin ko kay Estelle, she was with some kids now. I can see that she's so happy. I grabbed my camera, inayos ko ang focus, ikiclick ko na sana nang,

*BLUUUUUUUUUUUUUG!*

Nanlaki ang mga mata ko. Natamaan ng soccer ball si Estelle!!! Oh shit, napatumba sya sa lakas ng impact. Dali dali akong tumakbo papunta sa kanya. Nakahiga sya sa buhangin, hawak hawak ulo nya.

"O-okay lang ako. Wag kayong mag aalala. Bola lang natama sa akin. I'm good." Sabi nya, bigla namang kumalma ang lahat.

Tutulungan ko na sanang tumayo si Estelle nang biglang may tumulak sa akin at bigla nyang nilapitan si Estelle, "M-miss? Okay ka lang ba? I'm so sorry. Hindi ko sinasadyang tamaan ka ng bola." Sabi ng isang pamilyar na boses.

Tinignan ko si Estelle, never in my whole life nakita ko ang ganyang expression sa mukha nya. Hindi ko maintindihan, para syang masaya na parang nagulat na parang takot na parang ewan!! Nanigas sya at nakatingin lamang sa lalake na nakatama ng bola sa kanya. Biglang may tumulong luha sa kanyang mga mata. Bakit? Kilala nya ba ang taong yan? Nagulat kaming lahat ng bigla nyang yakapin ang lalake.

"K-kuya Tanda.." Sabi nya habang yakap yakap pa rin ang lalake, humihikbi sya.

Kuya Tanda? I try to remember kung sino yun. Parang narinig ko na ang term na yan eh. Sobrang pamilyar talaga.

*Flashback*

"Ang saya mo ha, I can't believe nakaya mo. See? I told you na people will like you." Sabi ko.

"Oo nga eh. Pero kinabahan kaya ako kanina. Thanks to Kuya Tanda." Sabi nya.

"Who's Kuya Tanda?"

"Si Kuya Danny, Kuya Tanda tawag ko sa kanya eh."

*End of flashback*

Bigla akong nanghina, nabitawan ko ang aking dalang camera. Pero paano nangyari? Para makasigurado, tumayo ako at humarap sa lalake. Holy shit, si Danny nga!!! Nanlaki ang aking mga mata. Sobrang gulat na gulat ako and at the same time may takot akong nararamdaman. Nakakakilabot. Nakayakap pa rin si Estelle sa kanya at mukhang gulat din si Danny.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon