APOLLO~
Its been five days na hindi kami nagpapansinan ni Estelle and its bothering me. Namimiss ko na best friend ko. I know Im a jerk, but I already said sorry many times na. Everyday I keep on asking if okay na sya and she'll just smile at me.
Its the last day of our exam at sembreak na!!! I'll try my very best this time para magkabati na kami ni Stelski.
Before I went to school, dumaan muna ako sa isang convenience store malapit sa school and I bought the favorite chocolate bar of Estelle. Nang makarating sa school, I wait for her outside the room. Maya maya, dumating na sya. I approached her iiwasan nya sana ako pero hinabol ko sya at bigla kong inakbayan. Nagulat sya. Tatanggalin nya sana pagkakaakbay ko nang binigay ko sa kanya ang chocolate bar.
"Mars. Your favorite chocolate bar in the world. Ewan ko nalang talaga kapag hindi mo pa rin ako papansinin. Peace na tayo Stelski. Please?" Sabi ko habang nagpapuppy eyes.
Hindi sya nagsalita, instead binuksan nya ang Mars at kinain. She suddenly stuffed some in my mouth. Gulat na gulat ako.
"Peace mo mukha mo! Ikaw alam mo talaga kung ano nagpapagood vibes sa akin." She said while laughing.
"Yehey, okay na kami ng bestfriend ko!!" Sabi ko at ginulo ko buhok nya.
She just made face on me and I knew we're really okay na. Pumasok na kami sa room. Sobrang drain na ang utak ko sa exam. Pero thank God at last na ito. After the exam, me and Stelski went to mall para bumili ng foods kasi magfofoodtrip kami at our crib.
When we arrived sa bahay namin, dire diretso syang umakyat at pumasok sa kwarto ko at humiga sa bed. Hinayaan ko lang sya at lumabas ako para ihanda ang mga binili naming foods. Habang pababa ako naririnig ko syang kumanta and I cant help but smile. Ang ganda talaga ng boses nya. Parang melodic chime na paulit ulit na tumutunog sa isip ko. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko and after that umakyat na ako para tawagin si Estelle. Pagpasok ko nakita ko syang nakatulog sa bed ko. Natatawa ako sa itsura nya, nakanganga kasi. Sobrang pagod siguro to. Pero hindi ko ipagkakaila na ang cute cute nya pa rin kahit ganito face nya. Inayos ko buhok nya kasi nakaharang ito sa mukha nya. I stare at her. Para talaga syang anghel. Im so lucky to have her in my life. As a bestfriend. I felt sad with that thought. I dont know why. Pero theres a part of me na nararamdaman ko na sana not as a bestfriend. Ano ba tong naiisip ko. Mukhang hindi pwede eh. Tumayo na ako at lumabas ng room ko. Hinayaan ko lang muna sya matulog at bumaba na ako ulit.
Nanunuod ako ng favorite movie ko which is Toy Story 3. Nakakatouch talaga to. Im eating pancakes na niluto ko kanina. Susubo na sana ako nang,
"Boooo-laaa-gaaa!!!!!" Sigaw ni Estelle.
"Ay brief ni Superman!!! Estelle ano ka ba naman!!! Bakit ka ba nanggugulat?!" Sigaw ko.
Tumawa lang sya at tinabihan ako. Kinuha nya fork ko at sumubo din ng pancake sa bunganga nya. Nasa part na ng movie nung iiwan na ni Andy ang mga toys, naluluha ako.
"Huwag kang magkunwari. Alam ko nang naiiyak ka. Ang cute cute mo talaga!!" Sabi nya while pinching my cheeks.
"Shut up! Ikaw nga dyan, napaka takaw. Akala mo mauubasan. HAHAHAHA." Sabi ko.
Walang ano ano bigla nya nalang akong kiniliti.
"Estelle! Ano ba! Stop it!! HAHAHAHAHAHA!" Sabi ko habang tumatawa.
"Matakaw pala ha!!! Ito ang dapat sayo." Sabi nya at lalo akong kiniliti.
I keep on begging na tigilan nya na kasi halos mamatay na ako sa kiliti pero ayaw talaga papigil ni Estelle eh, so what did I do?
I hugged her.
Ewan anong pumasok sa kokote ko at bakit ko ginawa yun pero one thing is for sure, it makes my heart skip a beat. Its the same feeling I get nung nahulog kami sa sofa. For now, hugging her makes my heart melt.
"Apollo? Bakit?" Nagtataka nyang sabi.
She was trying to remove my arms around her pero I keep on hugging her more tightly. Whats happening to me? Bakit ba kapag ganitong mga moment with Estelle palaging nagcocontradict ang isip at puso ko. I hugged her even more and the next thing I know, unti unti nya rin akong hinahug. And we stayed like that for I dont know how long. But for me? It seems like forever. Ang corny ko ano? Pero what can I do? This is what my heart is telling me right now.
I stopped hugging her, tiningnan ko sya. She had that puzzled look on her face at halatang nagpipigil ng tawa.
"Ano?! Why are you looking at me like that?! Tatawanan mo nanaman ako!? Ganon!?" Pabagsak kong tanong.
"Wala! Alam mo ikaw kahit kailan napaka PMS mo! Sobra ka pa sa akin kung mag mood swing! Kani kanina lang parang ayaw mo akong bitawan and now nagsusungit ka!" Sigaw nya.
She stood up. Aalis na sana sya nang hawakan ko pulso nya. And again, I hugged her. This time I swear, I can feel that she can hear my heart beating so fast. Pero wala na akong pakealam. Ayokong mag away nanaman kami ulit.
"Naremember mo nung third year highschool pa tayo? I have a crush on one of our senior schoomate, Faith? And nalaman ko na sinagot nya na pala yung guy na nanliligaw sa kanya-" Sabi ko nang,
"Yung umiyak ka? Oo naalala ko. HAHAHA. Tawang tawa nga ako sa mukha mo nun eh. Lalo kang pumanget nun Polski." Natatawa nyang sabi.
"He! Manahimik ka nga!" Sabi ko sabay yakap ng mas mahigpit sa kanya dahilan para tumahimik sya.
"Oo, umiyak ako noon at tinawanan mo lang ako. Naisip ko nun na ano bang klaseng bestfriend ang meron ako but then you hugged me. Habang niyayakap mo ako nun nawala ang sakit na nararamdaman kasi narealize kong may kaibigan akong andyan para sa akin." Sabi ko.
"So ano ang connection?" Tanong nya.
"Nothing really, naisip ko lang na baka pag hinug kita, mafifeel mo rin na may kaibigan kang andito para sayo. Na kahit inaasar ka palagi hinding hindi sya mawawala sa tabi mo." Sabi ko.
And then she smiled. Yung ngiting Estelle. Yung nawawala ang mata kahit hindi naman singkit. Napangiti ako nang makita kong nakangiti sya. Grabe, nakakahawa talaga ang ngiti ng babaeng to.
"Thank you Polski, youre the best of friend I have. Tama na ka echosan mo at baka mainlove ka pa sa akin." Natatawa nyang sabi.
Inalis ko pagkakayakap ko sa kanya at umalis sya papuntang kusina. As I watched her go, I told myself,
"Maybe I already did."

BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
SonstigesLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...