ESTELLE~
"Estelle Marie!!! Bangon na!!!! May naghihintay sayo!!" Sigaw ng mama.
Nagulat ako. Ano ba naman tong si mama bakit kailangang sumigaw talaga, pwede naman akong puntahan sa kwarto. Pero sino din ang pupunta dito sa bahay ng Sunday? Bumangon na ako at lumabas agad. Pag open ko ng pinto ay nakita ko si kuya Tanda. Nawala bigla ang antok ko at bumalik ora orada sa loob ng kwarto ko. Eh hindi ko naman alam na sya pala. Mukhang ewan itsura ko, wala pang mumog. Kinuha ko phone ko para tingnan ang oras. 11:35 na?! Woah. Ang tagal ng tulog ko. Sa sobrang pagod siguro kagabi. Nagsuklay muna ako tapos inayos damit ko at lumabas sa kwarto sabay takbo sa kusina at nagtoothbrush. Then pumunta na ako agad sa sala, nagtataka ako kung bakit tumatawa si Kuya Tanda at Kuya Ford.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Bata, may naiwan pang toothpaste sa gilid ng labi mo." Sabi ni kuya Ford.
Nanlaki mata ko. OMG. Pulang pula na siguro mukha ko ngayon. Sobrang nakakahiya. Ihhhhh! Im so embarassed. Sana lamunin na ako ng lupa. Di ko na alam ang gagawin ko. Aalis na sana ako nang lumapit si Kuya Tanda.
"Halika ka bata." Sabi nya habang hinihila ako.
Kinuha nya panyo nya sa bulsa nya at pinunas ito sa may gilid ng lips ko. He smiled at me and laughed again.
"Bata ka talaga. Hahahaha." Natatawa nyang sabi.
Teka, bakit ako kinikilig? Nagpapaka gentleman lang si Kuya Tanda. Ay nako. Lande nanaman Estelle? Tssk. Tumawa lang silang dalawa. Lord, kunin nyo na po ako. Pero joke lang po yun ha! Baka totohanin nyo. Umupo na kami. Nasa gitna ako nina Kuya Tanda at Kuya Ford.
"Bakit nyo po ako pinuntahan? May problema po?" Tanong ko.
"Hahaha. Sabi ko na nga ba. You really forgot?" Sabi nya and I just nodded.
"Diba yesterday? We went to your ate Gwen's house?" Sabi nya.
And parang kidlat na naalala ko lahat. I just smiled at him at sinabi na naalala ko. Sabi ko sa kanya na sa sobrang pagod ko nakalimutan ko ang napag-usapan namin. Sasabihin ko sana kay Kuya Ford ang lahat pero Kuya Tanda's giving me a sign na wag sasabihin kay kuya. Nagrason nalang ako na about doon sa event kagabi. Then ipinagpaalam ako ni Kuya Tanda kela mama at Kuya, buti pumayag sila. Pero kapag si Apollo naman nagyaya pahirapan pa. Hay nako bakit kaya. Naligo muna ako sandali at nagbihis. I wear my typical clothes. Vneck shirt, maong shorts and sneakers. Im ready to go! Lumabas na ako ng room.
"Ready?!" Sabi ni Kuya Tanda.
"I was born ready! Rock on!" Sigaw ko.
"Estelle Marie, sumisigaw ka nanaman!" Sabi ni mama.
"Sorry po." Sabi ko.
Tumawa si Kuya Tanda, "Ang ingay ingay mo talaga ano? And why do you keep on saying rock on?"
"Umm kasi po para ma activate ang energy level ng sorroundings ko. Hahaha." Sabi ko sabay labas ng bahay namin.
Umiling iling nalang si Kuya Tanda sa pinaggagawa ko. Sumakay na kami sa kotse nya, as usual ang bango bango sa loob. Tahimik ang byahe namin. Nahihiya akong magsalita. Maya maya ay dinadalaw na ako ng antok. Sinandal ko ang ulo ko sa may window nang,
"Umuwi na ka na pala last night? You didnt wake me up bata." Bigla nyang sabi.
"Sorry po, natutulog po kasi kayo nun so nahihiya na akong gisingin ka." Sabi ko.
"Ginising mo sana ako para mahatid kita."
"Okay lang po. Sabay naman kaming umuwi ni Apollo."
"Ah okay. Good." Sabi nya. Bakit parang umiba ang expression ng mukha nya? Ay baka ganon lang talaga.

BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
RandomLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...