TWO

729 10 0
                                    

ESTELLE~

"Stelski!! Utang na loob, I can't breathe na!!! HAHA-HAHA-HAHAHA-HAHAHAHA" Pagmamakaawa ni Apollo.

"Hindi ako titigil hanggang hindi mo sinasabi kung sino crush mo!" Natatawang kong sabi.

"Wala nga akong crush! Ano ba! Estelle please!!! Stop tickling me!!" Pagmamakaawa nya.

"Tell it!" Sabi ko naman.

"Okay! Okay! Sasabihin ko na! Stop it na muna!" Sigaw nya.

"Okay," tumigil ako, at naupo sa sofa, "madali naman akong kausap eh, now tell me."

"Okay! Napaka-sadista talaga. Oh eto na, ikaw yung crush ko okay?! Happy?!" Sabi nya.

*Boogsh!*

"Aray! Bakit mo ako hinampas ng throw pillow!?" Sigaw ni Apollo habang hawak-hawak ulo nya.

"Eh baliw ka pala eh! Anong ako?!" Inis kong sabi.

"Naniwala ka rin?! No way na magkakacrush ako sayo! Patpatin ka kaya! Ew!" Natatawa nyang sabi.

"Dami pa kasing arte, kung sabihin mo na pala kung sino, uyyyyy, siguro ako ano?" Tukso ko.

"Hoy ikaw! Ang kapal! Hindi ah!" Galit na sabi nya.

"Kung hindi ako eh bakit ayaw mo sabihin kung sino?" Sabi ko.

"Eh nahihiya ako eh." Sabi nya.

*Boogsh!*

"Aray! Oh bakit nanaman?!" Sigaw nya.

"Mr. Pentecosa, mag-bestfriend na tayo for almost 6 years at nahihiya ka pa sa akin?! Ano, sasabihin mo o hindi?!" Sabi ko at akmang hahampasin ulit.

"Si Koleen okay?! Yung kapitbahay na close friend mo!" Sigaw nya.

"What?" Sabi ko.

Uh-Oh. This is not good.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon