FIFTY TWO

134 11 1
                                    

APOLLO~

Andito kami, sa ilalim ng malakas na ulan. Hindi ko alam ang dapat sabihin. I should be happy kasi tugmang tugma ang sinabi ni Nanang sa nangyayari ngayon at si Estelle ang babaeng yun pero eto sya umiiyak at pati ako nasasaktan. I don't know how I could make her stop. Dahan dahan akong lumapit sa kanya, "Estelle, halika, let's get you home." Pinilit ko sya ulit. Basang basa na din ako ng ulan.

"Home? I don't know what home means anymore." Humihikbi nyang sabi, "Bakit mo naman naisip yan Stel? Madami kaming nagmamahal sayo. You will always have a home." Sagot ko. Ano na ba ang nangyayari sayo Estelle?

"You don't understand." Sabi nya habang pinipilit na alisin ang mga kamay ko, "Just leave me alone. Please."

"No I won't. I won't be making the same mistakes again. Kaya halika na, magkakasakit ka nyan." Sabi ko, I'm really starting to get worried.

"Ano ba naman Apollo? Ang hirap mo naman paintindihin eh. Gusto ko ngang mapag-isa!" Sabi nya at bigla akong tinulak. Syempre, gulat na gulat ako. Ano bang nagawa kong mali? I was just trying to help. Hindi nya naman ako ganito ipagtulakan dati ah, not until Danny came into her life.

"Why are you pushing me away? I was just trying to make sure you're okay." Mangiyak ngiyak kong sabi, sobrang nakakasakit na ang mga sinasabi nya.

"Making sure I'm okay? Nakikita mo naman siguro diba? Hindi ka naman ata manhid? Kaya please, leave me alone!" Iyak pa rin sya ng iyak, lumapit ulit ako sa kanya, "Kung ganon man, will you let me stay until you're okay na?" Sabi ko, smiling at her.

"Bakit ba ang kulit mo? Kaya ko nga ang sarili ko." Bahala ka Estelle Marie Gacal, I will never leave you. Manigas ka, "Sige ganito nalang. I will stay behind my car, doon lang ako, hindi kita didistorbohin. At kapag okay ka na, puntahan mo lang ako. Okay ba yun?" Sabi ko pero hindi sya sumagot.

Pumunta na ako sa likod ng aking kotse. I'm sure maya maya lalapit din yun. I know her, hindi nya kayang tiisin ang bestfriend nya. Pero hindi maalis sa isip ko ang ginawa nyang pagtulak sa akin kanina. Sobrang ibang iba na talaga ang pagtrato nya sa akin. She can easily do that to me. And it's all because of him. Then suddenly, I missed the time when I'm waiting for her to wake me up, getting mad when I make fun of her, always asking where I am. In short, I miss the old us. Haaaay, if only I could turn back time, I will never waste it again. Nang tignan ko sya ay naglalakad na pala ito palayo. Napailing nalang ako.

Hinabol ko sya, "Hoy! Patpatin!" Sigaw ko. Ang kulit talaga ng babaeng to. Nahabol ko sya at hinarap ko sya sa akin, "Bakit ka ba nangiiwan ha?" Pero natigilan ako nang marinig ko syang humihikbi.

"B-bakit?" Tanong ko. Lalong lumakas ang iyak nya, "Ano bang nangyayari sayo Stelski?" Napatingin sya sa akin, "Ayaw ko nang masaktan Apollo. Sawang sawa na akong masaktan."

Bigla syang naglumpasay sa gitna ng daan. She curled up, covering her knees with her face, "Pagod na pagod na ako Apollo." She said under her heavy breathing.

I kneeled down, inangat ko ang mukha nyang nakatago at hinarap ko sya sa akin, I looked at her straight in the eyes, "Huwag ka nang umiyak. Please. Andito lang naman ako eh." I said sincerely, napatingin sya sa akin. I smiled at her.

"Alam ko ang iniisip mo." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya, "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na okay lang sa akin kahit hindi mo suklian ang pagmamahal ko, I'm willing to wait. Making sure that you're safe in my arms is enough for me." Biglang may tumulong luha sa aking mata, salamat at umuulan, hindi nya mahahalata, "Pangako, hindi kita iiwan."

And out of nowhere, bigla nya akong niyakap at lalo syang naiyak, "Napaiyakin mo talaga." I said while patting her back.

Wala pa bang mas sesenti sa moment namin ngayon? You know what sucks? Yung mahal nya ang iniiyakan nya, hinahanap hanap nya, at yung gusto nyang makasama ngayon pero ako ang nandito, pilit na pinapagaan ang loob nya. But I admit, deep inside, parang dinudurog na ang puso ko and there's nothing I can do about it kasi in the first place, ginusto ko namang damayan sya. I don't really understand why we kept on crying for the person who don't even care about what we feel. Nakakatawa nga eh, kung ano ang nangyari dati kay Estelle eh bumalik din sa akin. I guess this is what we call 'karma'. Dahan dahan nang tumila ang ulan. Pero andito pa rin kami sa gitna ng daan. Tulala lang si Estelle. At ako? Wag nyo nang tanungin, alam nyo na kung kanino nakatuon atensyon ko.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon