APOLLO~
Ang saya saya ng vacation na to! Kantahan, tawanan, kulitan. Sarap tumira dito. Pero badtrip, hinalikan ako ni pinchy girl sa cheeks. Sneaky bastard. I don't know pero parang may konting kilig akong nafeel. Well, Tricia is cute. Maputi at napaka kulit. I think she's okay. Binanewala ko nalang yun kasi nga unti unti kong naiintindihan na ganon talaga sya.
Kanina ko pa hinahanap ang bestfriend ko. Hindi ko sya mahanap. Kung makita ko naman, kasama nya ang Danny na yun. Naiinis ako kapag nakikita ko sila. But I think Danny makes Stelski happy. Nakikita ko yun sa mga mata ni Estelle. Kapag kasama nya si Danny, palagi syang tumatawa, sobrang hyper nya and her eyes shines so bright. Nakakapanghina. No matter how much I want to be that person to make her happy, eh may isang lalake nang gumagawa nun so wala akong laban. I guess I have to stop this. I'll be her bestfriend nalang. Maybe hanggang doon lang talaga. Hanggang bestfriend lang. Ayaw ko saktan sarili ko, as long as kaya ko pang pigilan tong nararamdaman ko kay Estelle. Pipigilan ko. Because bali baliktarin man ang mundo, ako si Apollo, ang bestfriend ni Estelle Marie.
"Oh Apollo, saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Tita Esther.
"Ahhh tita, hahanapin ko lang po si Estelle." Sagot ko.
"Oh sige. Pakihanap sya iho, lumalalim na din ang gabi. Ingat ka." Sabi ni Tita at ngumiti ako.
Naglakad ako. Saang lupalop na kaya ng daigdig ang babaeng yun. Parang may narinig akong nagsasalita. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang ingay. Ngunit parang tumigil ng sandali ang mundo ko nang makita ko kung sino ang nagsasalita. It was Estelle and Danny.
They were laughing. Ang saya saya ni Estelle. I froze. Bakit kumikirot ang puso ko? Para bang nahinto ang oras at mundo. Tanging mga boses lang nila ang naririnig ko at galaw lang nila ang nakikita ko. Ang saya saya ng bestfriend ko. Akala ko ako lang ang nakakapagpatawa sa kanya ng ganyan. Bakit ang hirap para sa akin ang tingnan sila? Hindi naman to ganito dati ah. Bakit ba kasi Apollo?
"Bata, she feel you." Rinig kong sabi ni Danny.
"Ha? Ano po?"
"She feel you."
"Anong she feel you'?"
"She feel you, yung nilalagyan ng toothpaste."
Nag poker face si Estelle at parang napahiya si Danny. Natawa ako. Pero bigla lang tumawa si Stelski. Anak ng? Damn. Parang nag aapoy tenga ko. Nagseselos ba ako? No way! Sino din si Danny para pagselosan. Pupuntahan ko sana sila nang narinig kong magsalita si Estelle. Napatigil ako.
"Kuya Tanda. Thank you po ha? Thank you sa mga corny mong jokes. Dahil dun ay sumakit tyan ko sa kakatawa. Ang swerte ko po kasi nakakilala ako ng isang taong kagaya mo. Yung hindi ako iniiwan. Wag po kayong mawawala ha? Kasi special po kayo sa akin." Narinig kong sabi nya.
Estelle hugged Danny. Yung hug na alam mong may hugot. Tapos nakita ko pang nakasmile si Estelle. Could things get any worse? Nagtataka ako kung bakit parang naiiyak ako. Fuck this. Never pa ako umiyak nang dahil sa babae. Never pa ako naging ganito ka affected nang dahil sa babae. At never pa ako nasaktan ng ganito nang dahil sa babae.
Umalis ako ng padabog. I walked so fast. And then I started to run. Baka sakaling tumakbo ako, ganon din kabilis mawala tong sakit na nararamdaman ko. I was running when,
*BLUG!!!!!*
"Aray!!!!!!!" Sabi ni Tricia.
"Ouch!!!! Oh My God! I'm so sorry Tricia! Did I hurt you?!" Tumayo ako at tinulungan ko sya.
"I'm okay lang naman Pol." Sabi nya at ngumiti, "Ikaw? Are you okay?" Sabi nya at pinagpag ang mga dumi sa damit ko.
"I'm okay lang." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
RandomLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...