TWENTY FOUR

454 14 6
                                        

DANNY~

"Tricia?!" Sabay na sabi ni Estelle at Apollo. Then they looked at each other.

I admit, nagulat din ako. Lumapit si Tricia kay Apollo. I looked at Estelle, there she is, faking a smile. I was just observing them when,

"Yung pangako mo sa akin Danny ha? Wag na wag mong kakalimutan." Sabi ni Lola Conching. She looked at them too.

"O-opo. Promise Lola. Teka po, bakit kayo andito?"

"Ihahatid ko si Tricia. Sasama sya sa inyo. Doon na sya mag aaral sa Manila. Pinayagan na sya ng papa nya at kela Esther sya titira kaya mas babantayan mo pa sila lalo. Okay?" I was shocked.

I'm starting to be worried. I just nodded. In an instant, hundreds of scenarios began to popped in my head. Hindi magiging maganda to. Sobrang nag aalala ako kay bata, sya ang pinakamaaapektuhan.

"Passenger of flight from Davao to Manila. It is now you're boarding time."

"Oh, aalis na kayo iho. Ito ang number ko at skype ko. Kapag kailangan mo ng tulong tawagan o itext mo ako. Tsaka na ang skype kasi hindi pa nakakabit ang wifi sa bahay." Seryosong sabi ni Lola Conching.

Napatawa ako, "You have a skype lola?"

"Syempre iho, updated tong lola nyo. Ginawan ako ni Estelle ng skype kasabay ang facebook. Add mo na din ako kapag may facebook ka." Sabi nya.

"Lola talaga. Okay po, tatawagan kita agad pagkarating namin sa Manila okay? Lagi akong magrereport sa inyo. Skype nalang tayo someday." I said, still laughing.

I hugged Lola Conching. I'm gonna miss her. Wala nang taga advice sa akin. And then all of them hugged lola too. Estelle was about to cry. Alam kong sobrang mamimiss nya din si Lola. We bid goodbye to her at pumasok na kami.

"Cous, I'm so happy at pinayagan na ako ni Papa na sa Manila mag aral. Hulaan mo?" I heard Tricia said, giggling.

"Ano?" Estelle said coldly.

"Doon ako sa inyo titira!!! At pareho na din tayo ng school!!!! Ang saya!" Sabi nya sabay yakap kay Estelle. And bata faked a smile on her.

Pagkaakyat namin sa eroplano ay naupo si Apollo sa may window and tatabi sana si Estelle nang maunahan sya ni Tricia. I saw that Estelle is really pissed off. Naupo ako sa likuran nila.

"Psssst, Stitch!" Bigla nyang sabi.

"Bakit?" Sagot ko. She was smiling but I know pilit lang yun.

"Gusto kong umupo sa may bintana. Pwede ako po dyan?" Sabi nya while giving me a puppy eyes.

"Urrrrggh. Okay, you may." I stood up and sat on the other side.

She's clapping her hands like a child receiving it's first birthday present. Ang cute nya talaga and I can't help but smile. Maya maya ay nagtakeoff na kami.

"You know what?" Bigla kong sabi.

"Ano po yun?" She looked at me with a smiling face.

"I should be the one calling you Stitch. Hindi bagay sa akin ang tawaging Stitch."

"Why? Cute naman ang Stitch ah." Sabi nya and then she frowned.

I pinched her nose, "Ito tampo agad, that's not what I meant. Yeah, Stitch is cute kaya nga mas bagay na itawag yun sayo kasi ang cute mo. Wag ka nang umangal bata."

"Eh ano nang itatawag ko sayo?" Sabi nya.

"Hhmmm, it's for you to find out. Tell me if meron na alright my own version of Stitch?"

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon