FORTY SEVEN

314 14 4
                                    

DANNY~

"There is something I wanted to tell you, since many days. I really tried to make you feel it in many different ways. Just looking at you, takes my breath away. Ah eh kasi... I like you, is what I really want to say."

Hay masyadong corny! Ano ba Danny! Wala ka na bang ibang maisip? Napaka jologs mo talaga. Tss. Wala ka na bang maisip na mas sincere at romantic? I've been thinking and constructing what are right words to say to her this past few days. Tama ba tong ginagawa ko? Oh masyado bang mabilis? At sana wala akong girlfriend kasi sa ngayon iisa lang ang gusto ko, and it's the girl beside me. Bigla akong napaisip, matinik ba ako sa chiks dati? Sana hindi. Sana wala akong nasaktan na babae. Sana. Kanina pa akong tingin ng tingin kay Estelle pero hindi talaga sya nakakasawang tingnan.

"Hey! Is anything I can do to help?" Rinig kong sabi ng isang boses at nang lumingon ako eh nakita ko si Apollo, bigla syang lumapit kay Estelle.

"Yehey! Mapapadali tayo neto! Tulungan mo kami dito Polski." Sagot naman ni Estelle habang nakangiti. Hindi ko namang maiwasang hindi umismid. Ewan ko bakit pero naaasar ako kapag andyan si Apollo.

Estelle's been drawing letters para mamayang hapunan, then gugupitin ko ito at isasabit sa telang nakasabit sa harap ng hapagkainan. It was going smoothly when this guy right here suddenly appears. Kaya ayun, dalawa na kaming gumugupit ng letters na drinawing ni Bata.

"Oh eto, tapos na." Biglang sabi ni Estelle sabay lapag ng kanyang drawing sa mesa.

Kukunin ko na sana ito nang sabay nanaman kami ni Apollo. Naman oh! Ayaw talaga patalo ng isang to. Sino bang nauna sa amin dito? Diba ako? Eepal epal kasi eh. Badtrip! Sinusubukan nyang kunin pero hindi ko to binibigay, manigas ka! Bigla syang napatingin sa akin at ako naman eh seryoso lang ang mukha.

"Eh excuse lang po? Pinapatawag po kasi kayo ni Mang Toning." Sabi ng isang lalake, kapitbahay namin. Napatingin ako sa papel at hindi pa rin binibitawan ni Apollo, matira matibay pala ha?

Agad namang sumunod si Estelle sa lalake. Naiwan naman kaming dalawa ni Apollo na hawak hawak pa rin ang papel, para lang kaming tanga sa totoo lang. Bigla namin itong binitawan at sinundan si Estelle.

"Mga kaibigan! Dahil huling araw na ng ating mga mababait na bisita ay naisipan kong pasalamatan sila sa pamamagitan ng games!! Gusto nyo ba yun?" Sigaw ni Mang Toning.

Naghiyawan ang mga tao. Napatingin nanaman ako kay Estelle. Sobrang saya nya at halatang halata sa mukha nya. I don't know why but when I see her happy, happy na din ako. Pero how can I do something when someone also tries to win her heart? Mahirap makipaglaban sa taong naging malaki ang parte sa buhay nya. May chance ba ako? Haaay bahala na si Iron man.

"Magsisimula na ang first game natin!! It's dutchball." Biglang sabi ni Mr. Francisco, "Okay, I need two teams with eight players."

People were beginning to form teams. Gusto kong sumali pero I just want to be by her side always. Sapat sa akin to, "Okay, para mas exciting.. Ang first team are the people from medical mission and the second team are from this island. Ayos ba sa inyo?!" Sigaw ulit ni Mr. Francisco.

Naghiyawan ulit ang mga tao. Halos lahat ata gusto sumali, "Ako! Sasali ako!" Napalingon ako sa sigaw ni Apollo. He will join?

Biglang pumalakpak si Estelle, "Go Polski!! Go! Go! Go!" Mukhang masayang masaya sya.

Ano Danny? Papatalo ka? Akala ko ba tatapatan mo ang lalakeng yun? Bakit hindi ka gumalaw at sumali? Oh baka natatakot kang matalo lang? Ano bang klaseng utak to! Parang may sariling isip. Napabuntong hininga ako, hahayaan ko bang mangyari yun? Napatingin ako ulit kay Estelle. Ang saya saya nya habang pinagmamasdan si Apollo.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon