FIFTY THREE

154 12 2
                                    

ESTELLE~

"Oh ano? Tutunganga ka nalang ba dyan hanggang bukas?" Biglang sabi ni Ben, napatingin ako sa kanya, "Maybe?" Sarcastic kong sagot.

Bukas na ang contest pero nawawalan na ako ng gana. Oo nga at maayos na ang lahat, pero may kulang pa rin eh. Napalulumba nalang ako sa lamesa. I heard Ben walked away. Haaaay, no one seems to understand. Tumayo ako at magpapaalam na sana nang masalubong ko syang may dalang gitara.

"What's that?" Tanong ko, "Ummmm gitara?" Pilosopong sagot nya.

"Alam ko! Benigno naman eh!" Inis kong sabi, "Stop calling me by my first name!" Nakapout nyang sabi, napatawa nalang ako, "Para saan nga kasi yan?" Lumapit sya sa akin, "Hindi ko naman pwedeng sayangin ang pinaghirapan ng kaibigan ko diba? Ako nalang ang magiging kaduet mo Stel." Nakangiti nyang sabi.

"Weh? Di nga? Totoo?" Sabi ko, I was really hoping he was serious about it. "Oo nga! Eto para namang engot eh." At sabay kaming napatawa, "So ano pang hinihintay natin? Tara practice!" Sabi ko.

Kahit papano eh nabunutan ako ng tinik sa lalamunan, but I can't deny na meron pa rin akong hinahanap-hanap na isang tao. Saan na kaya sya? Is he alright? Sobrang nag-aalala na ako. But how can I contact him? Sana hindi na sya ulit mawala sa akin, hindi ko na talaga kakayanin.

"Hey, you have to focus Stel, ilang oras nalang ang meron tayo. Ikaw na kakanta oh. Tulala ka naman." Ben snapped his fingers at me, I looked at him, "Okay ka lang ba talaga?"

He sighed, "Halika, upo na nga muna tayo. Pag-usapan natin yan." At naupo na kami, "Now tell me." Sabi nya, "Ano din sasabihin ko?" Sagot ko.

"Estelle Marie Gacal. This is serious talk so pwede ba? Tell it." Sungit nyang sabi, "Ang suplado naman neto. Oo na! Nalulungkot lang talaga ako eh. Hindi pa rin nagpaparamdam si Kuya Tanda. Hindi ko alam kung ano ang takbo ng isip nya. Baka ayaw nya na ako makita pa ulit."

"You're thinking too much." Sabi nya, bigla ba naman akong hinila, "Saan tayo?" Taka kong tanong .

"Basta." Seryoso nyang sabi at hinablot nya ang gitara. Inakay nya ako palabas ng condo at isinakay sa kanyang kotse, "Bukas na ang contest mo and you're not focusing. Tell me, gusto mo bang matupad pangarap mo?" He was looking at me straight in the eyes. Lagot, beast mode na si Ben. Tsk tsk.

"O-oo naman. Syempre." Ang tangi kong nasagot.

"Good. Mabuti na yung klaro." Bigla nyang pinaandar ang makina at pinaharurot ang kotse.

Tahimik lang ako kasi hindi ko alam kung galit ba sya o hindi. He was so serious at hindi umiimik. Naiirita na ba sya sa inaarte ko? Hindi ko naman kasi talaga maiwasang hindi isipin si Kuya Tanda eh. I missed him. I missed what we used to be. Nakakamiss yung magdamagang usapan, yung lahat ng bagay na ginagawa nya para lang sa akin, yung pagngungulit nya kapag ayaw kong kumain, yung pagiging parang tatay nya minsan sa akin. Nakakamiss yun lahat.

"Iniisip mo nanaman sya?" Biglang tanong ni Ben. Alam kong magagalit sya pag sinabi kong oo pero ayoko ring magsinungaling sa kanya kaya nanahimik nalang ako. Narinig ko syang huminga ng malalim at nakita ko sa aking peripheral vision na umiiling-iling sya. Maya maya ay napansin kong papunta na ng school nung college pa kami ang daang tinatahak namin. Anong gagawin namin dito?

Itinigil ni Ben ang kotse sa harap ng gate, lumabas ang security guard, "Magandang araw po. Meron po akong appointment sa dean ng MedDept." Sabi ni Ben. Appointment? Anong appointment nya kay dean?

"Okay po sir. Pakiiwan nalang po ang inyong I.D." Sabi ng guard, binigay to ni Ben at pumasok na kami sa loob. Nang makapagpark ay inakay nya nanaman ako. Saan nya ba kasi ako dadalhin? Doon ko narealize na papunta na pala kami ng library. We stopped outside at tinignan nya ako.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon