TWENTY SEVEN

729 17 4
                                    

ESTELLE~

"Hoy bata!! Tulala ka ah? Anong problema?!" Biglang sigaw ni Kuya Ford.

"Ha? Ah eh w-wala po. Hihihi." Sabi ko.

Umiling iling lang si Kuya. Sa totoo lang, kanina ko pa iniisip yung mga nangyari isang araw. Lalong gumwapo ang Kuya Tanda ko. Bagay na bagay talaga sa kanya. Ang mga ngiti nya, nakakahawa, napapangiti din ako. Everytime malungkot ako o nasasaktan, sya ang nagpapabalik ng mga ngiti ko. Bakit ba kasi hindi maalis sa isip ko yung bagong hairstyle nya? Haaay nako. Ang weird!

From: Polski Ü
Stelski! Andito ako sa labas ng bahay nyo. Labas ka! Bilis! :D

Ha? Ano? Nasa labas daw sya? Inayos ko muna sarili ko. Paglabas ko ay nakita ko syang nakasilong sa may puno, ang hot nya! Parang gangster. Lumapit ako.

"Tara, today is Stelski and Polski day!!!" Masigla nyang sabi.

"Ano?! At saan din tayo pupunta? Anong nakain mo??" Nagtataka kong tanong.

"Dami mo pang satsat. Sumama ka nalang. Halika na!!" At hinila nya ako.

"Teka lang! Ano ka ba! Magbibihis muna ako ng maayos. Ikaw pormado tapos ako mukhang taong kalye. Maghintay ka!" Pumasok ako sa loob at nagbihis.

Matapos ang mga ilang minuto ay nakaalis na kami. I kept on looking at him, lagi syang nakangiti. Anong nangyari sa lalakeng to? Hmmmm. But I like it. Ang saya kasi ako yung gusto nyang makasama sa panahong masaya sya. Tumingin sya sa akin, and there goes his smile again. Ang sarap ng feeling na to.

"Andito na tayo!!!" Masayang sabi nya.

It was our school nung elementary pa kami. Si manong guard pa rin ang nandito, kaya nakapasok kami. Bakit dito nya ako dinala? Ang dami nang pinagbago, dumami ang mga students. Colorful na din masyado ang paligid. Naglakad lakad kami, ang lalaki ng mga hakbang ni Apollo, naiiwan nya na ako. Hinabol ko sya.

"Hoy! Ang bilis mo maglakad! Hintayin mo naman ako!" Sigaw ko sa kanya.

Bigla nya nalang akong nilingon, hinawakan sa kamay, at inakay. Halos madapa na ako sa ginawa nya. Ano bang problema ng lalakeng to at nagmamadali? Psh.

Hinarap ko sya, "Alam mo ikaw, kung ano man ang trip mo, pwede ba dahan dahan ka lang? Hindi ko kasing laki ang mga hakbang mo." Sermon ko sa kanya.

He just smiled, naku nahulog nanaman puso ko, "Dami mo talagang sinasabi. Tingnan mo nalang to." Pinatalikod nya ako.

Wow! Ang ganda na ng playground! Dati isang seesaw at dalawang swing lang meron pero ngayon, madami na! Colorful na din! Ang saya saya naman! Tumakbo ako, umupo sa swing. Para akong bumalik ng pagkabata. Tinawag ko sya at sinabi na itulak nya ako, gawain nya kasi to dati.

*Flashback*

"Apollo!!! Halika dito!" Sigaw ko sa kanya.

"Mamaya na! Naglalaro pa kami dito eh!!" Sagot naman nya.

"Sige na kasi, sandali lang naman!"

Pinuntahan nya ako. Tinanong nya kung ano kailangan ko, nagpacute ako at sinabi na kung pwede nya akong itulak sa swing. Ayaw nya sana pero nagpout ako at nagkunwaring galit. Kaya wala syang choice kundi gawin yun.

'Simula ngayon, itutulak mo ako palagi sa swing na to ha!" Sabi ko at tumango sya ng papilit.

*End of flashback*

"Hoy! Anong tinatawa tawa mo dyan?!" Sabi nya sabay batok sa akin.

"Aray! Ano ba! Wala lang, naalala ko lang dati. Obligasyon mong itulak ako dito. Hahahahahahaha." Sabi ko.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon