FORTY

581 8 22
                                        

ESTELLE~

"Anak, mag iingat ka sa pupuntahan nyong medical mission ha?" Sabi ni mama sa kabilang linya.

"Opo ma. Saan po si Papa, pwede po pakausap?"

"Osige nak, sandali." Sabi nya at nagsisigaw sa kabalinang linya, "Estelle, ang unica hija ko. Sobrang miss na kita anak ko." Biglang sabi ni papa sa kabilang linya.

"Papa!! Miss na miss na din po kita!" Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Hindi mo na kami binibisita ng mama mo. Nagtatampo na kami." Sabi nya.

"Si papa talaga. Sorry po, sobrang busy sa work eh. Hindi po bale, pangako, pagkabalik ko uuwi ako dyan. Okay po ba yun?" Masigla kong sabi.

"Okay na okay! Aasahan ko yan anak, matagal tagal na din tayo hindi nakakapagtugtog na magkasama." Masaya nyang sagot.

Napatawa ako, "Opo pa, pangako ko po yan." Magpapaalam na sana ako nang bigla syang magsalita, "Nak, alam mo na bang nakabalik na sila Apollo dito?"

Napahinto naman ako, hindi ko alam ang isasagot, wala atang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Bigla ko nanaman naalala ang una naming pagkikita, Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?

"Estelle?" Rinig kong sabi ni papa.

"Ah e-eh, pa! Kailangan ko na po tong ibaba to, maya maya eh aalis na po ako. Kita kits nalang po after a few days. Miss ko na po kayong lahat, mahal na mahal ko po kayo." Pag iiba ko ng topic.

"Osige anak, mag iingat ka. Mahal ka din namin." Sabi nya at inend na ang call.

Inilapag ko ang aking phone at kinuha na ang aking mga dadalhin, nilagyan ko na rin ng leash si Dandan, habang wala kasi ako doon muna sya kela Ben. Pagkatapos ay umalis na ako ng bahay dumiretso kela Ben.

"Dandan, behave ka dito kela Tito Ben mo ha?" Sabi ko habang pinipet sya, "Ben, ikaw na muna bahala sa kanya." Sabi ko.

"Don't worry ako na ang bahala sa kanya." Sabi nya habang inilalagay ulit ang mga bag ko sa kotse nya, "Dandan, say goodbye to mommy Estelle." Natatawa nyang sabi.

Hinampas ko sya ng mahina, "Tara na." Sabi nya at sumakay na ako ng kotse.

"Kapag nagkaproblema o any emergency, call me right away ha." Seryosong sabi nya.

"Opo papa Benigno." Sabi ko sabay tawa.

"Aba aba gumaganti ha. Hahahaha. Seryoso Stel, take care of yourself."

"Oo na. Ikaw din, mag iingat kayo. And si Dandan ha? Mahal na mahal ko yun."

Pagkarating namin sa bahay ni Mr. Francisco ay naghihintay na rin si Josh, "Ben, salamat sa paghatid ha?" Sabi ko at niyakap sya.

"Sige Stel. Have a fun trip." At umalis na sya.

"Hello liit!!! Bati ni Josh.

"Hello din tangkad!!! Marami pa bang inaantay?" Tanong ko.

"Since dumating ka na, isang tao nalang daw ang inaantay. Nauna na ang mga ibang kasamahan natin eh."

"Sige."

Umupo muna kami sa may bandang gate ni Mr. Francisco. Actually, hindi ko pa sya nakasama sa trabaho at hindi ko alam kung ano ang mga pamamaraan nya but I hope he's kind. Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin ang inaantay namin, napapansin ko na panay ang tingin ni Mr. Francisco sa kanyang relo, mukhang naiinip. Napatingin ako sa akin relo, 4:30 na.

"Guys, tara at papaandarin ko na ang sasakyan." Sabi nya habang pumasok sa SUV.

Pumasok na din kami, katabi ko si Josh at sa kabilang tabi ko daw uupo ang makakasama namin. Grabe naman ang taong yun, hindi ba sya nahihiya? Pinapaantay na ang maraming tao.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon