APOLLO~
♪♬ Alam kong nasaktan na naman kita
ngunit di ko naman sinasadya
hinding-hindi na mauulit sinta
sana'y maniwala ka ♪♬Be brave Apollo, no matter what happens, just do your best para mapakita sa kanya ang totoong nararamdaman mo. Para akong lasing na kumakanta sa labas ng bahay nya, sana lumabas sya at pansinin ako. Nakakahiya na sa mga kapitbahay nya, gabi pa naman. And then I saw her window moved, binuksan ito at nakita ko syang dumungaw, nabuhayan ako ng loob.
♪♬ Sabihin mo na
kung anong gusto mo
kahit ano'y gagawin
para lamang sa yo
sabihin mo na
kung papaano mo mapapatawadIlang araw mo nang hindi pinapansin
ilang araw pang lilipas
nakatanga sa harapan ng salamin
naghihintay ng bawat bukasLahat naman tayo'y nagkakamali
sinong di magsasala
ngunit paano babawi sa pagkakamali
yun ang mahalaga♪♬Nilakasan ko ang aking boses, pero bigla nyang sinarado ang bintana.. Nalungkot ako bigla, maybe she was expecting someone else, or maybe she was just that mad at me. Bigla namang bumukas ang kanyang pinto, hindi ko maiwasang hindi mapangiti, pinansin nya ako, at lumabas pa sya ng bahay nya.
Lumabas sya ng gate, "Est-"
Napahinto ako, "Ano ba? Gabi na oh, wala ka bang relo? Nambubulabog ka eh. Pwede ba, kung ano man yang trip mo, wag mo na ako idamay. Pagod ako and I'm trying to have some rest. Please? Just leave." Sabi nya sabay talikod.
Hinabol ko sya at hinawakan bandang pulso, napatingin naman sya akin at nabigla ako sa aking nakita, her eyes are filled with pain and anger. Napabitaw naman ako bigla at hinayaan syang makapasok. Never seen her like that before at nakakakaba.
ESTELLE~
Binitawan nya kamay ko, agad naman akong nagmadaling pumasok. Napaupo ako, napansin kong pawis na pawis ako. Bigla naman akong naguilty sa aking nasabi. Minsan talaga hindi ko mapigilan bibig ko. Napansin ko rin naman sa mukha nya ang sincerity, alam kong hindi sya kumakanta ng malakas pero nagawa nya to at sa isang kalye pa. Alam kong sobrang nagsisisi na sya pero kapag nakikita ko sya bumabalik sa isip ko mga ginawa nya, at sumasakit dibdib ko.
♪♬ Sabihin mo na
kung anong gusto mo
kahit ano'y gagawin
para lamang sa yo
sabihin mo na
kung papaano mo mapapatawad ♪♬Hindi pa rin sya humihinto sa pagkanta. Bigla kong naalala ang mga panahong kinakantahan nya ako habang sumasayaw kapag ako'y malungkot, kahit sobrang sintunado sya at di marunong sumayaw ginagawa nya pa rin para maging masaya ako, bigla nalang akong napangiti. Wait Estelle, nanlalambot na? Sinampal sampal ko sarili ko, kinantahan ka lang nanlambot na agad? No way! Sobrang sakit ang dinulot nya sa akin kaya dapat mapatalsik nya muna si Pnoy bago ko sya mapatawad, pero joke lang.
"Estelle Marie Gacal! Alam kong alam mong hindi ko kayang gawin ang mga ganitong bagay, and now I'm doing this because I want to let you know that I'm so sorry and I would do anything para mapatawad mo. Kahit paulit ulit mo pa akong ipagtabuyan, ipagsisiksikan ko pa rin sayo ang sarili ko." Sigaw nya.
Bwisit na lalake to, nakakahiya sa mga kapitbahay! Ano na lamang ang sasabihin nila? Hay naaaako! Dagdag stress talaga ang pangit nato. Dahan dahan kong binuksan ang aking bintana, and there he is, singing his heart out.
BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
RandomLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...