TWENTY NINE:

820 22 11
                                    

ESTELLE~

Kinuha ko ang bottled water na nasa loob ng kotse ni Kuya Tanda, binuksan ko at binuhos sa kanya. Agad naman syang napabangon.

"Goodness gracious!!!!!!!!!!!!!" Sigaw nya at napatingin sa akin, "Bata? What are you doing here?" Lasing nyang sabi.

Hay salamat at buhay pa Spartan ko. Akala ko wala na sya. Tapos lasing pa. Ano ba pinaggagawa nya?! Hinampas ko sya ng napalakas sa sobrang kaba na dinulot nya sa akin.

"Aray!! Nakakarami ka na bata ha! Bakit?!" Sigaw nya.

"Magpapakamatay ka ba?! Bakit ka lasing?!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Ano ka ba, hindi ah. Kanina pa ako dito. Naisip ko na dito icelebrate ang christmas ko since I'm all alone. Ayun, made myself drunk to make all the shits gone for a while." Sabi nya habang nakangisi. Lasing nga talaga.

"Bakit ka may kutsilyo sa kamay mo?!" Sigaw ko ulit.

"Wag ka ngang sumigaw! I'm not deaf! I was trying to open my canned pineapple."

"Kahit Tanda pasaway din pala ano? Hay jusko. Halika nga, pupunasan na muna kita nang mahimasmasan ka." Sabi ko habang inaakay sya patayo.

Nang mailapit ko na sya sa kanyang kotse ay nahirapan naman akong ipasok sya. Pagkalagay ko ay agad naman nya akong hinila dahilan para matumba ako sa ibabaw nya. Bigla nya nalang kinurot ang magkabilang pisngi ko at ngumiti sya.

"Ang cute cute ni Bata!!" Sigaw nya.

Napatawa nalang ako. Siguro kapag nalaman nya tong pinaggagawa nya eh malamang sobrang mahihiya to. Malayong malayo sa normal na Kuya Tanda na kilala ko. Kinuha ko panyo ko at binasa ng tubig. Pinunasan ko sya sa mukha, leeg at mga kamay para naman mahimasmasan. Nakatulog sya habang pinupunasan ko. Tingan mo nga oh, parang anghel kung matulog. Hinayaan ko lang muna sya at umupo ako sa inupuan nya kanina.

Hindi pa rin maalis sa isip ko lahat ng nakita ko between Apollo and Tricia. Nakakasakit sa loob. Sobra. Wala naman akong magawa kasi ginusto ko. Nagpakaduwag ako eh. Hindi nanaman naiwasang tumulo ng luha ko. Nakakainis. Para bang hindi ko na matakasan ang sitwasyong to.

DANNY~

Nagising ako at nasa loob ng kotse ko. Bumangon ako at may nahulog na panyo from my forehead. Nagtataka ako. I got out of my car and I saw a girl sitting on the ground. Likod pa lang, kilala ko na. What is she doing here? She should be at their house. I sat beside her at nagulat sya.

"Kuya Tanda! Okay ka na?!" Masigla nyang sabi.

I nodded, "Diba dapat nasa bahay ka ninyo?" I said.

"Gusto ko lang po magpahingin dito. Gusto kong magkaroon ng peace of mind kahit sandali lang." Sabi nya.

Tahimik lang kami pagkatapos nun, walang nagsasalita. We're both enjoying the calmness of this hill. Bigla syang nagsalita,

"Eh ikaw po, bakit ka nandito? Saan si Ate Val?" Bigla nyang tanong.

I stay silent for awhile, don't know how to answer that question, scared I might break down infront of her, but I guess she'll understand me, "Val went back to Brazil the other day, may emergency daw kasing nangyari sa business nya. Wala akong kasama this christmas eve kasi yung maid ko umuwi sa province nila. I can't go home because my business is only relying to me. Mom and dad are not used in travelling to other countries. Kaya eto, mag isa akong nagcecelebrate. Hahahaha."

"Kuya Tanda naman, pwede ka namang pumunta ng bahay eh. Alam mong kapamilya ka na rin namin." Sabi nya.

I smirked, "I don't want to. I'll just miss my family more. And besides it's your family quality time. Okay lang naman eh, life sometimes is all about sacrifices. I'll be with them soon." Sabi ko habang nakayuko. Pinipigilang umiyak.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon