FORTY FOUR

364 11 4
                                    

ESTELLE~

"Diba may kinompose kang kanta? Saan na yun? I read those lines you wrote at ang ganda. C'mon Stel, sayang ang opportunity mong maipakita ang talent mo."

*Flasback*

Kakatapos lang ng klase namin at si Ben naman eh may pinuntahan sandali. So I went straight to the library. Kakatapos lang din ng exam namin kaya wala akong mapag aralan. Nakakabagot. Lalo kong naiisip si Kuya Tanda kapag ganito, at sobrang miss ko na sya. Kumuha ako ng isang papel at ballpen and started to write something.

I was smiling while I'm writing. Si Kuya Tanda ang naiisip ko sa mga sandaling ito. I found myself writing this, gawin ko kayang kanta to? When I finished writing the lyrics, melody nanaman ang gagawin ko. Pampalipas oras lang. Sana mabasa to ni Kuya Tanda at para pwede nya akong tulungan. Pero wala sya, at hindi ko na sya kailanman makakasama pa.

"Hoy! Ano yan!" Biglang sulpot ni Ben.

Bigla kong tinago ang aking sinulat, "W-wala Ben!" Sabi ko.

*End of flashback*

"Stel?" Sabi ni Ben sa kabilang linya.

"Nabasa mo talaga yung sinulat ko dati?!" Sabi ko.

Tumango sya, "Sorry Estelle. Pero sobrang ganda talaga ng sinulat mo, all you need to do is put a melody to it."

"Sorry talaga Stel ha? Pag uwi mo practice tayo. But for now, I really have to go." Bago pa man ako makasagot ay binaba nya na ito.

Ang galing! Now what? Patay ako neto! Si Ben talaga oh! Ano na ang gagawin ko? I'm not used to in this kind of things. Baka magkamali lang ako at pumalpak. Pero ano pa nga ba magagawa ko? Haaaaay, you know, sometimes your friends can make you crazy. Bahala na si Superman!

"Hoy!!!" Biglang gulat sa akin ni Apollo habang nakatulala ako.

"Ano ka ba! Bakit ka ba nanggugulat ha!?" Inis kong sabi.

"Kanina ko pa kasi napapansin na nakatulala ka at ang lalim ng iniisip. Hmmm, si Danny nanaman ba?"

"H-hindi. Isang bagay na napasubok ako. And I can't do anything kaya hindi na ako pumalag. I'm so dead Polski." At napabuntong hininga ako.

"Ano din yun?" Nagtataka nyang tanong.

"Secret." Nakangiti kong sabi.

Ayaw kong sabihin dahil baka kantyawan nya lang ako. Ayaw ko rin na may iba pang makaalam kasi baka papanuorin nila ako. Pati si Josh, they're my friends but I'm not really comfortable with it. Songwriting? Ano ba alam ko dyan? Yes I can sing, pero hindi talaga ako magaling magsulat ng kanta, and wala pa talaga akong nasulat na kahit isa, dahil lang yun sa pagkabagot haaaay si Ben talaga. Bigla bigla nalang kasing tatawag at sasabihing signed up na ako? Haaay talaga. Pero hindi ko pa nasasabi sa kanya na nagkita na kami ulit ni Kuya Tanda. I don't want them to expect na makikilala sila neto.

"They want you to show your talent to others bata, you're an amazing singer. Please don't let anyone, even yourself stop you from doing what you love."

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin dati ni Kuya Tanda. Hindi ko dapat pigilan ang sarili ko sa pag abot ng isa sa aking mga pangarap. I think it's time to show everyone that I can do music. Hindi ko lang ito hilig but it feeds my soul, kapag walang music parang wala din akong buhay. Kailangan kong gayahin si Kuya Tanda, in everything that he do, he makes sure he will give his 100% effort to it, punong puno ng passion. If there is one thing I learned from him, huwag mong hayaan na lumampas ang isang bagay nang hindi mo lang man pinaghirapan. You must gain effort to something to earn something. And I know I can do it. Hindi man manalo atleast I've proven that I can do it. Kaya what are you waiting for Estelle? Start making music and rock on.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon