APOLLO~
"Bakit mo sya sinuntok Apollo?! Ano bang problema mo!" Sabi ni Estelle habang tinutulungang nilang dalawa ni Tricia na tumayo si Danny.
"Akala ko hinalikan ka nya. I'm sorry." Sagot ko habang nakayuko.
Nakatayo na si Danny at nakita kong namaga ang pisngi nya at dumugo ang ilong. Sinabihan sya ni Estelle na umalis na muna at susunod lang sya.
Humarap sya sa akin, "Pasalamat ka at desenteng tao si Kuya Danny. Hindi sya pumatol sa pagkaimmature mo! My God Apollo! Ang kitid naman ng utak mo para isipin ang bagay na yun! Kumakain ako ng Icecream at nakita nyang may dumi ako sa bibig kaya pinunasan nya! Ganon na ba tingin mo sa akin na para makipaghalikan sa loob ng mall?! Grabe ka!" Sabi nya. Parang kakainin nya na ako sa mga titig nya.
"Cous, kalma ka lang. Nabigla lang siguro si Apollo. Hindi nya naman siguro sinasadya yun." Sabi ni Tricia habang sinubukang pakalmahin si Estelle.
"I'm so sorry. Naghahanap kasi kami ng makakainan ni Tricia at nakita kita, lalapit sana kami nang mapansin ko na nilalapit ng isang lalake ang mukha nya sayo. Akala ko pinagsasamantalahan ka. Hindi ko naman alam na si Danny pala yun. Hindi ko ginamit utak ko. Ayaw ko lang na naaagrabyado ka. I'm so sorry Estelle."
"Agrabyado? Okay lang ako Apollo. Wag kang mag alala. Pwede ka namang lumapit diba? Hindi ka sa akin dapat humingi ng pasensya. Kay Kuya Danny." Tumalikod sya at naglakad.
Sinubukan syang pigilan ni Tricia pero ayaw nyang magpaawat. Naguguilty ako sa ginawa ako. Lumingon sya sa akin.
"By the way, naaalala mo pa pala ako? Akala ko kasi kinalimutan mo nang may bestfriend ka." At naglakad na palayo.
Susundan ko sana sya ng pigilan ako ni Tricia. Wag ko daw munang kausapin si Estelle at baka lumala pa ang galit nya sa akin.
*GAME OVER*
Halos isang oras na akong naglalaro ng Star Wars sa Xbox at palagi nalang na gegameover. Hindi kasi maalis sa isip ko ang mga nangyari nung isang araw. Two days na akong text ng text at tawag ng tawag kay Estelle pero hindi talaga ako inientertain. Ang bobo mo talaga Apollo.
"Oh partner, bakit ka tulala?" Sabi ni Dad habang paupo sa sofa.
"Ah wala dad. May iniisip lang."
"Ano namang iniisip mo?"
"Bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa buhay natin."
Natahimik sya, "Minsan nga partner, natatanong ko din yan. Pero alam kong walang makakasagot nyan kundi ang nasa itaas. Ang tanging magagawa natin ay tanggapin kung ano ang meron tayo at kung paano natin ihandle ang bawat situation. Sa isang iglap ay pwedeng mawala agad ang lahat. Pasalamat tayo habang hawak pa natin ito." Bigla nyang sabi.
Nagpatuloy ako sa paglalaro. Once in a blue moon ko lang makausap ng ganito katino si dad. Halos business at blogging lang kasi inaatupag nya.
"Dad?" Bigla kong sabi, "Nahirapan ka bang aminin kay mommy ang nararamdaman mo?"
He smiled wearily, "Oo naman, lahat naman ata anak, lalo na't alam mong seryoso ka sa nararamdaman mo. Ayun, I made a move, slowly but surely, hindi ko minamadali kasi alam kong may tamang timing ang lahat. Bakit partner?"
"Ah wala lang po." Sabi ko habang naglalaro.
*GAME OVER!*
Tumayo si Daddy, "Alam mo anak, parang video game lang ang buhay eh. Kailangan mong mag focus sa goal mo para matagumpayan mo ito. Kahit na matalo ka, marami pang chance para subukan ulit. At sa bawat chance na yun, dapat mas igihan mo pa." At hinawakan ako sa balikat.
BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
RandomLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...
