ESTELLE~
Araw, linggo, buwan at mag iisang taon na ang nakalipas nung mawala si Apollo pero eto ako, hoping na babalik sya para sa akin. Second year college na ako. At simula nung nawala sya ay parang nawalan na ng kulay ang mundo, nawala ang melody sa kanta ng buhay ko. Mabibilang nalang siguro ang mga araw na tumatawa ako.
"Estelle! Mag isa ka nanaman!" Nakasimangot na sabi ni Ben.
"Hindi ka na nasanay. I find peace kapag mag isa ako." Nakangiti kong sabi.
"Ewan ko sayo." At inirapan ako.
Echoserang pugita to. Araw araw nya nalang akong sinisermonan. Andito ako ngayon sa bench na madalas naming tambayan ni Apollo sa field. Grabe, mag iisang taon na syang wala. Hindi man lang sya maka text, tawag o message sa akin sa facebook. Diniactivate nya siguro ang account nya. Si Kuya Tanda naman, ayun everyday nagtetext, tinatanong nya kung kamusta ako o okay lang ba ako. Minsan nga pumupunta pa sya ng bahay at school para dalhan ako ng mga paborito kong pagkain. Minsan naiisip ko na ang unfair ko sa kanya. Si Kuya Ford naman nakapasa sya sa board exam at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang hospital. Si Tricia, andito pa rin sa amin, miss na miss nya na din si Apollo. Halos lahat kami nabigla sa biglaang pag alis niya.
"Ben?" Bigla kong sabi.
"Yes?"
"May sinasabi ba o shinishare sayo si Kuya Tanda?" Bigla kong tanong sa kanya.
Nakatingin lang sya sa akin, "Honestly, yes. Everyday syang nagtetext sa akin, kinakamusta ka kahit alam ko na nagtetext sya sayo. At tsaka minsan niyayaya nya akong lumabas at mag chill and then he's gonna share what he's feeling."
"Ano din yun?"
"I think mas okay kung hindi ko sasabihin. And I promised him na sa amin lang dalawa yun."
Asar, ayaw sabihin eh. Ginamit ko nanaman ang power of puppy eyes ko. Nagdadalawang isip pa sya at matagal tagal din bago,
"Okay fine. Dinadaan mo nanaman ako sa pacute effect mo." Sabi nya sabay irap.
"He said na hanggang ngayon, mahal ka pa rin nya. Sinusubukan nyang alisin yun para hindi ka na magworry sa kanya. Ayaw nya din maging awkward kayong dalawa sa isat isa. Pero everytime he's trying to forget it, the more he falls for you. Sabi sya ng sabi ng okay lang sya pero I know he's not. Minsan nga nadadatnan ko sya sa kanilang bahay na nagmumokmok sa isang tabi, mukhang ang lalim ng iniisip." Malungkot na sabi ni Ben.
Grabe, sobrang nasaktan ko si Kuya Tanda. Pero mas masasaktan sya kung paaasahin ko lang. Mahal ko naman sya eh pero hanggang kuya lang. Si Apollo ang mahal ko.
"Oh ayan, nalaman mo na. Wag mong sasabihin na may sinabi ako sayo ha. Magagalit yun." Sungit na sabi ni Ben.
"Oo na. Ang sungit naman!"
Tumawa sya at napatawa nalang din ako. Maya maya ay may nagsusumigaw ng pangalan ko, "Estelle!!!!! Cous!!!" Sigaw ni Tricia.
"Oh bakit?" Taka kong sagot.
"Halika na! Uwi na daw tayo! May surprise daw sina tito sa atin!" Excited nyang sabi.
"Talaga!? Oh sige! Halika na!!!!"
Dali dali naman kaming umuwi, ano kaya ang sorpresa nina papa. Nang makarating ay tumakbo kami papasok ng bahay na para bang batang galing ng eskwelahan at sobrang excited umuwi. Nakita namin sina papa na nanunuod ng TV sa sala.
"Papa!!! Ano po yung sorpresa nyo!!" Excited kong sabi.
"Andito na pala ang mga dalaga natin! Halikayo!" Lumapit kami, "Isarado nyo muna mga mata nyo."
BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
RandomLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...