THIRTY

640 16 7
                                    

APOLLO~

"Dad! Pwede po bang ihatid nyo ako sa school namin? Ang lakas kasi ng ulan eh!" Sigaw ko sa labas ng kwarto ni daddy.

"Okay partner. Bibihis lang ako then alis tayo agad."

Haay thank you. Inayos ko na ng neck tie ko and inayos buhok ko. I have to look good tonight. Malay mo maging King of MedDept pa ako? Hahahaha pero biro lang. Nakakakaba kasi lahat ng students at faculty na belong sa Medicine Department ay andyan.

"Ang gwapo ng anak ko ah!!!" Sabi ni dad habang hinahawakan ako sa balikat, "Alam mo partner you really look just like me. The charm, the style and the good look. I remember myself wearing this kind of suit on our graduation ball, and also the day I confessed my love to your mother. Haaaay, time flies so fast anak. So you enjoy there okay? Make it memorable! So that when you reached my age, you can say something like this to your son." Sabi nya habang inaayos necktie ko.

Idol na idol ko talaga daddy ko. Aakalain mong sobrang seryoso at workaholic pero there will always be the side of him na sobrang caring at sobrang emo? Hahaha. Sorry dad. Pagkatapos nya akong pangaralan ay umalis na kami. Habang nasa daan,

"Dad?"

"Hmmmm?"

"Ummm ah eh, would you let me have a girlfriend na?" Naiilang kong tanong.

Napreno sya bigla, ouch, "What? May girlfriend ka na partner?! Hindi ba pwedeng ligawan mo muna?!"

Natawa nalang ako sa naging reaction ni Daddy. I told him na wala pa akong girlfriend pero may gusto akong babae. Syempre hindi ko sinabing si Estelle at baka sya pa maunang magsabi sa kanya. Naghahanap pa ako ng perfect timing. Yes, aaminin ko na sa kanya na mahal ko sya. And I'm hoping it will turn out fine.

"So dito ka nalang?" Sabi ni Dad.

"Opo. I'll just walk. Thank you partner. I'll just text you kapag tapos na kami." Sabi ko habang palabas ng kotse.

"Okay nak. Hey hey hey, about having a girlfriend, payag ako pero dapat gawin mong respectful at formal ang pangliligaw mo. Gets?" Nag aalala nyang sabi.

"Yes sir!" I saluted, "Don't worry dad. I won't do anything na magpapahiya sayo."

He smiled at umalis na. Pumasok na ako sa school gym. Wow! Ang ganda ng set up! Ang gara! The stage is spectacular! Madaming lights ang kumakalat sa buong gym. Madami na ding tao. Hinanap ko ang other blockmates ko.

"Giro bro! Kanina ka pa?" Sabi ko habang nag fifist bump kami.

"Bago bago lang din bro. This ball is awesome! Imagine, may pa raffle daw mamaya at ang grand prize is scooter!" Sigaw nya.

"Wow! Sana tayo ang makakuha nun ano. Awesome!" Sabi ko, "Wait bro, may hahanapin muna ako."

DANNY~

Dang this traffic!! Dumagdag pa tong ulan! I'm stuck for about 30minutes na. Malapit na sana sa pupuntahan ko kaso nagkabuholbuhol pa ang mga sasakyan.

"Ma'am I'm so sorry if medyo natagalan ako. Ang traffic po kasi." Sabi ko nang makarating.

"Ano ka ba Danny. Okay lang. Kakatapos lang din naman ni Estelle." Sabi ni Tita Esther, "Wait, tatawagin ko na sya. Maupo ka muna."

Umupo ako sa tabi ni Ford, ayos na ayos, "You look good bro!" At binatukan nya ako, "Bro, ano bang meron sa school ninyo?" Nagtataka kong tanong. Because Estelle only said 'may program po kasi sa school.'

"May College Week Ball kami bro. Lahat ng nasa Medicine Department ay nandoon. School tradition kasi."

That explains Ford's tuxedo. I wonder what Bata looks like. Napasarap ang usapan namin ni Ford habang nag aantay kay Estelle. Actually ang ingay namin kasi tawa kami ng tawa.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon