ESTELLE~
Dali-dali ko namang inayos sarili ko at dahan dahang binuksan ang pinto. Sa kusina na ako dumaan at baka marinig pa ako nina mama. I opened the door at lumabas na walang ingay. I opened the gate slowly at lumabas, hinanap ko si Apollo.
Biglang umusok ang tenga ko sa nakita ko. There he was, kumakain ng balot! Taong to talaga oh! Halos himatayin na ako sa kaba dahil akala ko'y ano na nangyari sa kanya? May pa emergency emergency pa sya ha! Nilapitan ko sya at pilit kong inabot ang tenga nya at hinila ito.
"Alam mo ikaw, akala ko anong emergency pinagsasabi mo yun pala andito ka at lumalamon?" Inis kong sabi.
"Eh kasi ayaw mo lumabas, kaya nasabi ko yun. Sorry na Stelski. Gusto mo balot?" Sabi nya.
"Balot mo mukha mo! Babalik na ako sa loob at mag-aaral pa ako. Kung gusto mo ibagsak Finals mo pwede ba Apollo Pentecosa wag mo na akong idamay?" Sigaw ko sabay lakad palayo.
Hinabol nya ako at hinawakan sa pulso, "Sorry na kasi. Wag ka munang umalis. Just stay with me."
Just stay with me. Bakit parang iba ang dating sa akin nun. Aish, wala yun! I looked at him. Tingnan mo nga to, pag kailangan ka parang anghel ang itsura.
"Please?" Sabi nya sabay pacute.
"Ano ba kasi kailangan mo? Alas 7 na ng gabi oh." Sabi ko, "Alam ko na yan eh, basta ganito may pabor kang hihingiin eh."
"Wala naman." Sabi nya.
"Eh ano?" Galit kong sabi.
"Wala akong kasama sa bahay. Si daddy, may pinuntahang event ng mga co-bloggers nya. Wala na syang time sa akin. Kami na nga lang dalawa palagi pa akong iniiwan. I just need someone to talk to. I feel so alone at house. Andyan nga si Aling Tinay pero iba pa rin ang pakiramdam kapag kasama mo pamilya mo." Sabi nya.
Palagi nalang syang nagkakaganito. Naaawa na ako sa bestfriend ko. Dadamayan ko nalang to at bukas nalang ako mag-aaral. Pinakain nya ako ng balot pero ayaw ko. Naglakad-lakad nalang kami malapit sa bahay.
"Polski, okay ka na?" Tanong ko.
"Medyo. Salamat ha. Naabala pa kita sa pag-aaral mo." Sabi nya.
"Okay lang. Alam mo namang lakas ka sa akin. Pwede mo namang sbihin sa akin ng diretso na kailangan mo ng karamay. May pa emergency ka pang nalalaman." Natatawa kong sabi.
"Nahihiya ako. At baka ano pa isipin mo." Sabi nya sabay kamot sa ulo.
"Polski, bestfriend mo ako. I'll be there for you no matter what. Hindi ka na dapat nahihiya. Kapag nga umuutot ka kahit andyan ako eh hindi ka nahihiya, tapos kung may problema ka nahihiya ka. Baliktad ata takbo ng pag-uutak mo ano?" Sabi ko.
"HAHAHA. Ikaw talaga, ayaw ko lang makadagdag sa mga problema mo." Nahihiya nyang sabi.
"Hindi ka nakakadagdag okay? Kaya please wag ka nang mahiya." Sabi ko.
"Okay stelski." Sagot nya.
"Promises?" Tanong ko.
"Promises." Sabi nya sabay ngiti.
Ayan nanaman yang ngiti nyang yan, nawawala ang mga mata. Why so cute bestfriend? We were walking when biglang umambon. Nagmamadali kaming naghanap ng masisilungan pero nasa open place kami kaya walang masilungan at nababasa na kami. Habang tumatakbo kami may paparating na van, and then it stopped. Binuksan ang bintana. And guess what?
"Estelle?" Gulat na sabi ni Koleen, "Sakay kayo, lumalakas na ang ulan oh."
Agad na naming sinunggaban at sumakay agad. Nung nasa loob na kami I looked at Apollo, ang laki ng ngiti nya. He can't stop staring at Koleen. I don't know why but I felt sad. Inayos ni Apollo ang buhok nya, still his eyes hasn't left on Koleen.
"Stelski, pakilala mo naman ako kay Koleen. Ito na yung chance ko. And you have to help me. Please." Pabulong nya at nagpapuppy eyes pa ang mokong.
Kahit labag sa aking kalooban, tinawag ko si Koleen at kinausap ko muna sandali to lighten up the mood.
"Koleen, this is Apollo. My bestfriend." Sabi ko kay Koleen.
"Hi Apollo. Nice meeting you." Sabi nya at sabay inextend ang kamay para makpag shake hands.
Para namang nabuhay ang katawang lupa ni Apollo at sobrang laki ng ngiti, abot na nga sa tenga nya at ang mata nya hindi mo na talaga makikita. They shake hands. They were just like that for a minute or so.
"Ehem." Sabi ko.
"Ah-eh ang cute mo naman Apollo, nawawala mata mo kapag nakasmile ka." Sabi ni Koleen.
"Talaga? Salamat. Ikaw din, ang ganda mo." Nahihiyang sabi ni Apollo.
At yun, tuloy-tuloy na pag-uusap nila. Hello? Another person here? Yoohoo? Grabe, kinalimutan na ako ng bestfriend ko. Ang saya-saya nya habang kausap si Koleen. Never seen him smile like that. His eyes are smiling too. Dumating na kami sa bahay nina Koleen. Bumaba na kami.
"Ah sige Koleen, salamat sa pagpapasakay sa amin ha? Aalis na kami ni Apollo." Sabi ko.
"Ha? Aalis na kayo? Let's talk muna sa loob. 8:00 pa lang naman oh. Cmon guys." Sabi ni Koleen.
"Mag-aaral pa kami. May quiz kami tomorrow eh." Palusot ka.
"Ay, ganon ba." Lungkot na sabi ni Koleen.
"Tapos na akong mag-aral! If gusto mo Koleen tayong dalawa nalang mag-usap. Okay lang sayo?" Biglang sabi ni Apollo.
For real Apollo?! Uunahin mo pa sya kesa sa pag-aaral mo? At uunahin mo pa sya sa akin? Wow talaga ha. Pinandilatan ko sya ng mata and he just smiled, a kinky smile. And looked at me like dont-be-a-KJ look. Asar talaga ang taong to!!!!
"Really? Okay lang naman. Bored kasi ako. Wala akong magawa pagpasok ko sa loob. Eh paano si Estelle?" Sabi ni Koleen.
"Okay lang yan sa kanya. Mag-aaral pa sya. Grade conscious eh. Diba Stelski?" Sabi ni Apollo.
Sasama na sana ako kaso sinisenyasan ako ni Apollo na umuwi na daw ako. And I can see on his face ang pagmamakaawa. It was the first time na tinaboy ako ni Apollo para sa babae, he don't even go near girls. But now, I can't believe he's doing this to me. Sumasakit loob ko. My bestfriend is pushing me away.
I fake a smile, "I'll have to study pa talaga Koleen, baka wala akong masagot bukas. You and Apollo should go. Wag kang mag-alala, enjoy kausap yan. At mabait. Sumbong mo sa akin kapag may ginawang kalokohan." Sabi ko.
"Sure ka Stel?" Paninigurado ni Koleen.
I nodded. Koleen waved and said goodbye. And there they are, papasok na sa loob, pinauna ni Apollo si Koleen at tumakbo sya sa akin.
"Stelski, you're the best!" Sabi nya.
He hugged me, at binitawan ako. Tumakbo na sya papasok kela Koleen at paalis na sana ako ng bigla nya akong tinawag, he smiled again, Apollo's genuine smile. And then he said,
"Thank you."
BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
RandomLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...