TWELVE

512 14 0
                                        

ESTELLE~

Wala pa rin ako sa mood. Masakit pa rin loob ko kay Apollo. Ngayon na ang libing ng asawa ni Sir Arvin. Pero sya bahala dyan edi I'll attend all by myself. Hindi naman siguro ako mamamatay kapag hindi ko sya nakasama. But I'll admit, namimiss ko ang pangit na yun.

Aattend muna ako ng first class ko since 10am pa naman ang mass ng asawa ni Sir Arvin. Papunta na ako ng room ng makasalubong ko si Apollo, tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Hay nako. Nagkunwari akong may kinukuha sa bag ko. Lumapit sya sa akin.

"Good morning Stelski." Sabi nya.

Tinignan ko sya. Mukhang sabog ang mukha nya. Eyebags nya lumaki, ang buhok nya ang gulo, at sobrang tamlay nya. I just smiled at him and nodded. After that I excused myself kasi I'll have to attend our class. He just smiled, a sad smile to be exact. Pumasok na ako sa room at umupo sa seat ko. Binasa ko muna sandali mga notes ko before dumating prof namin. Maya maya our prof arrived at napansin kong wala pa si Apollo. I looked at the clock its already 7:48am. He always arrive kasi 7:40am. Nakakapanibago. Saan kaya sya? Engot talaga yun. Nagcucut na sya ng class, and to think ngayong Finals pa. I want to text him because Im starting to be worried. Kinuha ko phone ko and texted him, I was about to send it when I changed my mind. Naisip ko na bahala sya dyan. Malaki na sya para malaman ang tama at mali hindi sa lahat ng oras kailangan ko syang iremind.

Natapos na ang 1st class namin pero no sign of Apollo. I looked for him around our building pero wala talaga. So I decided just to go home. Pagkauwi ko humiga muna ako sandali at bigla akong dinalaw ng antok so I alarmed my phone and go to sleep.

*BUZZ! BUZZ! BUZZ!*

Bumangon na ako and I take a bath. I put on my clothes, a white dress and my favorite flat shoes. Nagpaalam na ako sa parents ko at umalis na. Dumiretso na ako sa simbahan. Lumilingon lingon ako baka sakaling makita ko si Apollo. Maya maya nagsimula na ang mass at hinahanap ko pa rin sya pero mukhang wala pa rin. Hay nako.

Nung communion, pabalik na ako sa inuupuan ko nang makita ko si Apollo na lumilinya. Saan sya nakaupo? Bakit di ko sya nakit. Hay ewan. He smiled at me and nagsmile nalang din ako. Naupo na ako hanggang inaantay na matapos ang misa. After the mass, lumapit sa akin si Apollo.

"Hey there. How are you na ba? Im sorry ulit. Im giving you space muna para hindi ka na magalit sa akin. Okay ka na ba now? Are we good na ba?" He asked.

"Oo naman. Im okay na. Pero tayo? Maybe. Alam mo kasi Apollo, minsan nakakapagod ding maging bestfriend mo." Sabi ko at ngumiti.

"Ganon ba. Sige, hindi ka pa nga siguro okay." Sabi nya at umalis.

Dumiretso na kami sa sementeryo. After na mailibing ang asawa ni Sir Arvin, niyaya akong umuwi ni Apollo pero sabi ko na mamaya na ako gusto ko pang magpahangin. Nakinig naman, buti naman. Naglakad lakad ako nang may mapansin akong familiar na guy na nagsisindi ng kandila, nilapitan ko sya.

"K-kuya Tanda?" Sabi ko.

Nakita ko sa puntod ang nakalagay na pangalan is, "Marisse Torres". Nagulat sya nang makita nya ako. He smiled at me. Tinanong ko sya kung okay lang bang tumabi ako sa kanya at pumayag naman. So I sat beside him. Tahimik lang ako, Im waiting him to say something.

"We met each other three years ago. Sa isang acoustic bar. She was a singer, just like you. The first I saw her I knew there was something special on her. Nagantay ako for her sa labas hanggang matapos ang gig nya. Ayun, after a long wait natapos na din. I approached her and she gave me a puzzled look. Nagpakilala ako and alam mo ano nangyari?" Sabi nya.

"Hindi ko alam. Hihi. Joke lang po. Ano din?" Sabi ko while laughing.

"Bata talaga ewan ko sayo HAHA. She said 'good to know. I have to go. Bye.' and never been in my life na nasnob ako ng ganun. And that makes ne like her, I go to that resto every Saturday because that is the day that she sings there. And Im always waiting for her to finish her gig and nagpapakilala ako ulit at palagi nya rin akong sinasnob until sinabi ko sa sarili ko na last na ito and so I tried again, for the last time. And to my luck she talked to me properly. And then it all started. We became good friends. I dont know why but I fell in love with her. And nung August 28, 2012, a day before her birthday, I made a surprise for her, we went to Tagaytay and we tried the Sky Ranch. Nang makasakay na kami, I told my friend na gawin na yung plan namin."

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon