ESTELLE~
"Bakit ka ba nagpapaulan ha?" Bigla nyang sabi, "Baka magkasakit ka nyan."
Nakatingin lang ako sa kanya. Ang lakas ng bugso ng ulan pero wala akong pakealam. Nothing can compares to the way he make me feel, butterflies come close everytime he's around, I guess. Nakatingin pa rin ako sa kanya, it's like the whole wide world stopped. Falling in love is like looking at the stars. If you pick one out of the billions at tititigan mo ito ng matagal, maglalaho na sa paningin mo ang iba.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Someone told me kanina na kapag nahihirapan kang magdesisyon, you disregard everything and just mind where your heart wants you to be. And unexpectedly, my heart leads me here." He smiled at me.
Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong napangiti ng napalaki. Sobrang saya sa feeling. Love is really unexpectable, "So dito nalang ba tayo o magpapasilong?" Bigla nyang tanong.
Agad kaming tumakbo papunta kela Apollo, "D-Danny?" Sabay na sabi ni Apollo at Josh, "Anong ginagawa mo dito?"
Napatingin ako sa kanya, oo nga, bakit sya andito? Sasama ba sya? "Ummmm, sobrang nakakapanibago to sa akin pero gusto kong sumama sa inyo sa Manila. I had my life back there and it's time na para harapin ko ito." Seryoso nyang sagot.
I smiled at him, "Mabuti naman at nagbago na ang isip mo." Sabi ko.
Ngumiti sya sa akin, "Oo naman, I don't want to miss any moments wi-" Naudlot ang kanyang mga sasabihin nang tawagin kami ni Mr. Francisco, "Halina kayo!" At sumakay na kami sa barge.
"Danny? Are you coming with us?" Tanong ni Mr. Francisco sa kanya.
"O-opo." Sagot naman nya while looking at me.
"Mabuti naman iho pumayag ka rin. Sigurado akong mapapabilis ang paggaling mo." Masayang sabi ni Mr. Francisco.
Tumango sya at ngumiti. Salamat talaga at sumama sya. Now things are getting better. Akala ko mawawala nanaman sya sa akin. I'm just really glad he's here.
"Ako na dadala ng mga gamit mo Estelle." Rinig kong sabi ni Polski at Kuya Tanda, sabay nanaman sila. Haaaay nako.
"Ako na pare, nakakahiya naman at ikaw pa ang dadala." Sabi ni Apollo.
"Okay lang pare, ako na. Mas nakakahiya para sa akin. Ako na nga ang sasama, hindi pa ako makakatulong." Singit naman ni Kuya Tanda.
Nakatingin lang ako sa kanila habang nagpipigil ng tawa. Ang cute talaga nila tignan, parang mga bata. Kailan kaya to titigil sa kakaaway?
"Tara na liit? Ang gulo ng dalawang to." Biglang singit ni Josh.
Napatingin ako sa kanya at hawak hawak nya na ang mga bagahe ko, napatawa na lamang ako, "Ako na dadala neto para manahimik na ang dalawang yan. Tara na, iwan na natin sila. Susunod din yan." Sabi nya sabay kindat sa akin.
Sumunod na ako sa kanya at napatingin ako kela Apollo at Danny, talo pa rin sila ng talo. Lalo akong napatawa. Napansin nila na wala na kami at hinanap nila. Nakita nila kami na nasa barge na at pinagtatawanan sila. Sabay silang napakunot ng noo at dali daling tumakbo papasok ng barge.
"Stelski naman. Bakit mo kami iniwan?" Sabi ni Apollo habang kamot kamot ulo nya.
"Wag ako ang sisihin nyo." Nagpipigil na tawa kong sabi.
"Eh sino?" Sabay nanaman nilang sabi, nagkatinginan at agad namang umiwas ng tingin sa isa't isa.
"Ehem.." At napalingon naman kami kay Josh.

BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
RandomLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...