DANNY~
Lumingon ako, and I saw her face. She is simply beautiful. Nagtatampo ako kanina pero biglang nawala ang lahat ng makita ko syang ngumiti. Hindi ako nakasagot agad, bigla syang tumabi sa akin.
"Joke lang yun Tanda. What are you doing here?" Tanong nya.
Napatingin ako sa kanya, "Nagpapahangin lang." Sagot ko.
"Hmmmm ganon ba? Do you love stars too?" Bigla nyang tanong, nakatingin sa langit.
"Oo, ang ganda kasi tignan, lalo na kapag madami sila." Sagot ko.
"Kaya nga. You know what Tanda? Napakaimportante sa akin ang stars. Lahat nalang ata ng naiisip ko eh stars ang nakakaalam, naniniwala din kasi ako na andyan lang si God palagi kasama ang mga stars, and when there's a falling star, si God ang may gawa nyan." Nakangiti nyang sabi, nakatingin pa rin sa langit.
Pabigla bigla naman ang taong to, napaka poetic. Nakakatuwa. The world is a scary place but somehow when I'm with her, it doesn't feel so bad. I've never felt this happy before, yung wala naman kayong ginagawa pero kontento ka na. I want to say thank you to her for putting this smile on my face. I hope I have the guts to make her realize it.
"Ikaw Tanda? Gusto mo din ba ang falling stars?" Bigla nya nanamang tanong.
"Oo naman." Sagot ko, but she's waiting na may sasabihin pa ako, "Kasi bigla bigla nalang lilitaw ang falling stars, it makes me realize na there's more to come in your life when you know how to wait." Sagot ko naman habang nakatingin sa langit.
♪♬ You don't have to search no more
Cause I am someone who will love you for sure. ♪♬"Sana may dumaang falling star." Sabi ni Estelle.
Naisip ko na kapag may dadaang falling star, ibig sabihin eh sya na nga ang para sa akin. Wala lang, katuwaan lang naman. Malay natin may dumaan nga, pero imposible, hindi ganon kadami ang mga stars ngayon eh. I know na hindi naman talaga neto maaapektuhan ang mga pwedeng mangyari sa future pero I just want to see if may chance ba talaga. I would consider it as a sign.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"May iwiwish kasi ako." Sagot nya.
"Ano din?" Nagtataka kong tanong.
"Syempre secret na yun." Tumingin sya sa akin, "For the past years, sa lahat ng falling star na makikita ko, yun at yun pa rin ang wish ko. At hindi ako titigil sa pag asa na balang araw mangyayari din yun." Masaya nyang sabi.
At ako naman, eto, nakatingin lang sa kanya. You just can't get enough of looking at her. Ang ganda talaga. And everything she says, galing talaga sa kanyang puso and she means every single word of it. Out of nowhere, biglang may dumaan na falling star, napangiti ako. Sobrang unexpected! I was not expecting that! Biro biro ko lang naman yun pero meron nga! Sa mga oras na ito, naniniwala na nga talaga ako sa signs! This is so amazing!
"Kitams! Sabi k-" Naudlot ang mga sasabihin sana ni Estelle nang bigla kong kurutin ang magkabilang pisngi nya. I really can't hide it anymore. Ang saya saya ko!
Napalakas ata ito dahil hinaplos haplos nya ang kanyang pisngi, "Ano bang nangyari sayo Tanda at bigla ka nalang nagkaganyan?" Taka nyang tanong.
Napangiti ako lalo, "Wala lang. You know, ang saya pala sa pakiramdam kapag may nangyari sayong magandang bagay na hindi mo inaasahan." Masaya kong sabi.
"Sobrang saya." Sagot naman nya, and her eyes shines so bright, "I once experienced that. And promise, hindi na ako nakarecover."
APOLLO~

BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
AcakLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...