SIXTEEN

481 18 2
                                        

ESTELLE~

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH LOLA!!! AYAW KO NA!!!!! TULUNGAN NYO AKOOOO!"

Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang sigaw. Teka, si Apollo yun ah? Dali dali akong bumangon at pumunta sa kusina para magmumog at lumabas ng bahay. And I saw whats happening. Hinahabol ng mga pabo si Apollo. Tama talaga ako, sya ang mahuhuling magising. Bestfriend's instinct ikanga.

"Stelski!!!!! Help me!! Bakit nakatingin ka lang dyan!?!?!" Sigaw nya.

Natawa ako, "Ginusto mo yan, diba sabi ni Lola na dapat maagang magising? Magdusa ka. Hahahahahahaha." Sabi ko.

He just pouted. Halos mangiyak ngiyak na sya nang pinakalma na ni Lola ang mga pabo. Nang matanto nya na wala nang humahabol sa kanya, nahiga sya sa damuhan.

"Ew Polski. Bakit ka nahiga dyan? May mga dumi dyan ng manok!" Sabi ko habang tumatawa.

"Anak ng! Bakit hindi mo sinabi habang papahiga pa lang ako! Naman oh!" Napalundag sya.

"Ang arte arte mo talaga. Akala mo gwapo eh pangit naman. Hahahahahahahahahahahaha. Malinis yan dyan." Pang aasar ko.

"Ah ganon? Ang aga aga pa ako na ang nakita mong pagtripan." Sabi nya habang papalapit sa akin.

Alam ko kung ano ang gagawin nya. Alam na alam ko ang move na to ni Apollo eh, inunahan ko na sya at tumakbo na ako palayo. Hinabol nya ako. See? Hindi talaga ako nagkamali. Naghabulan kami at papalabas na ako ng gate ng mabangga ko ang isang matipunong pangangatawan.

"Oh bata! Watch out!" Sigaw ni Kuya Tanda at nasalo ako.

Wow. Haba ng hair ng lola nyo te. Kanina hinahabol ako ng gwapong lalake at ngayon nasalo ako ng isang machong papi. Mhhhmmm. Heaven! Pero joke lang! Hihi.

Agad akong umayos kasi napaka awkward. Nagdidilig kasi si Kuya Tanda, hindi ko napansin kasi nga hinahabol ako ni apollo. Nakita ko na paparating si Apollo at nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha nya. Lalapitan ko sana sya nang,

"Oh bata, halika sa loob. Nabasa ka oh. Let's get you clean. Ang aga aga nagtatatakbo ka na." Sabi nya.

Sumama nalang ako kay Kuya Tanda bilang respeto. Nang nilingon ko si Apollo, he has that dissapointed look on his face. He was looking at me na parang nagsasabi na puntahan ko sya. Nakakapanlumo, gusto ko sana syang lapitan kaso ayaw gumalaw ng paa ko. I was too late, lumabas nalang sya ng gate at naglakad palayo hanggang sa hindi ko na sya nakita. Bakit ganon nalang palagi reaction nya kapag kasama ko si Kuya Tanda, kung hindi galit ay malungkot naman. Ewan ko. Hinayaan ko nalang muna sya at sumama nalang ako kay kuya Tanda.

"Why are you running ba kasi bata?"tanong ni Kuya Tanda habang pinupunasan ang kamay at mukha ko.

"Hinahabol kasi ako ni Apollo Kuya Tanda. Eh hindi kita nakita kaya ayun. " sagot ko.

"Next time be careful okay?" Tumayo sya at hinug ako.

"Opo Kuya Tanda." And I hugged him too.

"Woah! Amoy kalye ka bata!! You take a bath na doon." Natatawa nyang sabi.

"Wow Kuya Tanda conyo? Hahahahahaha" Pang aasar ko.

"Conyo ka dyan. Iniiba mo ang topic. Maligo ka na nga doon. Amoy Edsa ka na. Hahahahahahaha" ganti nya.

I rolled my eyes, "Oo na po Tandang Danny." At pumasok na sa kwarto.

Inamoy ko sarili ko. Aba, amoy kalye na nga ako. Ew Estelle. Naligo na ako at nagbihis. Nang pagkalabas ko nakita ko si Apollo na papasok ng bahay at mukhang pawis na pawis. Tiningnan nya lang ako at naglakad papasok sa kwarto nila. Pumasok ako doon.

"Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ko.

"Ang hot kasi ng kasama ko dito." Natatawa nyang sabi.

"Ikaw! Puro ka kalokohan!"

"Feel mo din?" At hinubad nya tshirt nya, "Syempre, nag jogging ako!!" Hinagis nya ito sa mukha ko.

Walang hiyang lalakeng to! Saktong sakto talaga na lumanding sa mukha ko tshirt nya. Pero infairness, ang bango bango pa rin kahit puro pawis na. Nakakahiya naman sa part ko. Ang bango bango nya.

"Hoy bastos! Lakas loob mag topless akala mo may abs! Eh puro fats lang naman! Ew." Sigaw ko.

"Anong fats?! Hoy ms. Gacal, may abs to kaso pinoprotect ko lang to ng fats baka mas marami pang mainlove sa akin."

"Anong mainlove?! Bakit meron ba?! Gwapong gwapo ka sa sarili mo ah?"

"Oo naman! Bakit sino bang nagsabi na hindi ako gwapo!?"

"Ako! Ang pangit mo kaya!"

Inilapit nya mukha nya sa akin at tiningnan ako sa mata, "Hindi ba?"

Hindi ako makasagot. Sa isip ko gusto ko nang gumalaw at umiwas ng tingin pero may pumipigil sa akin. Ang hot nya, may tumutulo pang pawis sa mukha nya tapos ang mga mata napakaliit na ang cute cute! Napakalinis ng mukha nya, parang wala kang pores na makikita.

"Bakit ka umalis kanina?" Bigla kong tanong.

"Ayaw kong makadistorbo sa moment nyo ng Danny na yun eh. Nakita mo lang sya inichapwera mo na ako." Seryosong sabi nya at umiwas na sya ng tingin.

"Got ya bestfriend, deny all you want." Sinuot na ang tshirt nya, "but we both know na nag aagree kang gwapo talaga ako." Change topic sya and he winks.

Natulala pa rin ako, hindi dahil sa mukha nya kundi sa sagot nya sa tanong ko. Totoo nga ba? Na inichapwera ko sya? Hindi naman ah. Hindi lang talaga ako makatanggi kay Kuya Tanda. Pero naremember ko ang sinabi nya bago bago lang. Asar tong lalakeng to. Napaka simpatiko! Porke ang gwapo nya! Bago pa ako makareact ay hinila na nya ako papalabas ng room. Pag labas namin,

"Bata! Tingnan mo sino ang dumating!" Sabi ni Kuya Ford.

Lumabas kami at nakita ko na papasok ng gate si Tricia, ang napaka flirty kong pinsan. OMG, this is not good. Marami nang nagbago sa kanya. Pumayat sya, pumuti at ang ganda ganda na.

"Hi cous!!!!!!!" Sigaw ni Tricia at niyakap ako.

"Ah eh h-hello c-cous." Sabi ko at nagfake ng smile.

"OMG. Sino tong pogilets na kasama mo now?" Sabi nya while looking at Apollo, sabi ko na nga ba.

"Bestfriend ko cous. Si Apollo. Apollo this is Tricia my cousin." Pinakilala ko sila sa isat isa at nag shake hands sila.

Tinawag na kami ni Lola sa loob ng bahay at pumasok na kami.

"Cous, ang gwapo much ng bestfriend mo. Super crush ko sya. You help me na maging close kami ha? Thank you so much cous, lavyu!" Bulong ni Tricia.

OMG, this is not really good.

The One For Me (For EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon