CHAPTER - 1

83.7K 1.5K 123
                                    

(A/N): This story is a work of fiction : Names, Chararcters, Places and incidents are products of my imagination. Any resemblance to actual events, places or person, living or dead, is entirely coincidental.

• LEXIS •

PRINCE CHARMING - Handsome and romantic, a foil to the heroine, and are seldom deeply characterized, or even distinguishable from other such men who marry the heroine. In many variants, they can be viewed more as rewards for the heroine rather than characters. - [WIKIPEDIA]

Nagtatakaka padin ako bakit napaka daming tao ang patuloy na naniniwala sa idea ng Prince Charming. Hindi ba napaka exaggerated na ng character nila sa kahit na anong love stories. Like for example si Snow White at si Aurora ng Sleeping Beauty na meet lang naman nila yung Prince Charming nila noong nahalikan na sila tapos ang ending nagka jowa na sila. 

Lagi nalang pa bida ang mga gwapong character sa mga love stories ngayon, kahit saan mo tignan mapa libro man o teleserye lagi nalang hindi makatotohanan yung character nila, in real life hindi naman talaga sila nag e-exist lalo na sa panahon ngayon. Base on my assessment pag may mga ganyang ka gwapong lalaki ngayon ganito yan.


70% ng mga lalaki - Babaero/ Manloloko at Nanakit.

20% ng mga lalaki - Kapwa Lalaki narin ang hanap. at

10% ng mga lalaki - ganyan lang ka onti ang seryoso.

Kaya kung umaasa kang may happy ending good luck sayo at syempre lalong mas good luck sakin. Dahil kung babae ka you still have a better chance na mag karoon ng Love life sa 10% na yun, while me dahil sa kabilang ako sa kakaibang mundo plus the fact na hindi pa ko good looking . Mukang mahihirapan akong mag ka LOVE LIFE , kahit nga yung sa 20% na mga hindi straight na lalaki malabong mag ka gusto sakin.

Kaya siguro I better prepare my self na tumandang single at mamatay na virgin. Masakit man at malungkot isipin pero parang doon talaga papunta ang buhay ko. I can say na hindi naman ako panget, sabihin nalang nating boring ako yung tipong hindi magaling pumorma , tahimik at laging may hawak na libro and guess what kung anong libro ang mga binabasa ko?

Sa kasamaang palad LOVE STORIES ang mga binabasa ko, ini - imagine ko kase na ako yung bidang babae at someday may prinsipeng hahalik sakin para magising sa isang masamang panaginip,pero mukang ako ata ang dapat gumising dahil kung mangyari man yun siguro masamang panaginip yun.

Mas ginusto ko lang talagang maging ganito siguro. Yung walang nakaka kilala sayo sa school , yung walang magulo, walang makaka pansin sa mga ginagawa mo basta tahimik na buhay lang yung tipong kahit mag ka mali ka hindi nila mapapansin kase nga para sa kanila hindi ka nag e-exist at pabor sakin ang lahat ng to last year ko na ngayun sa high school at kung papalarin ako gaga-graduate ako ng payapa .

Nasa ganun akong pag isip ng may nag salita sa harap ko "Bawal mag overtime sa library Mr. Lexis Colton, 5:00 pm na at nandito kapa buti sana kung nag aaral ka. " nagulat naman ako na kilala ko ng librarian namin.

"Pano nyo po ako nakilala? " takang tanong ko dito, seryoso niya kong tinignan sa muka. Sa expression ng muka niya halatang naba badtrip na siya sakin yung tingin na nag iisip kaba?

"Kung nag aaral ka talaga hindi mo itatanong sakin yan. " iritableng sabi niya sakin, lumapit siya sakin at may hinila sa leeg ko. " kung estudyante ka siguradong meron kang I.D at kung ako sayo lumabas kana dito bago pa mag init ang ulo ko sayo. " pasigaw niyang sabi.

Hinila ko naman ang bag ko sa lamesa at agad agad lumabas ng Library, katakot naman si Mam akala mo isang timba kung reglahin lakas maka machine gun ng bunganga eh! Masama nabang mag basa ngayon. Nag lalakad na ko para umuwi at ngayon ko napagtanto kung bakit ganon kagalit si Mam. Librarian sakin, halos pawala na ang liwanag nang araw at parang ako nalang ang estudyanteng nandito sa school siguro inaantay niya kong matapos at ng mapansin naka tanga nalang ako lumapit na siya para ipaalam sakin na may bukas pa haha.

Naramdam kong naiihi na ko kaya nag decide akong pumunta sa pinaka malapit na banyo para umihi pero sarado to , lakad takbo naman akong lumipat sa kabilang banyo pero sa kasamaang palad sarado din to. Hindi ko na kayang pigilan ang ihi ko kaya wala na kong choice, tumakbo na ko papunta sa Varsity Room ng Basketball Team minsan kase na late narin akong umuwi at naihi narin ako dun, same scenario kung baga doon ako naki CR at walang tao dun kaya dun narin ako pupunta.

Nang makarating ako dahan dahan kong binuksan ang pinto, muka namang walang tao kaya dumiretso na ko sa banyo. Bago ko pumasok sa may toilet area narinig kong bukas yung shower." Ayy naku iniwan nanamang bukas ang shower pasaway talaga." banggit ko, kaya pagkatapos kong umihi pumunta ako sa shower area para patayin yung shower.

Pag hila ko ng kurtina laking gulat ko na may tao sa loob na naliligo napaatras ako ng lakad, kinabahan ako bigla patay hindi nanaman ako nag isip . Hindi ko napansin na may upuan pala sa likod ko at dahil sa pag atras ko natumba to, lumikha ito nang ingay at mas nataranta naman ako narinig yun ng lalaki .

Pag lingon nung lalaking naliligo nagulat siya sakin. " WHAT THE FUCK! " galit na sigaw niya.

I'M D-E-A-D!!

END OF CHAPTER - 1
VOTE AND COMMENT
VERON SO

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon