CHAPTER - 30

15.3K 506 102
                                    

LEXIS

Sabi nila pag mahal mo hindi mo susukuan,pag mahal mo ipaglalaban mo. Kaya ito ako ngayon nag titiis at patuloy na lumalaban, hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan kasi habang lumalaban ako yung taong pinag lalaban ko hindi na ko kayang tignan sa paraang kung ano kami dati.

Isang Lingo na ang naka lipas, hindi ako umalis dito sa bahay nila Prince. Nandito ako at paulit ulit na humihingi sa kanya ng pagkakataon para lang mapaliwanag ko sa kanya ang lahat lahat. Pero paulit ulit niyang pinaparamdam sakin na tapos na,na wala ng chance. Ang sakit mga bess.

Pumapasok parin ako sa school at dahil sa kumalat na video hindi na naubos ang pang bu-bully sakin ng mga tao. Nandyan yung babatuhin nila ko. O kaya sasabunutan. Tapos sisigawan na malandi,maduming tao, meron pa yung dadalhin ka nila sa isang sulok at pag tutulungan pati si Roy hindi padin natapos yung mga pag papahirap niya sakin.

Buti nalang nandyan si Mitch at Rocky sila yung hindi ako iniiwan para lang wag na kong masaktan, si Prince alam niyang lahat ng to! Minsan nga nakita niya kong hinila ni Roy nang hingi ako ng tulong sa kanya pero dinaanan niya lang ako at ang masakit pa may kasama siyang babae.

Wala na nga sakin yung pang bu-bully ng mga tao kahit yung pa nanakit sakin ni Roy tanggap na ng katawan ko yun manhid na ko kumbaga pero alam nyo kung ano yung masakit yung ngayon.

Nandito ako sa bahay at inaantay si Prince na umuwi, gabing gabi na pero wala parin siya. Kahit naman wala na siyang pake sakin gusto ko paring bigyan siya ng pagkakataon dito sa puso ko. Hindi naman nagbabago yung nararamdaman ko sa kanya kahit sobrang sakit ng ginagawa niya sakin.

Naka upo ako sa sofa nang biglang bumukas ang pinto, tatayo na sana ako ng biglang pumasok si Prince at Valerie at ang mas kinagulat ko ang makitang nag hahalikan sila sa harap ko. Halos madurog ang puso ko sa nakikita ko ngayon.

Gusto kong magalit, gusto kong mag wala pero mas ramdam kong gusto kunang mamatay kasi yung sakit na nararamdaman ko ngayon ganun nayung katumbas. Napatigil lang sila nang mapansin nilang nandito ako.

"Babe una na ko sa kwarto mo huh!" banggit ni Valerie kay Prince sabay akyat papuntang kwarto.

"Nandyan ka pala" cold na banggit ni Prince sakin.

Tumayo naman ako at lumapit dito. "Ahh Oo inaantay kasi kita." sagot ko dito pinipigilan kong wag humagulgol nang iyak. " Naluto ko na yung dinner mo. Na prepare ko narin yung uniform mo para bukas tsaka pala " Hindi kuna napagilang mapaiyak. " baka ito nayung huling gabi ko dito." banggit ko dito.

"Ahhh okay!" sagot lang nito sakin.

"Uhmmm nasasaktan ako!" banggit ko dito. Hinawakan ko siya sa muka wala siyang reaksyon. "Alam ko galit ka sakin at alam kong hindi muna ko gustong pakinggan hindi nadin ako magpapaliwanag sayo gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita at kaya ako aalis kasi nasasaktan na ko ng sobra. Gusto kong lumaban Prince gustong gusto, pero ikaw sumuko kana! Siguro hanggang dito nalang to. Tapusin na natin." banggit ko dito.

"Kasalanan mo kasi niloko mo ko." Galit na banggit nito sakin.

Binigyan ko siya nang isang mapait na ngiti. " Hindi kita niloko. Sadyang hindi mo lang ako binigyan ng pagkakataon para masabi sayo yung totoong nangyari. Pero para san pa? Diba? " sagot ko dito.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon