CHAPTER - 44

13.5K 370 28
                                    

PRINCE

Ang hirap nang mga nakaraang araw, hindi ko alam kung pano ko sasabihin kay Lexis ang totoo. Pano ko siya ipagtatanggol kung sakaling dumating kami sa punto nang kinakatakutan ko. I can't lose him again isipin ko lang yun parang mababaliw na ko sa sakit sa dibdib. Ayaw ko din namang mag sinungaling sa kanya kaso pag sinabi ko naman sa kanya sobrang takot ang mararamdaman niya. Kaya sobra akong nasasaktan sa ideyang makikita ko siyang takot na takot.

Nung mga nakaraang araw madalas kaming magtalo dahil lagi niya kong kinukulit na gusto na niya daw lumipat ng bahay, na gusto niyang mamasyal, mag gala. Sawang sawa na daw siyang naka kulong . Lagi ko nalang dinadahilan na kailangan niya pang mag pagaling para pag okay na siya magagawa na niya lahat ng gusto niya.

Wala paring progress sa investigation.Hindi parin nila matukoy kung sino yung pwedeng gumawa nun. Nakakatakot mang isipin na buhay pa ang gagong yun sisiguraduhin kong hindi na niya masasaktan si Lexis. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na saktan ulit yung taong mahal ko! kung kailangan kong ikulong si Lexis sa kwarto niya wag lang siyang lumabas o tumakas gagawin ko.

Nalulungkot lang akong makita siyang hindi masaya, lately kasi ang tamlay niya tapos parang lagi siyang walang gana. 2 days akong hindi nag paramdam sa kanya, I want to suprise him on a date. Medyo matagal yung preparation kasi I really want to make sure na dun kami sa lugar na safe at kaming dalawa lang. Hindi ko alam kung matutuwa siya o hindi. Alam ko din na galit sakin yun kasi hindi ako sumasagot sa mga calls and messages niya sakin. I want this to be perfect.

Gusto ko talagang i-suprise siya kaso pagdating ko sa bahay nila Aries mas nagulat pa ata ako dun sa ka-cutetan na ginawa niya. He pull off a prank but it didn't work nakaka tuwa lang yung reaction niya. I love how innocent he is, maybe isa yun sa mga rason kong bakit ako na inlove sa kanya. He chaged me from a bad Prince to a good one and became a handsome Prince Charming. Tsk.

Naka upo kami ngayon sa bed niya tahimik lang kaming pareho, kanina kasi after niyang mag palambing (yung pag iinarte niya yun) we ended up kissing. Kung hindi niya lang ako tinulak baka may baby na kami hahaha Hanggang ngayon kasi namumula parin yung muka niya.

" Tara sama ka sakin. " tanong ko dito

" San naman tayo pupunta?" tanong nito sakin obvious na excited tsk. kating kati gumala hahaha.

"Sa kusina mag meryenda hindi mo ba ko papakainin sige ka baka ikaw kainin ko grrr..." tumatawang baggit ko dito.

Tumahimik naman to at sumimangot sabay hinampas ako ng unan. " Umuwi ka na nga lang, pupunta kalang pala dito para makikain. Ang yaman yaman niyo tapos dito ka makiki kain. " banggit nito sakin.

" Pano kong sabihin kong kaya ako nandito kasi yayain sana kitang mamasyal? Kaso ganyan ka naman pala, parang meryenda lang ayaw mo pa kong bigya--n" nabulol naman ako dahil nagulat ako ng bigla akong halikan sa labi ni Lexis mabilis lang yun pero natulala talaga ko. Hindi kasi siya ganyan, most of the time kasi ako yung mas eager na mag kiss kami. Kaya pag ganyan siya lagi akong nagugulat.

"Okay sige gagawan na kita ng Tuna sandwich mo. Lalabas tayo huh walang bawian wait mo ko diyan . Thank you Lab." banggit nito sakin. Niyakap pa ko nito bago lumabas nang kwarto pakanta kanta pa to tapos tumatalon talon palabas ng kwarto halatang happy haha sana ma enjoy niya yung suprise ko. Hindi ko maiwasang mapa ngiti. I really loved seeing him happy.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon