• LEXIS •
Nagising ako ng mapansin kong madilim na sa loob ng aking kwarto napa upo ako at muli kong naramdaman ang lungkot ng muli kong maalala ang nangyari kanina. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras alas onse na pala ng gabi. Haissstttt ramdam ko ang bigat ng mga mata ko dahil sa walang pag tigil na pag iyak na naka tulugan ko nalang sa sobrang pagod.
Tumayo ako para pumunta sa kusina, pagbukas ko ng pinto laking gulat ko na nadun si Prince tulog na nakaupo sa tapat ng kwarto ko. Isasara kuna sana ulit pero nagising ito at ng mapansin ako nito agad agad itong tumayo at lumapit sakin pero bago pa siya makalapit sakin ay aktong isasara ko ang pinto pero napigilan ako nito.
"Kausapin mo naman ako." Malungkot na banggit nito sakin.
Pero hindi ako sumagot. Tinignan ko lang siya na parang blanko walang emosyon walang kahit na ano.
"PLEASE." banggit ulit nito sakin.
"Wala tayong dapat pag----" sagot ko dito pero hindi ko natapos nang yakapin ako nito bigla ng mahigpit.
"Sorry! Hindi naman yun yung ibig kong sabihin eh! Gusto ko lang naman na maging matapang ka para sa sarili mo! Nasasaktan lang akong makita na minamaliit ka ng ibang tao. Hindi mo naman kailangan mag hanap nang taong magtatanggol sayo. Nandito ako kaya kong gawin yun para sayo, sorry na please." Banggit nito sakin.
Nag umpisa nanamang tumulo ang luha ko, habang nakayakap siya sakin. Nang medyo kumalma na ko ay inalis na nito ang pag kakayakap sakin tapos pinunasan nito ang mga luha sa muka ko gamit ang kamay niya. "Wag kanang umiyak please, nasasaktan ako ng sobra pag nakikita kong umiiyak ka! Lalo na pag alam kong ako yung dahilan kung bakit umiiyak ka pakiramdam ko lagi nalang kitang nasasaktan. Sorry na please." Malungkot na banggit nito sakin.
Hindi naman na ko galit sa kanya! Pero dahil sa nasaktan talaga ako kanina feeling ko hindi pa ko ready makipag usap sa kaniya. Kaya tinitigan ko lang ito naawa naman ako sa itsura nito. Hindi ko manlang naisip na baka nag aalala lang siya sakin, pakiramdam ko kasi kanina pinag tutulungan ako ng lahat ng tao kaya pati siya nadamay kuna. Nagulat nalang ako ng marinig kong kumulo ang tiyan nito. Napayuko naman ito sabay malungkot na nag walk out.
"San ka pupunta?" Seryosong tanong ko dito.
Huminto naman to at dahan dahan na lumingon saakin. "Aakyat na ko, hindi nalang muna kita kukulitin baka lalo kalang magalit." Malungkot na banggit nito sabay aktong lalakad ulit.
"Magluluto ako tara kumain tayo!" Masungit na banggit ko dito.
"Wag na baka mawalan kapa ng gana pag kaharap mo kong kumain. Tsaka galit kapadin sakin" Paawang banggit nito.
Bobo din ehh! Hindi paba obvious na ok. na ko! Na hindi na ko galit.! Hahakban nanaman sana to kaya sa asar ko sinigawan ko ito. " Isang hakbang pa! Hindi na nga ko galit diba! Niyaya na nga kita! Pag nag inarte kapa hiinding hindi na talaga kita kakausapin tandaan mo yan. "
Bigla naman tong napahinto sabay lingon sakin. " Hindi kana galit?" Ngiting asong tanong nito saakin.
"Pag hindi mo ko sinamahang kumain! Magagalit ako sayo! " pabebeng banggit ko dito.
Tuwang tuwa naman na lumapit to sakin sabay aktong yayakap sakin pero napigilan ko ito. " oppsss? Napapadalas yakap natin brad ahh! Napapansin mo?" Pang aalaska ko dito.
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo