CHAPTER - 4

32.8K 1K 27
                                    

LEXIS

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko, first time kong matulog na puno ng sama ng loob. Grabe yung bigat ng dibdib ko dahil sa pinag sasabe sakin ng demonyong yun. Hayyy naku sa tuwing maiisip ko yun nababadtrip lang ako.

Bumangon naman na ako at nag tungo sa banyo para mag hilamos bago ko bumaba, pag labas ko ng kwarto naabutan ko ang demonyong nag aabang sa tapat ng pinto ko.

"Good Morning poop." nang aasar na banggit nito sakin.

Badtripp ang lakas talaga ng tama sa utak netong halimaw na to, ang aga aga nag uumpisa na agad. Hindi ko naman siya pinansin at diretso lang akong nag lakad pababa, pero bago pa ko makahakbang sa hagdan hinila ako nito sa braso.

"Kinakausap kita! Wag kang bastos." galit na banggit nito sakin.

Kinakausap daw, samantalang tawagin ba naman akong tae, normal bayun sino kayang bastos samin dalawa abnormal talaga eh! Pero tinitigan ko na lang siya, diretso sa mga mata niya. Parang nailang naman siya sa ginawa ko kaya binitawan na niya ko.

"Mag luto ka ng Almusal nagugutom na ko, bago ko bumaba dapat luto nayun, bilisan mo huh! Ayoko ng mabagal tapos pagkatapos mong magluto maligo kana papasok pa tayo." masungit na banggit nito sakin. Tapos umalis na to at nag tungo na pabalik sa kanyang kwarto.

So pinandigan na talaga niyang katulong niya ko, haissttttt kailangan kunang masanay na magiging ganito na ang takbo ng buhay ko. Iisipin ko nalang na nagtatrabaho na talaga ko at yung kikitain ko yun yung gagamitin ko pag nag college ako.

Dumiretso na ko sa kusina para mag handa ng almusal, habang nagluluto ako nagulat nalang ako ng makita kong may malaking aso sa likod ko na papalapit sakin. Kinabahan naman ako dahil ang laki talaga nito at kumpara sa katawan ko siguradong durog ako dito, palapit na ito ng palapit sakin at kada lapit nito sakin paatras naman ako ng paatras.

Naramdaman ko ang pader sa likod ko at mas lalo akong kinabahan, bigla naman tumakbo nang mabilis ang aso papalapit sakin. Napa pikit naman ako at napa upo halos mahimatay ako sa takot tapos sunod ko nalang na naramdaman ay dinidilaan na ko neto.
Malambing naman pala ang aso nila dito grabe sobrang natakot ako.

Tumayo naman na ko at lumapit sa niluluto ko dahil malapit na itong matapos, tapos sumunod naman yung aso sakin. " buti kapa, kahit muka kang nakakatakot kabaliktaran naman ng ugali mo ang itsura mo." banggit ko sa aso, tumahol naman to na parang naiintindihan ako.

"ahhhh oo yung amo mo? Naku! Gwapo sana kaso napaka halimaw ng ugali.!" banggit ko ulit dito.

"Alam kong gwapo ko at hindi muna kailangang sabihin yun, buti naman alam mong halimaw ako." asar na banggit nito.

Hindi naman ako naka imik, hindi ko manlang napansin na dumating na pala siya, ang nakaka bwiset pa natulala pa ko sa pag lingon ko sa kanya. Bat ba kase ang gwapo ng halimaw na to.

"Wag kang tumunganga dyan, tikman mo tong niluto mo." asar parin nitong banggit sakin.

"Tinikman kuna yan, wag kang mag alala." mataray na sagot ko dito.

"Basta tikman mo. " galit na utos nito.

Bwisettt talagang lalaking to! " Hindi kita lalasunin wag kang mag alala, kahit gustong gusto kong gawin sayo yun wag kang mag alala may konsensya naman ako." asar na sagot ko dito.

"Yun naman pala ehh! Edi tikman muna." nang aasar na sagot nito sakin.

Sa sobrang badtrip at asar ko dito sinunod ko nalang yung gusto niya, tinikman ko sa harap niya yung pagkaing niluto ko.

"Ano masaya kana." asar na banggit ko dito.

"Ayoko nayan may lason nayan may laway muna, bigay mo nalang kay chammy para hindi masayang. " tapos umalis na ulit to.

Badtrip. Grrrrrrrrrr. Ang sarap mag mura grabe! Pikon na pikon na ko sa ugali nang halimaw na to buti nalang umalis na siya agad kung hindi baka nabato ko yung plato sa muka niya.

*****************************************

Nandito na ko sa gate nag aantay sa kanya para pumasok, pero ang mokong ang tagal lumabas. Halos 30 min. din akong nag antay sa kanya bago siya lumabas. Pag lapit nito sakin halos mapapa nganga ako sa itsura nito, napaka gwapo kasi ng halimaw na to! haisssttt.. " Kuhain mo nga yung bag ko sa kwarto ko nakalimutan kong kuhain. " banggit nito sakin.

Nakalimutan mo ba talaga o pinagtitripan mo lang ako banggit ko sa isip ko, alam ko naman kase na pag sumagot pa ako magiging halimaw nanaman ito. Kaya naman nag lakad na ko papasok ng bigla naman akong pigilan nito. " Pipe kaba? bigla bigla kanalang umaalis hindi ka manlang sumasagot huh! " singhal nito sakin.

Abnormal talaga tong lalaking to! hindi ko na maintindihan kung anong dapat kong gawin wag lang tong topakin. " Hindi na ko sumagot kase baka isipin mo nag rereklamo ako! " mahinahon na sagot ko dito.

"ehh! bakit sumagot kapa ngayun! huh! huh! " asar na banggit nito.

GRrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr. sarap mag mura bakit ba naman kase ako napadpad sa bahay nato! Huminga lang ako ng malalim tapos iniwan kuna siya dun at pumasok sa loob ng bahay para kuhain yung bag niya pag baba ko naman wala na siya dun pwede nabang mabaliw feeling ko mababaliw na ko ehh! Pag punta ko sa school nakita ko siya sa gate kasama mga tropa niya inaantay ata ako o etchosera lang ako. Pagkakita nito sakin agad itong lumapit at hinila yung bag niya sa kamay ko agad naman itong umalis na wala manlang sabi sabi.

Napatingin naman ako sa isa sa mga tropa niya na kanina pa ata nakatingin sakin. Naka ngiti lang ito tapos biglang kumindat parang nailang naman ako sa ginagawa nito kaya napa yuko ako at umalis nalang doon at pumasok na sa room ko. Siguro abnormal yung mga magbabarkadang yun kaya magkaka sundo sila. Buong araw ko namang hindi nakita ang halihaw kaya sobrang pasasalamat ko na natahimik ang buong araw ko pero sigurado pag uwi ko mamaya aatake nanaman ito.

Kasalukuyan akong nasa canteen ng may tumabi sakin at may dala siyang mga pagkain napatingin ako dito at laking gulat nang makilala ko ito. " Hi? I'm Rocky?" naka ngiting pag papakilala nito sakin.

"Diba kaibigan ka ni Prince? " tanong ko dito. umoo lang to at patuloy na naka ngiti parin sakin.

"Baka naman may inutos siya sayo at may gagawin kang prank sakin! hay nako please wag ngayun pwede bang tantanan nyu muna ko." dire-diretsong banggit ko dito. Natawa naman to na lalong kinagulat ko.

Gwapo naman si Rocky muka siyang model kase yung bone structure niya sa muka pak na pak tapos ang ganda pa ng ipin niya ang puti puti tapos ang pula pa ng labi sarap halikan haiistt. Landi lang.

" Nope! Wala akong gagawin sayo, gusto ko lang sumabay kumain wala na kasing ibang pwesto!" natatawang banggit nito sakin.

Napalingon naman ako sa paligid ko at kitang kita kong punong puno nga ang canteen, napahiya naman ako dun napaka assuming ko masyado. Kaya tumayo nalang ako at umalis nalang dun pero bago ko maka alis may sinabi pa ito.

" Lexis! see yah later. " banggit nito sakin sabay kindat. Bat alam niya pangalan ko hindi naman kami close.

End of Chapter - 4
Vote and Comment

🥀VERON SO🥀

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon