CHAPTER - 37

12.5K 462 104
                                    

PRINCE

No! Hindi totoo yun. Hindi ako dapat maniwala agad kailangan ko ng pruweba. Hindi ako naniniwalang wala na siya hanggang hindi ko siya nakikita ng harap harapan. Ayokong isipin na wala na siya kasi ngayon palang parang gusto kunang sumunod sa kanya.

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at sinubukan ko siyang tawagan ulit. Please Lexis answer your phone don't do this to me. Naka ilang tawag na ko pero wala akong sagot na nakuha na lalong nag pabigat sa nararamdaman ko. Shit shit! No Lexis. I can't lose you. Umiiyak na banggit ko sa sarili ko.

Lablab you promised na uuwi ka. Susunduin pa nga kita diba? Pero ano to? Panaginip lang ba to? Sana panaginip lang to. Please Lab wake me up. I hate this kind of joke. I close my eyes kasabay nito ang paglitaw ng muka niya habang suot ang pinaka maganda niyang ngiti.

Kinuha ko ang susi ng motor ko. No! hindi ako susuko,panghahawakan ko yung pangako mo. Palabas na sana ako ng bahay ng biglang bumukas ang pinto at iluwa nito si Rocky at Mitch parehong namamaga ang mga mata nila. Binigyan nila ko ng isang pilit na ngiti. "KUNG SUMUKO NA KAYO PWES AKO HINDI PA! HINDI AKO PWEDENG SUMUKO! HINDI KO SUSUKAN SI LEXIS. ALAM KO MAHIRAP PERO HANGGANG HINDI KO SIYA NAKIKITA HINDI AKO PWEDENG SUMUKO!" banggit ko sa kanila habang umiiyak. "KASI MAHAL NA MAHAL KO SIYA AT KAPAG MAHAL MO DAPAT ILALABAN MO HANGGANG HULI." humahagulgol na iyak ko.

Bumigay nadin si Mitch at hindi na napigilang umiyak. Alam ko sinubukang niya lang magpaka tatag pero hindi niya kaya kasi yung bestfriend niya yung pinag uusapan dito.

"Naiintindihan ka namin Brad. Kung gusto mo sumabay kana samin pumunta dun mas mabilis tayo kung sa sasakyan nalang tayo. Tsaka isa pa sa kundisyon mo ngayon malabong maka pag drive ka ng maayos. Papunta narin dun ngayon ang parents ni Lexis." banggit ni Rocky sakin.

***************************

Tahimik lang ako habang nasa byahe kami. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag dasal. Tanging panalangin nalang ang pinang hahawakan ko ngayon. Tuwing naiisip ko na wala na siya sobra akong nasasaktan. Tapos pag naiisip ko pa yung posibleng dahilan kung bakit siya nawala hindi ko maiwasang mapamura.

Nung dumating kami sa location kung saan nangyari yung aksidente makikita mo na maraming tao at nagkaka gulo sila. Tapos makaka rinig karin ng mga nag iiyakan na mas lalong nagpa kaba sakin. Haisssttt please stop! Hindi kuna inantay na ma Park yung sasakyan agad agad akong bumaba at pinuntahan yung kumpulan ng mga tao dun ko din nakita sila Tito at Tita.

Pag kakita nila sakin agad akong niyakap ni Tita. " Prince ang anak ko. Si Lexis Jusko bakit ganito." umiiyak na banggit sakin ni Tita. Pinakalma ko naman to agad pagkatapos nun ay tinignan ko si Tito.

"Wala pa Prince hindi pa nakukuha lahat ng bangkay. Tatawagin nalang daw tayo pag okay na ang lahat." Seryosong banggit ni Tito. Makikita mong nilalakasan niya lang yung loob niya para hindi panghinaan si Tita. Pero alam kong mahal na mahal nito si Lexis. Tinanggap niya yung anak niya kahit na alam niya na iba ito sa isang normal na lalaki kaya alam kong sobrang mahirap sa kanila itong nangyayari ngayon.

Makalipas ang mahabang oras nang pag aantay ay may lumapit na lalaki saming mga pamilya ng mga nabiktima ng aksidente. "Maari niyo napong lapitan ang mga biktima. Pero gusto lang po naming sabihin na maghanda kayo sa mga makikita niyo. Hindi po namin alam kung sakto po bang nakuha ang lahat kasi po yung ibang pasahero naputol ang mga katawan at iba pang bahagi ng katawan. Meron naman pong mga nasunog ng sobra gawa ng pagsabog. Lubos po kaming nakikiramay sa inyong lahat." malungkot na banggit ng lalaki bago ito umalis

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon