CHAPTER - 41

12.8K 434 39
                                    

PRINCE

Nandito kami ngayon ni Lexis sa bahay ni Aries siya yung Doctor na nag save kay Lexis dun sa aksidenteng nangyari sa kanya a year ago. Kakalabas ko lang ng C.R dahil pinaligo ako ni Lexis dahil naulanan ako kanina. Pag lapit ko dito pinunasan agad ako nito ng tuyong towel sa buhok tapos kinuha sa kama yung short at white tshirt na susuutin ko. Halata sa itsura at kilos nito na natataranta siya kaya ang ginawa ko nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. Nagulat to pero hinayaan niya nalang ako.

"Hoyyy ano bang ginagawa mo? Magbihis ka kaya muna baka lamigin ka niyan." malambing na banggit nito sakin. Nandito kasi kami sa kwarto niya tapos naka bukas pa yung aircon.

"Hayaan mo lang akong yakapin ka. Gusto ko lang maka siguro kong totoo naba to at hindi isang panaginip. Tsaka pano naman ako lalamigin alam mo namang sa tuwing katabi kita lagi akong nag iinit." banggit ko dito. Napangiti naman to.

"Ano kaba totoo na to!" natatawang banggit nito sakin.

"alam ko Lab natatakot lang akong baka mawala ka nanaman. Atlis Pag yakap kita alam kong nandito kalang sa tabi ko. Kahit nga pumikit natatakot nadin ako ehh baka pag pumikit ako tapos pag mulat ko wala kana pakiramdam ko mababaliw ako sa sobrang takot. " malungkot na banggit ko dito.

"Sshhhh. Wag kanang matakot nandito na ko. Totoo lahat to. Hindi na kita iiwan. Kung magkakalayo man ulit tayo promise ko sayo na babalik at babalik parin ako sayo." naka ngiting banggit nito sakin.

Gumaan naman yung nararamdaman ko dahil sa sinabi nito " eh bakit parang natataranta kang kumilos? May problema ba Lex?" tanong ko dito.

"Ahh yun ba? Kasi pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sayo. Ang laki din ng pagkukulang ko sayo dun sa mga panahong nawala ako." malungkot na banggit nito, umalis siya sa pagakakayap sakin tapos umupo siya sa kama. " Iniisip ko yung mga panahong nagising na ko tapos hindi ko manlang kayo kinausap kaagad. Hindi manlang ako nag effort na tawagan o hanapin kayo. Una kailangan ko munang mag palakas pangalawa nawalan ako ng lakas ng loob pano kung hindi kayo maniwalang ako to! Pano kung pagbalik ko may iba kana! Kakayanin ko ba? Ang dami kong takot. " umiiyak na banggit nito sakin.

Lumapit naman ako dito at lumuhod sa harap niya. Pinunasan ko yung luha niya. " Kaya nga gusto kong bumawi sayo Prince. Pasensya kana kung ang obvious ko masyado. Gusto ko lang kasi bumawi para wag mong isiping wala na kong kwenta sayo. Para sana wag mo kong palitan kagaya nung nakita ko. " umiiyak paring banggit nito sakin.

" Ano kaba hinding hindi kita ipag papalit sa iba. Sorry nung nakita mo ko sobrang nasasaktan pa ko nun sa pagkawala mo. Kaya madalas ako sa lugar nayun nung nakita mo kong may kasama ako hindi ko talaga kilala yung babaeng yung lasing ako tapos nilapitan niya lang ako. Hindi mo nadin ata nakita yung pag iwas ko sa kanya. " banggit ko naman dito sabay punas sa luha niya.

"Thank you Prince. Thank you kasi hindi ka bumitaw thank you kasi hindi mo ko sinukuan. " banggit nito sakin.

"I will never do that Lab. Diba nag promise ako." banggit ko dito.

Nagka titigan kami nito, nilapit ko ang muka ko dito habang naka upo siya at naka luhod ako. Magka dikit na ang noo namin. " I love you lab " banggit ko dito.

Hinawakan naman nito ang magkabilang pisngi ko. " I love you too my Prince. " naka ngiting banggit nito sakin. Pinutol kuna ang pagitan ng aming mga labi. Napapikit kaming dalawa. It was a passionate kiss walang halong lust. Pareho kaming napangiti pagkatapos ng tagpong yun.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon