CHAPTER - 35

14.7K 466 62
                                    


LEXIS

Our date went well puro masasayang bagay lang ang ginawa namin ni Prince like naglaro kami ng games tapos nag foodtrip kami mga ganun lang naman siya kasimple, yung mga normal na ginagawa ng mga nag di-date but what makes it special is because of him. As long as na siya yung kasama ko okay na ko dun sobrang masaya na ko dun.

Last trip namin is manuod ng sine magka holding hands kami ni Prince habang papunta sa sinehan ito kasi yung gusto niya. Kagaya kanina nagalit siya kasi bakit daw inaalis ko yung kamay niyang naka hawak sakin. Tsk. Kinakahiya ko daw ba siya! Abnormal. Naiilang lang ako sa mga tao kasi diba ako ganito talaga ko pero siya diba hindi naman ehh! Kaya kesa magalit siya hinayaan ko nalang.

Nasa malapit na kami sa bilihan ng ticket nang may mag salita sa likod namin. "Tignan mo nga naman! diba Brad may sakit ka?" nakangising banggit ni Rocky samin kasama nito si Mitch na ganun din kung maka tingin.

"Huh? Magaling na ko kanina lang!" sagot ni Prince sabay akbay nito sakin.

"Ahhhh pano kayo naging magkasama? Diba busy si Lexis kanina. Tapos ang sinabihan namin na mag bantay sayo eh si ---" banggit ni Mitch na pinutol ko kaagad.

"Kung nakita ko silang dalawa kanina sisiguraduhin kong mapuputulan na ng Junjun si Prince para wala ng makikinabang sa kanya! Subukan niya lang lumandi!" Asar na sagot ko dito.

"Tsk. Tsk. Patay ka Brad behave kana malungkot ang buhay pag walang junjun." natatawang banggit ni Rocky.

"So kayo na ulit?" tanong ni Mitch.

"Kami lang talaga! Kami lang ang para sa isa't-isa." banggit ni Prince dito. Naka ngiti pa itong tumingin sakin na sobrang nangungusap yung mga mata. Haissttt ❤

"Okay okay tama na landian since nandito na tayo at magkakasama tayo. Isa nalang panoodin natin so anong sa inyo.?" Tanong ni Rocky samin.

"Hmmmmm yung Action nalang." banggit ni Prince.

"Sige dun nadin kami." banggit naman ni Rocky.

"Hephep! Ayoko ng Action Romance nalang." sagot naman ni Mitch napakamot ulo naman si Rocky.

"Oo yung kay Daniel at Kath." banggit ko sa kanila. Sabay pa kaming kinilig ni Mitch.

"May lovestory din naman yun kahit action" banggit ni Rocky.

"Oo nga parang ganun din yun." sagot naman ni Prince.

Napasimangot naman kami ni Mitch. "Okay sige ganito nalang since action ang gusto niyo kayo nalang magkasama ni Prince tapos kami naman ni Lexis? Fair naman yun diba tropa kayo ganun din kami so wala namang problema diba? Yun lang choice nyo! Magkasama kayo o sasama kayo samin.?" mataray na banggit ni Mitch sa dalawa.

"Sige na bili na kayo ng Ticket antayin namin kayo dito." banggit ko naman. So umalis yung dalawa para bumili ng ticket at pagkain.

"Kunyari pang ayaw kanina nung nabanggit namin yung pangalan nung malandi agad agad mo din naman palang pinuntahan si Prince. Maharot kadin eh!" pang aasar sakin ni Mitch.

"Gaga. Alam mo naman na mahal ko siya ehh! Kahit naba napaka gago niyan sakin yun yung isang bagay na hinding hindi mawawala o magbabago yung pagmamahal ko sa kanya. Ikaw din naman diba pagkatapos ng mga ginawa sayo ni Rocky andyan kaparin mahal mo parin siya." banggit ko dito.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon