• LEXIS •
Ilang araw na ang lumipas simula nung nagkita ulit kami nila Mama at Papa. Napaka higpit naman kasi ni Prince ayaw niya kong payagang dumalaw sa kanila. Kung maka arte akala mo mag asawa na kami. Para namang sobrang malala yung sakit ko samantalang okay na okay naman na ko.
Feeling ko tuloy preso akong naka kulong dito. Tapos nung tinawagan ko mga magulang ko napagalitan pa ko sabi ba naman sakin makinig nalang daw ako haissstt tapos pag si Mitch naman kausap ko niyaya kong gumala. Nilalayo naman nito yung usapan tapos busy daw siya maraming ginagawa ganun.
Pinag awayan na nga namin ni Prince yun ehh!! Pano napikon alam ko hindi niya sinasadya ang kulit ko lang kasi talaga sabi ko kasi sa kanya :
"Pag hindi mo ko pinayagan lumabas tatakas ako!" pang aasar ko dito. Sumeryoso naman to at galit na sinagot ako!
"BAKIT BA ANG KULIT KULIT MO! Para sayo naman tong ginagawa ko! Natatakot lang ako na pag lumabas ka masaktan ka." sabot nito sakin.
"Bakit naman ako masasaktan! Para namang may papatay sakin diyan sa labas. Bata ba ko para hindi mag ingat" naluluhang sagot ko din dito. Lumapit naman to sakin at niyakap ako.
"sorry lab, hindi naman sa ganun. Natatakot lang akong masaktan ka tapos mawala ka sakin ulit. Hindi kuna kakayanin pag nangyari ulit yun." sagot nito sakin. Naramdaman ko namang nababasa ang braso ko. Alam kong umiiyak si Prince ngayon. Ang sakit pala makakita ng lalaking umiiyak ramdam kong totoong natatakot siya pero pinapakita niya saking matatag siya.
Akala naman nila hindi ko alam yung totoo! Ilang bases kuna ba silang nahuling pinag uusapan yun. Kung takot na takot sila dun sa hinala nila pano pa ko diba? Kaya nga ayaw nilang sabihin sakin ehh kaso alam kuna. Unang bases kong nalaman nung narinig kong pinag uusapan nila yun ni Aries sa Veranda.
Nagtago lang ako kaya akala nila hindi ko alam. Pangalawa is yung sa bahay nila Prince nauna akong pumasok sa bahay may tumawag kasi sa phone ni Mitch, pero nung narinig kong papasok na siya sa loob ng bahay kunyari inantay ko siya. Haiiisstt.
Ayaw ko namang mabuhay sa takot. Naiintindihan ko sila kung bakit nag aalala sila ng ganyan. Pano pala kung hindi naman ako yung target tapos nanahimik na yung demonyong gumawa nun samin? Edi muka kong tangang naka kulong dito. Kaya hindi ko rin sinasabi sa kanila na alam kuna kasi baka mas lalo silang maparanoid kaya behave nalang ako.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko dito padin sa bahay nila Aries. Kanina pa tumatawag si Prince pero hindi ko siya pinapansin aba dalawang araw siyang walang paramdam. Sobrang dami ko ding text and call sa kanya pero hindi niya ko pinansin tapos ngayon mag e-expext siyang kakausapin ko siya tsk.
Tapos nag text siya
-Lab pupuntahan kita ngayon diyan.
-Lab anong gawa mo?
-Lab busy ka?
-Lab sagutin mo tawag ko?
-Lab sorry na 😭
- Lab?
-LAB?
-Labyu ❤
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo