• LEXIS •
So far normal pa naman ang lahat, hindi kuna ulit nakita si Roy at wala pa naman siyang ginagawa na pwede kong ikatakot o ikapahamak namin ni Prince plus wala pa namang mga babaitang nagkukumahog na patayin ako dahil nalaman nilang boyfriend kuna ang bad boy nato. at Please lang sana wag kuna sanang makita si Roy o kaya sana mawala na yung galit niya samin lalo na sakin. Iniisip ko palang kasi na sasaktan niya si Prince nababaliw na agad ako haisssttt. Kahit ako nalang yung saktan niya.
"Pssttt. Kain na Lablab." banggit sakin ni Prince nandito na kami sa bahay. Buti nalang naka uwi kami bago lumakas yung ulan.
"Bakit ang dami mong niluto? Anong meron?" nagtatakang tanong ko dito.
"Kasi...... " sagot nito sakin pero pabitin pa ang gago.
"BAKIT NGA!" sigaw ko dito.
"Kasi MAHAL KITA." banggit nito sakin na naka nguso pa! Tsk. Namula naman yung muka dahil sa sinabi nito haisssttt naka Tira nanaman ata to. Ang sakit ng dibdib ko. Lagi nalang niyang ginagawa to sakin Haissttt.
"Diba dapat ang sagot mo Mahal mo din ako. Haissttt" nagtatampong banggit nito sakin.
"Tsk. Mahal din kita, higit pa dyan sa iniisip mo kung gano kita ka mahal." Seryosong banggit ko dito.
Natahimik naman to at nginitian ako ng wagas. "Nilalandi mo ba ko? kasi kung oo payag ako." nakakalokong banggit nito sakin.
"Ginugutom mo ba ko? Kasi kung oo mamatay na ko." sagot ko dito. tsk. Babanat pa eh! Lumalamig nayung pagkain.
*************************************
"Lablab hindi na kita hahatid sa room mo huh! Maaga kasi practice namin ngayon tsaka hindi ko rin sure kung sabay tayong mag la-lunch Haissttt pero promise sabay tayong uuwi antayin mo ko huh." banggit nito sakin. Tapos niyakap ako ng mahigpit.
Tumango lang ako bilang tugon sa sinabi nito. Tapos umalis na siya at pumunta na ng gym. Naglalakad na ko papuntang building namin ng may biglang sumabay sa paglalakad ko.
"Hindi mo ata kasama ang gwardya mo. Tandaan mo delikadong mag isa." banggit ni Roy na kinataas ng balahibo ko at nag dulot ng sobrang kaba sa dibdib ko.
"Anong ibig sabihin mo?" kinakabahang tanong ko dito.
" Mamayang Lunch! Magkita tayo sa Rooftop! Subukan mo lang hindi sumunod alam muna kung anong mangyayari. " gigil na banggit nito sakin sabay walkout.
Nakaka stress pano to! Kinakabahan Ako sa kung anong pwedeng mangyari mamaya! Pupunta ba ko o hindi haisssttt baka mapahamak si Prince pag hindi ko siya sinunod. Pero pag sinunod ko naman siya pwede ding ako yung mapahamak.
After ng klase ko tulala parin ako lunch na pero nalilito parin ako kung tutuloy ba ko o hindi. Dalawa lang naman ang choice ko. Masasaktan at Mapapahamak si Prince o Ako haisssttt
"Lexis tara na mag lunch sabay na tayo" banggit sakin ni Mitch.
Pero hindi ko siya pinansin tulala parin ako at nag iisip. " hoyyyy Lex ano ba!?" sigaw nito sakin.
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo