• LEXIS •
Hindi ko maramdamang galit ako sa kanya. Oo nasaktan ako at patuloy paring nasasaktan, pero galit walang galit. Siguro ang kasalanan niya lang sakin eh! Yung hindi niya ko sinubukang pakinggan at pinaramdam niya sakin na wala siyang tiwala sakin.
Muka ba kong mabait? O MARTIR? 💔 tsk. Ganun lang siguro ko mag mahal. Alam mo yung kahit nasaktan kana pisikal at emosyonal, Okay lang kasi alam ko sa sarili ko na kaya ako nasaktan kasi ginawa ko yung bagay nayun para sa taong mahal ko.
Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit niya ko nilalayuan. Nabalitaan ko nga yung ginawa nya dun sa mga nanakit sakin Ehh! Pinarusahan na daw nito kaya ibig sabihin alam na niya yung totoo, pero bakit niya parin ako iniiwasan.
Mahal ko parin siya! Mahal na mahal. Ilang beses naba kong umasa na lalapitan niya ko ulit at sasabihing mahal niya padin ako. Ilang beses ko rin ba siyang muntikan ng maka salubong pero sa tuwing malapit na kami sa isa't-isa lumalayo siya.
Minsan nga gusto ko siyang habulin tapos sampalin nang malakas para naman maalog yung UTAK niya at malaman niyang mahal ko pa siya. O kaya naman pupuntahan ko siya o lalapitan tapos sasabihin ko sa kanya. "Oyy gago ka! Tang in* mo! Mahal kita!" pwede ba yun? Haissttt.
"Bakit kasi hindi mo lapitan? Subukan mo lang?" banggit ni Rocky. Na hindi ko alam kung san nang galing tsk.
"Bwiset ka! Bigla bigla kana lang nag sasalita dyan!" sagot ko naman dito.
"Pano mo ko mapapansin kung napaka lalim ng iniisip mo. Kung naglalakad kalang sa daan baka nabangga kana." natatawang banggit nito sakin.
"Baliw!" sagot ko lang dito.
"Seryoso Lex, ayaw mo ba siyang puntahan o lapitan o kausapin.?" banggit nito sakin.
Haisssttt seryoso din ba siya na dapat namin tong pag usapan! Napa tingin ako sa muka niya at mukang seryoso talaga siyang nag aantay sa sagot ko.
"Tsk. Ano kaba Rocky, kasi Ano ganito" sagot ko dito.
"Oo at hindi lang Lex." banggit nito sakin.
Haisssttt ang kulit! " Oo! Na! Oo! Gusto ko siyang puntahan gusto kong malaman niya na hindi ako nawala na nandito lang ako." Nag uumpisa ng bumigat ang nararamdaman ko. "Gusto ko din siyang lapitan tapos yayakapin ko siya ng sobrang higpit para maramdaman niyang walang nagbago." habang sinasabi ko to kay Rocky ay unti unti ng bumabagsak ang luha ko. " Gusto ko siyang maka usap para masabi kong mahal na mahal ko siya at Gusto ko ding malaman kung sakaling mahal niya padin ba ako. Para kung sakaling hindi na edi susuko na ko." umiiyak na banggit ko dito.
"Sshhhhh. Tahan na Lexis. Sorry kung pinilit pa kita. Nalulungkot lang kasi akong nakikita kayong nagkaka ganyan! Yung pareho kayong miserable. Yung pareho niyong gustong lapitan ang isat isa pero wala manlang naglalakas loob na lapitan yung isa. Haiiiissssssttttt hanggang kailan kayo magiging ganyan." Seryosong banggit nito sakin.
"Okay lang. baka hindi lang talaga siguro kami yung para sa isat isa. Kaya pati si tadhana suko na." sagot ko dito.
"Ibig sabihin sumusuko kana?" tanong nito sakin.
"Siya! SUMUKO NA SIYA!" sagot ko dito.
"Takot lang siya!" banggit nito sakin.
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo