CHAPTER - 13

30.6K 930 89
                                    

• LEXIS •

"Baka naman pwede mong bagalan ang pag da-drive!" Sarkastikong banggit ko dito. Pero hindi ako pinansin nito kaya mas lalo naman akong kinabahan.

" Ano ba Prince! Mahal ko pa ang buhay ko! Please bagalan mo baka bumangga tayo sa kung saan! Bagalan mo naman tsk." galit na banggit ko dito. Aba naman napaka bilis nitong mag drive akala mo wala kaming kasabayan na ibang sasakyan! Feeling sport car ang dina-drive niya. Para na kong aatakihin sa puso.

"Kung gusto munang mamatay, wag mo naman akong idamay! Marami pa kong pangarap sa buhay ko! Hindi kagaya mo walang pangarap!" Asar talong banggit ko pa dito.

Bigla naman tong nag preno ng malakas, halos mauntog naman ako dahil sa lakas ng pag preno nito." Ano ba talagang problema mo sakin huh! Napakasama talaga ng ugali mo! Hayop na to!" Galit na banggit ko dito.

"NANLILIGAW BA SAYO SI ROCKY? MAY GUSTO KABA SA KANYA?" Pag sigaw nito sakin.

Natulala naman ako sa sinabi nito at seryoso lang itong nag aantay ng isasagot ko. Ano daw? Anong pinag sasabi nito? Ako nililigawan ni Rocky? Baliw naba siya! IMPOSIBLENG MANGAYARI YUN at kung totoo man ano naman sa kanya? Tsaka pano naman napasok sa isip niya yun! Hindi ba pwedeng friends lang kami. Sasagot na sana ako ng bigla akong unahan nito.

"ANG BAGAL MONG SUMAGOT! EDI TOTOO NGA! " baggit nito sakin.

Pinaandar na nito ang sasakyan, naka tingin lang ako dito dahil seryoso nanaman itong nag da-drive. Bakit kaya niya natanong yun? Ano kayang problema nito. Tsaka adikkk ba siya bat naman ako liligawan ni Rocky! Eh! Sa gwapo nun halatang matinik yun sa babae kapareho niya! Tinotopak lang siguro to at ako nanaman ang napag tripan bwiset talaga.

Nagulat nalang ako ng pumasok kami sa parking lot ng isang kilalang mall. "Anong gagawin natin dito.? " nagtatakang tanong ko dito.

Pero hindi ako nito sinagot. Pag ka park niya ng kotse lumabas ito tapos pinagbuksan ako ng pinto. "Kung may bibilhin ka aantayin nalang kita dito." Banggit ko sa kanya! Abnormal ba siya pupunta pala kami sa mall hindi manlang ako pinag bihis ng maayos.

"Bumaba kana diyan wag kanang mag inarte! Hindi mo bagay!" iritableng banggit nito sakin.

"Hindi ako bababa! Tignan mo nga yang ayos mo! Ang gwapo gwapo mong tignan samantalang ako muka akong katulong mo." Seryosong banggit ko dito.

"So naga-gwapuhan ka sakin ganun?" Naka ngising banggit nito sakin.

Nataranta naman ako dahil wala akong maisip na isasagot dito Anak ng tokwa naman ohh!! " huh! Wala akong sinabing gwapo ka! Ang sabi ko maayos ang itsura mo kesa sakin." Pagbawi ko sa sinabi ko kanina weeew.

Sumimangot naman to at hinila ang kamay ko palabas ng sasakyan! " ano ba kasing problema mo huh!Bakit ba pinag titripan mo nanaman ako." Galit na banggit ko dito pero ang loko loko hinila ako papasok ng mall na hindi manlang sinasagot ang mga tanong ko sa kanya. Tsk. Tingin niya sakin manghuhula malay ko ba kung bakit niya ko dinala dito! Ano to aalilain nanaman niya ko dito niya ko ipapahiya sa mall sa mas maraming tao. Haiissttt napaka gulo naman ng lalaking to!

"Kung may problema kayo ng kaibigan mo! Wag mo naman akong idamay please lang!" Banggit ko dito habang hila hila niya parin ako.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon