• LEXIS •
Naka talikod parin siya at nakayakap parin ako sa kanya inabot din ng ilang minuto ang drama ko. Nagulat nalang ako ng mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko at tinanggal ang pagkaka yakap ko sa kanya.
Nanatili namang itong naka talikod kaya pakiramdam ko hindi niya nagustuhan yung ginawa kong pag yakap sa kanya Tsk. Bakit ko ba kasi siya niyakap, hindi nanaman ako nag isip ang weird tuloy sa pakiramdam. Baka lumaki pa ulo ng halimaw na to, isipin pataray taray pa ko chuchu tapos hahabulin ko rin naman siya
o baka iniisip niya na minamanyak ko nanaman siya tsk."Sorry hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng emosyon ko." Nahihiyang banggit ko dito habang nakayuko.
Nakita ko naman ang pag ikot ng mga paa nito kaya alam kong nakaharap na siya sakin, mas lalo naman akong naka ramdam ng hiya. Unti unti itong lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
Gulat na gulat ako sa ginawa niya, tsk. Abnormal ba siya? o abnormal na ko. Kasi pakiramdam ko sasabog na yung puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari, sobra sobra na akong naguguluhan. Hindi ko parin alam kung ano ang totoo! Haiissttt. Wag kang ganyan Prince.
Naka tagilid ang ulo ko sa bandang dibdib niya, ganun siya katangkad kesa sakin at rinig na rinig ko ang malakas na pag tibok ng puso niya. "Ba-bakit mo ko niyakap?" Parang tangang bulol na tanong ko dito.
"Bakit ikaw? Niyakap mo din naman ako ahh! Hindi naman ako nag reklamo." Nang aasar na banggit nito.
Aalisin kuna sana yung pagkakayakap niya ng mas higpitan niya pa to. " Nararamdaman mo ba?" Seryosong tanong nito sakin.
"Ang alin?" Nagtatakang sagot ko.
"Yung Puso ko" seryoso pading sagot nito
Hindi ko alam kung seryoso ba siya o bumabanat lang ehh! " Hindi ko maramdaman na seryoso yung puso mo. Natatakot akong baka naglalaro kalang." Malungkot na sagot ko dito.
"Alam mo ba na ngayon ko lang to naramdaman, ito yung unang beses na tumibok ang puso ko nang ganito kalakas at ganito kabilis. Pakiramdam ko aatakihin na ko sa puso parang nauubusan ako ng hangin at alam mo bang ikaw ang dahilan nito." Seryoso niyang banggit.
Kinilig naman ako sa sinabi nito buti nalang talaga at hindi niya ko nakikita ngayon kung hindi nako nakakahiya ng sobra makikita niyang sobrang namumula ang muka ko ngayon. Inalis na nito ang pagkakayakap sakin at dumistansiya naman ako ng kaunti.
"Hindi ka parin ba naniniwala?" Banggit sakin ni Prince.
Sasagot palang sana ko biglang may nag salita sa likod ko.
"Bakit naman siya maniniwala sayo?" Seryosong banggit ni Rocky.
Pareho kaming napalingon dito una nitong tinitigan si Prince at ramdam ko ang galit nito dito. Sunod naman itong tumingin sakin at mapait na ngumiti ito, nakaramdam naman ako ng lungkot dahil dito.
"Ohh? Bakit hindi ka maka sagot?" Naghahamong banggit ni Rocky.
"Ahhhh please wag kayong mag away! Hindi naman ako babae para pag awayan nyo? Tsaka muka namang hindi talaga seryoso si Prince at ikaw naman Rocky! Hindi ka naman nag sasabi kung ano man yang pinaglalaban mo. Kaya please lang wag kayong gumawa nang eksena dito." Seryosong banggit ko sa kanila. Taray diba ang ganda ko lang. Chosss ang scary na kasi ng mga itsura nila.
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo