CHAPTER - 10

32.2K 1.2K 77
                                    

• LEXIS •

What the!! Anong nangyari? Gulat na gulat ako sa ginawa ni Prince sakin! HINALIKAN niya ko.? HINALIKAN NIYA KO SA LABI KO! SA LABI KO PA TALAGA! HINDI NA KO VIRGIN! Wahhhhhh!!! LAGOT AKO SA SISTERET KONG SI MARIA CLARA! Baka tanggalin na niya ko sa asosasyon ng mga sinaunang birhen! Bakit ako pumayag na halikan ng isang demonyo! I mean gwapong demonyo!

Nakaka inis bakit siya ang FIRST KISS ko. Pinangako ko pa naman na sa First boyfriend ko mapupunta ang first kiss ko! Halos mangatog ang tuhod ko dahil magkalapat parin ang aming mga labi at parang may car racing lang sa puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

Tinulak ko naman to ng malakas, kitang kita ko sa itsura nito na sobra siyang nagulat sa ginawa ko at marahil nagulat din siya sa ginawa niya. Kupal pala siya ehh! Kasalanan niya to! Wag siyang umarteng para ako pa ngayon ang may gustong gusto sa nangyari!

"PROBLEMA MO BA! BAT NANUNULAK KA HUH! " asar na banggit nito sakin.

"BALIW KABA HUH! ALAM MO BA KUNG ANONG GINAWA MO! FIRST KISS KO YUN! BIG DEAL SAKIN YUN! NAKAKA PIKON KA NAMAN EHH! IBALIK MO ANG FIRST KISS KO! " asar talong sagot ko dito.

Umakto naman tong lalapit sakin at hahakikan ako kaya agad naman akong umiwas at tinakpan ng kamay ko ang aking bibig.

"Anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko dito.

"Sabi mo ibalik ko yung first kiss mo!" Pang aasar nito sakin.

" ewan ko sayo! Tsk. Maka alis na nga! " banggit ko dito.

Bigla naman akong hinawakan nito sa kamay na kinabigla ko. Mas kina bigla ko pa yung kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya papunta sa kamay ko na dumiretso sa puso ko ano yun? Alam mo yung pakiramdam na parang konektado kayo! Tsk. Ang weird!

"wag ka ngang umarte na parang ikaw pa yung lugi sa nangyari kanina! Una hindi ka babae! Pangalawa hindi kadin maganda buti nga nahalikan kapa! Ehh! Kesa naman namatay ka na hindi mo pa na experience mahalikan swerte kapadin kasi sa gwapo mo pa na experience!" Mayabang na banggit nito sakin.

Nak ng, todo build up siya sa sarili niya huh! Kapal ng muka. Sakit nun ahh! Sapul ako dun hindi na nga maganda hindi pa babae. Oucchhhhh! Naman chongg masyadong personal!

"Diba sinabi ko hindi ka aalis. HINDI MO BA KO NAINTINDIHAN? TAGALOG NAMAM YUN DIBA?" Galit na banggit nito sakin.

"NAINTINDIHAN KO! TINGIN MO SAKIN TANGA!" galit ding sagot ko dito.

"KUNG HINDI KA TANGA! BAT AALIS KAPADIN! " nang aasar na sagot nito sakin.

"MAS KATANGAHAN NAMAN SIGURONG PILIIN KO PANG MAG STAY DITO NA ALAM KO NAMANG PAPAHIRAPAN MO LANG AKO!. " sagot ko dito sabay kuha ng mga bag ko.

Nagulat nalang ako ng hilahin ako nito papasok ng bahay wala naman akong nagawa dahil mas malaki at mas malakas ito saakin.

"Arayyyy" sigaw kong naluluha! Ang sakit talaga shit. bigla nalang akong natumba dahil biglang kumirot yung pilay ko sa paa. Buti nalang maagap ito at nasalo ako kaagad para tuloy kaming magka yakap ngayon.

Napatitig naman kami sa isa't-isa. Hindi ko alam pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko dahil lang sa ganito kami kalapit sa isa't-isa. Hindi ko naman napigilang titigan ang ibat- ibang part ng muka nito simula sa mata nito pababa sa matangos na ilong hanggang sa kanyang mapupulang labi parang gusto ko tuloy ilapit ulit yung labi ko sa labi niya. Ayyyyy shit ano ba tong naiisip ko puro nalang ako kalandian pakiramdam ko tuloy nag init ang mga pisngi ko.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon