• LEXIS •
Pagbalik ko sa kwarto niya mahimbing na itong natutulog. Ginawa kunaman ang dapat kong gawin, pinunasan ko ang katawan nito ng maligamgam na tubig para bumaba ang sakit nito. Tapos pinalitan ko rin siya ng damit ng matapos ako ay tahimik lang ako umupo sa tabi nito.
Hinawakan ko to sa pisngi at hinalikan sa noo. "Hindi ko alam kung bakit ganito ang proseso ng pag mamahal! Diba dapat pag nasaktan ka tama na tigil na. Bakit ngayon heto ko, nandito ako sa tabi mo. Mahal kaparin ng buong buo na parang wala lang nangyari." mapait na banggit ko dito sabay ngiti.
Totoo naman kasi mahal ko pa talaga siya kahit alam kong sobrang sakit nung nangyari sakin ng dahil sa kanya. Hindi naman kasi agad agad na mawawala yun ehh! Hindi ko rin naman kasing pwedeng pilitin na kalimutan siya at ilayo yung sarili ko sa kanya. Alam kong pareho lang kaming masasaktan at mahihirapan.
"Mamahalin kita ng paulit ulit kahit saktan mo ko ng paulit ulit. Aalis lang ako sa tabi mo pag ikaw na mismo ang nag sabing ayaw muna at umalis na ko." naluluhang banggit ko dito. Napapikit nalang ako para maiwasan yung pagluha ko.
Nagulat nalang ako ng may nag punas nang luha ko. Gising na pala siya tapos naka ngiti siya sakin na ginantihan ko din ng isang ngiti.
"Kamusta na pakiramdam mo? Nagugutom kaba? Anong gusto mong pagkain lulutuan kita sabihin mo lang?" Natatarantang tanong ko dito.
"Ikaw" sagot nito sakin.
"Huh? Anong ikaw?" tanong ko dito. Nagulat nalang ako ng hilahin ako nito dahilan para mapahiga ako sa tabi niya at ang mas nang yanig sa puso ko nang bigla ako nitong sunggaban ng halik. Mainit nakakapaso ng puso. Ang sarap lang nang mapula at matamis niyang labi. Grabeeeee..
"Ikaw ang gusto ko. Thank you for staying. Thank you for loving me at the same time accepting my worse. Sorry kasi coward ako, sorry kasi nawalan ako ng trust sayo at nag padala ako sa emotions ko. I know hindi ako deserving sa pagmamahal mo pero please let me prove to you na handa akong mag bago. Mamahalin din kita ng paulit ulit pero hindi mangyayari yung aalis ka sa tabi ko dahil kahit kailan hindi ko sasabihin sayo yun." Seryosong banggit nito sakin. Sabay niyakap ako ng mahigpit.
Sana hindi to panaginip. natatakot akong maging masaya. Natatakot akong pag nandun nanaman ako sa ulap tapos mawalan nang gasolina bigla akong bumagsak tapos walang sasalo sakin.
"Wag kang matakot kahit si Tadhana walang magagawa. Pag hiwalayin niya man tayo babalik parin tayo sa isa't-isa. Kahit sa susunod na buhay pa natin sa future tayo paring dalawa." banggit nito sakin na akala mo narinig niya yung sinabi ko. Ngumiti lang ako bilang sagot.
"Pero seryoso Lablab ko. Bakit hindi mo sinabi sakin yung totoo." tanong nito sakin.
"Sasabihin ko sana kaso hindi mo ko gustong pakinggan!" sagot ko dito.
"Hindi yun. Yung tungkol kay Roy! Bakit tinago mo? Tingin mo ba hindi kita kayang ipaglaban?" tanong nito sakin.
" Alam kong kaya mo. Ang hindi ko kaya yung makita kang nasasaktan ng dahil lang sakin! Yun ang ayaw ko. " sagot ko dito.
"Anong lang? Hindi ka basta lang sa buhay ko Lexis. Correction Lablab walang lang! Ikaw si Lexis ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko at kung bakit may dahilan ako para Huminga. Yung ginawa mo sobra akong natakot gusto kong patayin si Roy! " sagot nito sakin.
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo