• LEXIS •
Tulala akong lumabas nang banyo. Medyo nanginginig padin ako sa takot! Hindi ako makapag isip ng gagawin ko. Ayokong mapahak si Prince nang dahil sakin! Haissttt Ano bang dapat kong gawin. Pumunta ako sa rooftop at dun nagpa lipas ng oras iyak lang ako ng iyak. Wala dapat maka alam ng nangyari! Kaya ko naman to tsaka malalagpasan ko rin naman to. Haissttt
Nang marinig kong nag bell na tsaka lang ako bumalik sa room namin. Wala ako sa sarili habang nag lalakad pabalik sa classroom namin nang biglang may mabunggo ako.
"Ayy sorry po. Hindi ko sinasadya." pag hingi ko ng paumanhin dito.
"No it's okay, ikaw nga yung mukang hindi okay." naka ngiting banggit nito sakin. Hindi manlang ako nakaramdam ng takot dahil nabangga ko to knowing na lahat ng students dito bully. Ewan ko ba bat ang gaan ng loob ko dito. Cute siya pero parang malambot.
"Yah! Tama yang nasa isip mo! Sister tayo haha. Tsaka correction hindi lahat ng estudyante dito bully. " banggit nito sakin. What pano niya nalaman na yung iniisip ko.
"ahhh ganun ba sorry ulit huh. Una na ko may nag aantay pa kasi sakin." pag papaalam ko dito. Tumango lang to bilang tugon.
Pagbalik ko sa room wala ng tao! Haissttt pero may nakita akong lalaking naka upo sa upuan ko habang yakap yakap ang bag ko.
"Pssttt." pag tawag ko dito. Agad namang tong tumayo at lumapit sakin ng makita ako.
"San ka galing? Akala ko nakalimutan munang sabay tayo ehh. Buti nalang nakita ko yung bag mo kung hindi---" banggit nito sakin pero hindi kuna siya pinatapos niyakap kuna siya ng mahigpit.
"May problema ba?" nagtatakang tanong nito sakin.
"Oo natatakot ako. Baka saktan ka ni Roy pag hindi ko siya sinunod. Ayaw kong may mangyaring masama sayo. Mahal na mahal kita." Yan yung gusto kong sabihin sa kanya pero mas pinili kong manahimik, mas pipiliin kong manahimik at masaktan kesa naman madamay pa siya. Ako lang din naman talaga ang pontirya niya, edi ako nalang ang pag initan niya."Hoy sabi ko kung may problema ba?" nag aalalang tanong nito sakin.
Inalis ko naman ang pagkakayakap ko dito. "Kailangan ba pag yayakapin kita may problema lang ako? Hindi pwedeng na miss lang kita." sagot ko dito.
"sussssss ang sweet mo ata? Anong meron.? Pa-kiss nga." naka ngiting banggit nito sakin.
"tumigil ka nga baka may maka kita pa satin. Tsaka libre mo kaya nilalambing kita hahaha." sagot ko lang dito.
"kahit hindi mo ko lambingin. Sagot ko talaga to tsk." banggit nito sakin sabay kurot sa pisngi ko.
Papasok na kami sa Canteen ng saktong palabas naman si Roy, nagka titigan kami at nginisian ako nito na kinataas ng balahibo ko. Shit kinakabahan na talaga ko sa tuwing makikita ko siya. Hinawakan naman ako sa kamay ni Prince.
"Hayaan muna yung gagong yun wag kang matakot sa kanya akong bahala sayo. Hindi kanya magagalaw hanggat nandito ako." banggit nito sakin. Haisssttt kaya sana lagi lang siyang nasa tabi ko. Para sana lagi kong nararamdaman na safe ako.
Pagpasok namin sa Canteen naka pwesto nadun sila Rocky pati yung iba nilang barkada. Hindi nadin kami umorder dahil naka pag utos na pala siya kanina bago pa kami pumunta sa Canteen.
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo